Chapter 11

568 25 13
                                    

"Sino ka!!?"Makalipas ang ilang saglit ay tila naka-get over na 'yung mga lalake at matikas at tila galit na nag-tanong.

Humarap ako sa kanila at tinignan sila nang masama. Pano ba naman,e game na nga lang 'to nagnanakaw pa sila. Jeez! "Ibalik niyo ang kinuha niyo sa kanila"Sigaw ko.

"Pft...."Nang narinig nila 'yun ay nagsimula na silang tumawa"Wahahahahaha"Tumawa sila nang tumawa na parang narinig na nila ang pinaka nakakatawang joke sa mondo.

"Pre ibalik raw natin?"

"Pft~ sino ba siya?"

"Hahaha...hindi niya yata tayo kilala"

Nainis naman ako sa mga pinagsasasabi nang mga 'to. "Hindi ko na kayo kailangan pang makilala,I don't need to know a person with a hostile intension!"

Pagkasabi ko noon ay kinuha ko 'yung blood devouring fire vessel ko sa inventory ko tapos ay itinutok ko sa kanila 'yung isa. "Kung hindi niyo ibibigay ay kukonin ko!"

Tila naalarma naman sila noong nakita nila 'yung vessel ko. Naging seryuso na sila at kinuha ang mga sandata nila.

"He,gusto pala makatikim ng noob na 'to e!"Sabi noong leader nila.

"Boss,wag ka nang mag-alala ako na ang bahala sa kanya"Lumapit naman doon sa leader nila 'yung lalakeng may vale sa mukha at tila assassin. May hawak itong Dalawang dagger.

"Haha,Jinm! Gusto no lang 'yung dalawang dagger niya e!"Isa naman sa mga kasama nila ang nagsabi.

"Haha"Tumawa naman 'yung Jinm"Tama 'yan medyo matagal ko na kasing kasama ang aking mahal na cursed dagger kaya gusto ko nang palitan. Nagkataon namang may dagger siya so,syempre 'di ko tatangihan ang grasya!"

"Hahahahahah"Nagtawanan naman ulet 'yung mga kasama niya.

"OK. Sige,pero hahatiin natin ng patas ang mga malalaglag na items sa kanya"Nagsalita naman 'yung leader nila.

Naramdaman ko namang may humawak sa may laylayan nang damit ko at nakita ko ang isang kamay,kamay noong babaeng sugantan at kaninay walang malay!"Uhh.....tumakas......kana,hindi mo........sila.....Uuh.....kaya...."Sabi nito nang nanghihina at matapos nyang sabihin 'yun ay sumuka siya nang dugo.

"Ate!!!"Nagulat at nag-aalala naman 'yung kapatid niya matapos niyang makita ito.

Hindi nalang ako umimik. Medyo naaawa ako sa lagay niya. Mukhang malala. Humarap na ulet ako sa kalaban ko at nakitang ko papasugod na siya.

"Iyaaaaaaa!!"Sumugod ito at ng makalapit ay iniwasiwas ang dagger niya papunta sa akin.

Ting!

Sinalag ko 'yung dagger gamit ang vessel ko at agad na naputol ang dagger niya.

"Pa-paanong.....?"Tila gulat na gulat naman ito. Pero ako hindi.

Saktong sa pagkakataon,ginamit ko na ang skill ko. "Illusion Slash"Tatlong illusion clowns ang lumabas sa lahat ng direction at sabay sabay na umatake sa kanya.

"Tsuk! Ugh...."Hindi na nakailag pa 'yung Jinm dahil tinamaan na siya nang apat na saksak. Kasabay nang pagkawala nang tatlong illusion ko ang pagbagsak ng katawan niya,walang malay.

"Huh?...."Tulala lahat ng mga nakakita,mapa-kakampi niya o 'yung dalawang babae. Wala pa kasing 30 seconds ay natalo ko na agad ang kalaban ko. Sino ba naman ang hindi mabibigla?Pero siyempre. Mas mataas ang level ko kaya ganon.

"Jinm!?"Tila bumalik na ang consciousness nila at sabay sabay na sumigaw.

"Ikaw........Lagot ka sakin!"Tila nagalit naman 'yung mga kasama niya at sumogod sa akin.

"Tigil! Wag kayong maging rush! Tignan niyo nga si Jinm! Sigurado akong nagloloko lang 'yan"Isang lalake na nakasuot nang robe na dark green naman ang lumabas.

"Lucas......sigurado ka?"Tila nagulat naman 'yung mga kasamahan niya. Pati ako.

"Siyempre! Sino ba si Jinm?Siya ang no. 1 assassin natin. Sa tingin niyo ba ay mabilis lang siyang matatalo nang ganon ganon nalang?Let alone nang isang noob. Kahit si boss nga ay hindi siya matalo nang basta basta"Sabi pa nito at lumakad papunta sa nakahigang Jinm na walang malay.

"Oo nga"

"Tama"

Nagkaroon naman ulet nang disscusion sa kanila at kung ano ano pa ang mga pinagsasasabi.

Habang 'yung Lucas naman ay na kaharap sa bangkay at nakangiti. Biglang humarap siya sa mga lalake at iniwagayway ang kaniyang kamay papaharap sa mga 'to at sinabing"Water Bullet" At lumabas ang napakaraming finger-size na butil nang tubig.

"Ah...."

"Ikaw!"

"Anong?"

"Tridor!"

"Swoosh! Swoosh! Swoosh! Swoosh!"
Sa oras na tumama sa katawan nang mga lalake ang butil ng tubig ay tila bala ito nang baril na tumabos sa katawan nila. Agad na natumba ang mga ito dahil vitals ang tinaman. Pag-tumba nila ay hindi na sila humihinga.

"Haha,sabihin niyo na ang lahat. Tse!"Sabi noong Lucas matapos niyang patayin ang mga kasama niya.

Gulat na gulat naman ako pero hindi na ako umimik. Alerto ako dahil hindi ko malaman kong kalaban ba siya o hindi.

Humarap ulet ito sa amin at tila may tinanggal sa mukha niya at agad na nagiba ang ang kaniyang mukha. Mula sa pagiging lalake ay naging babae ito at humaba ang buhok.

"Empress!?"Tila gulat na gulat naman 'yung dalawang Babae.

Empress?

"Kayo!"Tumoro 'yung tinawag nilang empress sa dalawa"Ilang ulet ko nang sinabi na hindi kayo pwedeng lumabas nang palasyo nang walang paalam! At hindi lang kayo umalis! Pumunta pa kayo dito!"Tila galit na galit naman 'yung Empress.

"Uuu.....sorry na!"Sabi noong mas bata at tumakbo papunta doon sa Empress"Pero si Ate...may sugat siya!"Sabi pa nito at itinuro ang isa pang babae na ngayon ay nakasandal sa isang puno.

"Hmpf! Hindi kasi kayo nakikinig!"Sabi noong Empress pero bakas ko parin ang pag-aalala sa mukha niya.

Lumapit ito dito at tinignan ang mga sugat ng babae at tila nabigla ito. "Pa-paanong!"

Tinignan ko ang babae at pati ako ay nagulat. Sobrang lalaa pala nang sugat niya. Dahil sa may butas ang kaniyang tiyan na mga dalawang kamao ang laki. Marami rin siyang mga sugat na hindi rin mababaw at hindi mabilang!

"How could this be....."Gulat na sabi noong Empress.

----------------
A/N: Hi guys! Sorry sa matagal kong hindi pag-uupdate! Sorry talaga! Promise babawi ako! Pero guys,I'm just wondering how my story is going so I'm asking:

How's my story?

•Excellent
•Good
•bad

Why? Di joke lang!✌
Pero I hope you'll answer! If you answer I'll dedicate the next chapter to you! Yup! To you! Well then! See ya~



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon