Chapter 10

309 19 2
                                    

After sometime. Tumayo na ako. Buong na ang isip ko. Kung totoo man ang sinabi noong GM X na 'yun,isa lang ang paraan upang makalabas rito! Ang magpalakas at talunin ang Game. 

"Really what have I turned to!"Nagkamot ako sa batok. "At least dito kaya kong protektahan ang sarili ko."Nagsimula na akong naglakad. Hindi ko Alam kong saan ako papunta dahil walang laman 'young map ko. Siguro ay dahil undiscovered pa 'yung ibang mga lugar dito.

Grumble! Grumble! Grumble!

Mga ilang hakbang palang ang nalalakad ko ay yumanig ang lupa. Pagkatapos ay mga 2 meters ang layo sa akin ay nabuwal ang lupa at may lumabas na isang malaking uod. Hindi ko alam kung gaano 'to lalaki sapagkat nasa ilalim pa nang lupa ang kalati nang katawan niya pero ang taba into ay 1 metro.

"Screeeeee~"Malakas na ungol nito kasabay ng paglabas noong malalaki niyang pangil,may tumatalsik pa na liquid na kulay violet. Sigurado akong lason 'yun.

Swoosh!

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa"First form of Blood Devouring Fire Vessel activate"Humaba ang dalawang black dagger na hawak ko at naging dalawang espada. "Fire Fuse"Iniaktibate ko narin 'yung fire fuse dahilan para magliyab ang dalawa kong espada. "Hiyaaaaah!"Sigaw ko at mabilis na sumugod patungo sa malaking mob. Isa pala itong Poisonous Earth Giant Worm Level 125 kung tutuosin ay kayang kaya ko ito dahil mas mataas ang aking level pero kailangan ko paring mag-ingat sapagkat pagnamatay ako ay......basta kailangan ko. Ayoko pa mamatay!

"Screeeeee!"Sumugod rin 'yung malaking uod at ibinuka nang malaki 'yung bibig niya. Mukhang may gagawin 'tong hindi maganda!

"Illusion Slash"Sigaw ko at may lumabas na 3 illusion clowns. "Hiyaaah"Sabay sabay kaming umatake pero hindi ako nang galing sa harap. Dahil sa likod ako aatake.

"Screeee~"As expected. Mukhang napansin niya na hindi niya ko kaya kaya't nagbuga siya nang Violet Liquid.

Swooosh!

Tinamaan 'yung tatlong illusion clowns ko at agad na nadispatted. Buti nalang at nasa likod ako. "Fire Wave! Hiyaaaa~"Sigaw ko sabay saksak sa kanyang likuran.

Tsuk! Boom!

"Screeee"Pahina nang pahina ang ungol nang uod until tuluyan na itong nawala. Kasabay ng pagsabog ng katawan niya.

"Phew~"Pinunasan ko 'yung pawis ko sa noo. Buti nalang nairaos ko kahit papaano ang aking unang laban.

Ting!

You have obtain a soul skill core.

Do you want to use it?

•Yes.     •No.  

Nagulat ako sa nabasa ko. Soul skill core? Pinindot ko nalang agad 'yung •Yes.

You have successfully learned a new skill the Healing of the thousand veins. Congratulations!

"Healing of the thousand Veins?"Mahinang tanong ko sa sarili ko. Agad ko namang binuksan ang menu at nagpunta sa skills may bago ngang category. Ang Soul Skills.
Isa palang ang nanduon at 'yun yung Healing of the thousand Veins.

Soul Skills

Healing of the thousand Veins- (Obtain from a poisonous earth giant worm) It is a skill that restores,recovers and regenerates any parts that the users body or the users target. It lasts 10 minutes. Cool Down 15 minutes

"Restores,Recovers and Regenerate?"Bulong ko. "Edi kung ganoon ay hindi na ako mamatay!"Sabi ko. Kasi kahit maputulan pa ako nang ulo basta naka-cast ang aking Healing of the thousand veins soul skill 'di mareregenerate lang uli.

"Not bad. Ayos ang una kung loot sa unang laban ko"Bulong ko at nagsimula na uling maglakad.

Hindi ko alam kung bakit ganito,pero parang bewilderness 'tong lugar na 'to. Walang mga tao,puro mga mob lang. Wala rin akong nakikita pang mga bayan so far.

After kong mag-lakad ng I think mga 10 minutes ay nakarating ako sa isang gubat. Malaki ang mga puno at halatang desolate area na 'to. Sigurado akong tirahan 'to nang mga high level monsters.

Aalis na sana ako dahil nga sa delikado dito.

"Wag! Wag kayong lalapit lumayo kayo!"May narinig akong malakas na sigaw ng babae.

"Huh?"Takang sabi ko at medyo naalerto na rin ako dahil sa baka may high level mob ang umaatake sa babae! Baka kailangan niya nang tulong!

"Hahaha! wag kang mag-alala! Hindi ka namin sasaktan!"Ilang saglit pa ay narinig ko namang tawa nang isang lalake.

"Huh?"Tuluyan na akong naguluhan. Anong nangyayari doon?

"Wag! Please! Wag kayong lalapit! k-kung h-hindi ay s-s-sigaw ako!"Sabi nang babae na medyo nanginginig ang boses.

"Hahahaha"Biglang nag halakhakan naman 'yung mga lalake.

Hinanap ko naman agad kong saan nang galing ang boses. Ilang saglit pa ay nakita ko na. May dalawang  babae na pinapalibutan nang mga 15 na lalake.

"Pre, Sisigaw raw siya!"Natatawang sabi noong isa.

"Hala! Anong isisigaw mo?"Sabi naman noong isang lalake

"B-basta,isisigaw ko n-na may m-masamang tao kayo!"Sabi noong isang babae na tila natatakot na. Nasa likod biya 'yung isang babae na tila sugatan at walang malay.

"Haha! Sumigaw ka!"Sabi noong isa at nagtawanan naman 'yung mga lalake.

"Kung sisigaw ka,sa tingin mo ba may makakarinig sayo?

"Pre meron!"

"E?ano?"

"ano pa! Edi mga high level mobs!"

"Ay!Oo nga!"

"Hahahahaahah"

Matapos marinig 'yun ng babae ay tila natakot ito.

"Ano, sisigaw ka pa?"Tanong naman nang isa. Sa tingin ko iyon ang leader nila dahil siya 'yung pinaka mataas ang level.

Medyo sumama naman ang itsura noong babae at nanginginig sa takot.
Pero sumigaw parin ito nang"Tulong!Tulongan niyo kami!"

"Hahahahahhahahahah"Nagtawanan naman ng malakas ang mga lalake matapos ang pagsigaw noong babae.

Shssssssssh!

Hindi na ako nakapagpigil at pumunta na ako sa may harap ng babae. Halata naman kasing hindi maganda ang layunin ng mga lalakeng ito e.

"P-paanong?"Gulat na gulat naman ang mga lalake lalo na 'yung namomono sa kanila. Parang nakikita nang multo.

Hindi ko na sigla pinansin at humarap sa babae. At nagsalita. "Anong nangyari sa kasama mo?"

Tila nagulat naman 'yung babae. "I-inatake kami nang isang level 125 na mob. Nilabanan ni ate at natalo ngunit sugatan na si ate. Tapos sila"Itinoro niya 'yung mga lalake at tila nagulat naman ang mga ito. "Ninakaw nila 'yung soul skill na dapat ay Kay ate tapos may balak pa silang masama sa amin"Sabi nito na. Muntik na akong mapatawa dahil para siyang batang nagsusumbong sa tatay niya.


CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon