Chapter 5

354 27 0
                                    

Maagap akong nakapasok ngayong araw. Medyo maganda rin ang mood ko. Fourth day na ngayon ng school.
Habang naglalkad ako sa may corridor ay hindi ko naiwasang tumingin sa may Law section dahil sa may nagkukumpulan nanamang mga tao,mostly mga babae at bakla.
Siguro ay pinagkakahmguluhan nanaman nila 'yung heir ng X corporation na 'yun. Well it can't be helped tsaka ano bang paki ko?

Pagkarating ko sa room ay sinalobong agad ako ni Ervin na may malaking ngiti. "Musta Zone?Anong level mo na?"Bungad agad niya pagkakita sa akin.

"Haha,Ayos lang. Level 10 na nga pala ako. Ikaw musta?"Natatawang sagot ko.

"Ako?Ito gwapo parin. Ano pa nga ba?"Sagot niya sabay pogi-sign.

"Mm"Tamango ako."May tama ka pa rin"Bulong ko

"Huh?May sinasabi ka?"Tanong niya ulet sa akin. Napakamot nalang ako sa batok ko at ngumiti.

"Wala wala. Sabi ko ang gwapo mo"Pagmamaang-maangan ko.

"Haha,good. Oo nga pala magkwento ka naman tungkol sa mga nangyari sayo kagabi"Sabi niya sa akin.

"Hmpf! wag kayo sa daan pwede"Rinig ko sabi noong babae naming classmate na hindi ko alam kung sino. Dumaan siya sa gitna namin at binangga ako sa balika't ko.

"Ha?Anong problema noon?"Sabi ko pagkalayo-layo niya.

"Who knows. Ikaw kasi nasa daan ka"Sabi ni Ervin tapos dumeretsyo sa upuan niya.

"Ha?"Manghang sabi ko."e kung hindi mo ako inistorya 'di sana......"Hindi ko na itinuloy 'yung sasabihin ko nang nakita ko si Ann.

"Good Morning Zone. Anong ginagawa mo sa daanan?"Sabi niya sa akin. e?pati ba naman ikaw Ann?asan ang hustisya?Jeez. OA!

Napakamot ako sa batok ko at ngumiti "A wala wala. Ang totoo hinihintay kita"Pagre-reason ko.

"E?"Medyo na taken aback naman siya at medyo pumula 'yung mukha niya. Anong nangyari sa kanya?May sakit ata!"Bakit mo naman ako hinihintay?"Tanong niya

Napatawa naman ako. "Haha,Joke lang. Tara na nakahara tayo dito sa daanan"Sabi ko at dumeretsyo na sa upuan ko.

Pagka-upo ko ay naka-upo na sa tabi ko si Claudine. "Hi Zone! Naglaro ka na ba kagabi?"Tanong agad niya.

"Ah..hi! Oo nakapaglaro na ako kagabi"Sagot ko.

"E?Bakit 'di mo ako ini-pm?"Tanong niya.

"A!Oo nga sorry nakalimutan ko. Promise sa susunod"Sabi ko sa kanya.

"Hmpf!Siguraduhin mo!"Sabi niya sa akin. Tapos saktong umopo naman si Ann sa katabi ko.

"Hey A----"Naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si Claudine.

"Ann bakit absent ka kahapon?Not that I care though"Sabi niya. Haha,talagang kahit away sila nang away ay halatang concern parin sila sa isa't isa.

"Its none of your business. Anyway why did you ask"Mataray agad na sagot ni Ann.

"Hahahaha,The truth is dapat kasi hindi ka na pumasok!"Sabi ni Claudine tapos tumalikod na gayon din si Ann. Perehas silang nag-hmpf!

"Sigh~"Napabuntong hininga nalang ako. Nagsimula na 'yung klase.

Lunch break.....

Pagkatapos kong kumain mag-isa ay bumalik na ako sa room. Malayo pa ako sa may room ay nakita ko mula sa kinakatayuan ko na maraming taong nagkukumpulan. Anong meron?

Nang medyo nakalapit-lapit na ako ay napansin kong puro babae at may ilan ilang mga bakla ang nandito. Mga 10 dipa nalang ang layo ko nang napansin kong nahawi ang nagkukumpulang mga tao at dumaan sa gitna nila ang isang babae at lalake. Yung lalake ay mataas,maputi tapos halatang gwapo. Tapos 'yung babae ay parang pamilyar. Si Ann? SI ANN! Kaano-ano nya ang lalakeng 'yon?Kapatid?Pinsan?O boyfriend?

CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon