CHAPTER 8: "PROMISE?"

52 1 0
                                    

[NICKS’S POV]

Nandito ako ngayon sa kuwarto ko at nagbabasa ng Wattpad. Hehe, basa basa din pag may time.

“Ang tagal naman ni Mama. Sabi niya sandalI lang siya. Hays!” Ako.

*KRROOOUUUUKKKKK*

Dahil sa tagal ni mama at sakit na ng tiyan ko, hindi ko na sya hinintay at kumain na ko. Alangan namang gutumin ko sarili ko diba? Ano ko? engers?

So, yun nga! Kumain na ko. Habang kumakain ako, Biglang nalaglag ang tinidor.

“May darating?” Ako.

Haha J saan nanggaling yun? urben legend lang? meron pa ba nun? hello? 2013 na kaya, nagpapaniwala pa kayo dun? psh.

*DINGDONG*

(Door bell namin yan)

“Speaking!” Ako.

Sino naman kaya tung nasa gate. Sumilip ako sa bintana. Syempre sumilip muna ko, Alangan namang labasin ko kaagad, mamaya kidnapper pala to, kidnappin pa ko, diba? isip isip din pag may time.

Sumilip ako sa bintana, Sino naman kaya to? Ngayon ko lang nakita to ah? Aba, mukhang mayaman. Di kotse. Hmm. Labasin ko na nga, mukha namang mabait eh.

So, lumabas na nga ako at binuksan yung gate. Pag bukas ko biglang bumalandra sakin ang matandang nakashade?

Mainit ba? may araw ba? bat kaylangan nakashade? ano? Pauso lang?

“Ikaw ba si Nicole?” Yung matandang nakashade.

Aba! mukhang MIB toh ah?

(Author: Pauso ka rin eh no? Laos na kaya yun.)

Wag ka ngang epal. So back to reality.

Tumango nalang ako as a reponse sa pagtatanong sakin nung matandang nakashade.

“Pwede Ka po bang makausap ng boss ko?” Matandang nakashade.

“Boss? Sino po?” Pagtatanong ko.

Nang biglang lumabas ang lalaking naka tuxedo sa magarang sasakyan.

“Ako!” Nicholas.

“S-sino po kayo?” Nagtatakang tanong ko.

“Hindi mo manlang ba ko muna papapasukin bago ko sagutin ang tanong mo?” Nicholas.

Oo nga naman. Pinatuloy ko na sya, Ewan ko ba kung bakit ko siya pinatuloy, Hindi ko naman siya kilala pero parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.

Pinaupo ko siya sa sala. At pinagtimpla siya ng makakain at pinaghanda ng maiinom. hehe J Bakit ba? yan ang gusto ko eh.

“Wala ba dito ang nanay mo?” Nicholas.

Aba! Kilala niya ang mama ko ah. sino ba talaga to? nahihiwagaan na ko dito ah.

“Ah, Eh, Sino po ba talaga kayo?” Nagtatakang tanong ko.

“Ah, By the way. Ako nga pala si Nicholas! Nicholas Villareal! Nice to meet you ..” Nicholas.

Inabot niya sakin ang kamay niya upang makipagshake hands. akin din namang inabot ito Bilang pormal na pagkilala.

Teka? Villareal? Parang narinig ko na yun ah? Saan nga ba ulit yun? Psh Never mind na nga lang.

“Sino po ba kayo? I mean, magkakilala po ba tayo?” Nagtatakang tanong ko.

“Marahil hindi mo pa ko kilala pero ang nanay mo, kilalang kilala ako.” Nicholas.

Medyo nahihiwagaan na talaga ko a lalaking to ah? hindi naman siya mukhang masamang tao, nor mukhang baliw, in fact medyo hawig niya pa nga si Sir. Chief ng Please be careful with my heart. Sino ba kasi talaga to?

“ Ano pong ibig niyong sabihin?” Ako.

“Mas mabuting Kay Noemi mo nalang itanong kung sino ako at sino ako sa buhay mo. Sige, hindi na ko magtatagal, at marami pa kong tatapusin sa office. Kung kaylangan mo ako. Tawagan mo lang ako. This is my Calling card. ok?” Nicholas.

Tumango nalang ako as a response.

“Tsaka isa pa, pwede ba kitang yakapin?” Nicholas.

Hindi na ko nakahindi, eh bigla nalang niya kong niyakap eh. Hihindi sana ako eh.

“Matagal ko nang hinihintay na mangyari toh.” Nicholas.

Matapos niya kong yakapin ay hinatid ko na siya sa kanyang sasakyan at umalis na siya. Ewan! bat kaya ang gaan ng loob ko sa kanya? Hala! Baka na hypnotize ako nun ah? Baka mamaya, magnanakaw pala yun.

Hanap! Hanap! tingin tingin sa paligid1 Hays, salamat! mukhang ala namang nawala sa gamit namin eh.

“Nicole?” Mama.

Si mama ..

“Po?” Ako.

“Sino yung pumunta dito? May naghahanap ba sakin?” Pagtatanong ni mama.

“Nicholas daw po? kilala mo ba siya ma? Sabi niya, sayo ko nalang daw itanong yung mga gusto kong malaman tungkol sa kanya. Kilala mo ba siya?” Ako.

(‘o’) Mukha ni mama yan na parang gulat na gulat.

Bakit kaya? May kagulat gulat bas a tanong ko?

“Anong ginawa niya dito? Anong sinabi niya sayo? Sabihin mo! Magsabi ka sakin ng totoo Nicole! magsabi ka!” Galit at pasigaw na tanong ni mama.

This time, nasasaktan na ko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang nagkaganto? para bang may galit siya sa taong toh. Hays, ewan, bat niya ba kasi hinahawakan ng mahigpit tong braso ko? Inggit lang?

“Ahh! Ma, nasasaktan ako. Nagpakilala lang naman siya sakin eh, tapos umalis na siya.” Ako.

Bigla akong niyakap ni mama. Tignan niyo tong nanay ko na toh. napaka moody talaga. Bigla nalang akong niyakap pagkatapos akong Hawakan sa braso ng mahigpit. Baliw yata toh eh.

“Wala ba siyang ibang sinabi sayo?” Mama.

“Wala nap o, yun lang.” Sagot ko.

“Nicole?” Mama.

“Po?” Ako.

“Pwede ka bang mag promise sa akin?” Mama.

“Ano po yun?” Ako.

“Pwede mo bang ipangako akin na hinding hindi ka na muling makikipagkita sa lalaking yun? na kahit lapitan ka niya, iiwasan mo siya? Pwede mo bang ipangako sa akin yun?” Mama.

Ano ba tong nangyayari sa nanay ko? Parang engers.

“Bakit po?” Tanong ko.

“Basta, wag ka ng magtanong, Maipapangako mo ba?” Mama.

Tumango nalang ako as a response.

“Promise?” Mama.

Tinaas ko ang right hand ko as a sign of promis.

“Promise! Close my heart!” Ako.

Niyakap ulit ako ni mama.

“Mahal na mahal kita anak!” mama.

“Mahal na mahal din kita, ma!” Ako.

Bakit kaya ganito si mama? parang ewan. Ibang- iba siya ngayon.

Hays! ewan ..

[END OF NICKS’S POV]

Next chapter ..

"DRIVER TURNS TO LOVER"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon