Andrew's POV
Hindi ko na alam kung anung nangyayari sa anak ko. Tinry ko naman lahat para maging mabuting tatay pero bakit parang hindi ko nagawa ng tama?
Nung bumalik ako kagabi sa kwarto pagkatapos naming mag usap ni Lyssa nakita ko agad na wala siya kaya naman agad akong lumabas para hanapin siya. Takot na takot na ako syempre nag aalala ako. 5 am na ako nakabalik sa bahay galing sa pag hahanap pero wala padin. Pag dating ko sa kwarto nakita ko siyang tulog na tulog halos napa iyak ako sa tuwa dahil ligtas sya.
Hindi ko na napigilan yung galit ko kanina. Oo galit ako. Galit ako sa sarili ko. Frustrated na talaga ako hindi ko na napigilan kaya naman sa lamesa ko na lang nilabas ang lahat. Mabuti nalang andun si Lyssa para pakalmahin ako.
'Anak anong problema' yan ang gusto kong itanong pero ano? Wala na naman akong nagawa. Hindi ko naman pinag sisisihan na dumating siya sa buhay ko kasi sa totoo lang siya na ang buhay ko ngayon.
Sorry son. Sorry kung ganto lang tatay mo. Sorry kung wala akong kwenta. Sorry kung hindi ako ang pinaka the best na tatay sa mundo, pero isa lang ang maipapangako ko. Gagawin ko lahat sumaya ka lang. Susuportahan kita sa lahat.
(A/n: Suportahan kaya nya si Benj? Gagawin kaya ni Andrew ang lahat para sa kaligayahan ng anak na kaligayahan nya din? Sino kaya ang pipiliin ni Lyssa?)
BINABASA MO ANG
Does Age Matters?(Major Editting)
Non-FictionAge gap. Dalawang lalaki sa buhay ko. Isang mahal ko at yung isa mas mahal ko. Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat. I just woke up that I love the both of them but... Sinong pipiliin ko? O kaya naman dapat nga ba akong mamili?