Kaede P.O.V
Tapos na ang summer class namin at patapos na rin ang 2 linggong pahinga
Araw ng sabado ngayon at sa lunes ay pasukan na ulit namin
Ang saya talaga sa Bcp 😑
Andito lang ako sa bahay at walang magawa, gusto kong gumala kaya lang wala akong pera
Bigla na lang may dumating na asungot sa bahay ko
"Hi baby girl 😊" sabi niya sa akin
"Anong kailangan mong hinayupak ka ?😒" Tanong ko sa asungot na ito
"Bago ko sagutin yang tanong mo pakilala mo naman ako sa mga readers mo 😁 " ang kapal talaga ng apog nito
Ako pa talaga,ha 😒
"Siya nga pala si Lance Torres
gwapo, matangkad, maputi, singkit at nag-aaral sa STI 😒
Iyan na,ha!
Pinakilala na kitang kutong lupa ka
Ano ba kailangan mo? 😑" inis na sabi ko
Kase alam kong bibwisit na naman ako niyan
"Yayain sana kitang lumabas para bumili ng mga gamit natin tutal pasukan na sa lunes" aya niya sa akin
Dahil wala naman akong magawa ay pumayag na ako saka wala pa din naman akong gamit
"Kainis talaga at pasukan na agad sa lunes
Hindi ko man lang nasulit ang 2 linggo" pagmamaktol na sabi ko
Kase ba naman sa loob ng 2 linggo nganga lang ang ginawa ko sa bahay 😒
"Sige na maligo kana at mag-ayos ka na din
Ipagpapaalam na kita sa lola mo na sabay na tayong mamili ng school supplies" sabi niya sa akin
Alam niyo kahit ganto ang ugali ko at itsura ko ay andiyan parin siya
Minsan nga napagkakamalan kaming mag jowa nito
At eto pa, baka daw ginayuma ko si Lance dahil ang panget ko at ang taba-taba ko ay imposible daw akong magustuhan ni Lance
Mga chismosong kapitbahay na akala mo ang gaganda 😒
Ang sarap lang itapon sa red sea at ipakain sa piranha, mga bwisit 😤
Ayun na nga pinagpaalam na ako ni Lance sa lola ko na bibili kami ng school supplies
Pagkatapos ko maligo at mag-ayos ay lumapit na ako kay Lance na nag-aantay sa akin sa labas
Simpleng t-shirt at pantalon at rubber shoes ang suot ko
Bibili kami ngayon ni Lance sa national bookstore
Kaya lang ayoko dito kase ang mahal mas gusto ko pa sa divisoria
"Lance sa divisoria na lang tayo bumili ng gamit kase mas mura doon" sabi ko sa kanya
Kaya nangunot ang noo niya sa sinabi ko
BINABASA MO ANG
My Vampire Master (Editing)
VampiroThis is my second story Hope you like it ^_^ Basa po sa Pangalan ng mga Tauhan Kaede(Kay-de) Kaoru (Kaw-ru)
