Lance Torres

3K 69 0
                                        

Lance P.O.V

Hi! Ako nga pala si Lance Torres
Gwapo,matangkad, singkit,maputi at syempre mabait
Nag-aaral ako sa STI ang course ko ay BSBA 3rd yr. college na ako sa pasukan
Alam niyo ba? May gusto ako kay Kaede
Pero secret lang natin,ha

Natotorpe kase ako kapag kaharap ko na siya
Hindi ko masabi sa kanya na mahal ko siya
Alam kong hindi siya maganda, maraming tigyawat sa mukha, mataba at hindi pa ganun kaganda ang ngipin niya
Pero kahit ganun ay nagustuhan ko siya kase matapang siya at hindi niya hinahayaang apihin siya ng mga tao

"Hoy!
Earth to Lance, earth to Lance!
Nagdadaydream ka na naman" kaway ng kamay ni Alice sa mukha ko

"Pasensya na" sabi ko sa kanya

Andito kami ngayon sa Mall wala kase akong magawa sa bahay at si Alice ang kasama ko ngayon kase si Kaede tulog parin
11:00 am na pero tulog parin
Kaya si Alice na lang ang niyaya ko

"Iniisip mo na naman si Kaede, noh? " tanong niya sa akin

"Hahahahaha
Hindi kaya" tawa ko
kase paniguradong aasarin na naman ako nitong babaeng ito

"Hindi daw
Sige nga, Anong sinabi ko sa iyo kanina? " tanong niya

Kabanas naman hindi ko alam
Hindi talaga kase ako nakikinig

"Sorry" sabi ko sa kanya sabay kamot ng batok ko
Hindi kase ako nakikinig sa kanya, ehh

"kahit kailan ka talaga
Ano ng plano mo?
Ano habangbuhay ka na lang torpe?" tanong niya ng hindi tumitingin sa akin at busy sa pagkain ng piattos

"Hindi ko alam
Alam mo naman diba?!
Kapag aamin na ako sa kanya bigla na lang ako nauutal o nabablangko" sabi ko
Nakakainis talagang maging torpe

Sa dinami-dami na naging girlfriend ko kay Kaede lang ako natotorpe ng hindi ko alam kung bakit?!

"Kawawa ka naman
Pero ok lang iyan
(andito naman ako)" sabi niya pero hindi ko marinig yung huli niyang sinabi

"Hahahahaha
Hahanap na lang ako ng tyempo
Tapos nun aamin na ako na mahal ko siya 😁 " ngiting sabi ko

Alam niyo kapag naging kami ni Kaede magiging mabait ako sa kanya
Kahit na mabait naman talaga ako
At wala akong pake sa sasabihin ng iba basta ang alam ko ay mahal ko siya

Bigla na lang may nagtext sa akin
Ang kaibigan kong si Alex Dela Rosa
Niyaya niya akong gumimik sa bahay ng isa pa naming kaibigan

Kaya lang tinatamad ako
kaya tinext ko na lang siya na tinatamad ako
At ang ugok minura ako 😑

"Sino yang nagtext sa iyo?" tanong ni Alice sa akin

"Si Alex, gimik daw kami ngayon
kaya lang sabi ko tinatamad ako kaya ayun minura ako " sabi ko sa kanya

Hindi na siya sumagot at niyaya niya akong makipagselfie kaya hindi na ako tumanggi kase may sinabi sa akin si Kaede sinabi daw sa knya nung prof. nya na kapag may nakipagselfie sa iyo "Grab the opportunity once in the lifetime" lang daw iyon
Diba ang saya,
Anong connect ng payo ng prof. ni Kaede sa pagseselfie?

Tiningnan ko ang relo ko at nakita ko na 11:30 am na
Gusto ko ng umuwi

"Alice uwi na tayo" sabi ko sa kanya na busy sa cp niya
Siguro iniedit niya yung pic. namin kase nakapa-apat kmi ng selfie

"Ha?
Bakit naman?" tanong niya sa akin na

"Gusto ko na kaseng umuwi
inaantok ako, kulang pa ang tulog ko" sabi ko sa kanya

Totoo kulang pa talaga ang tulog ko
Kase alam niyo ba kung sino kapuyatan ko kagabi?

Ang ex ko lang naman na si Camille
Yes, friend kami at hanggang doon na lang iyon kase nga si Kaede na ang mahal ko

"Ok sige na nga,
Basta hatid mo ako sa amin" sabi niya sa akin na nag-aayos na

"Hahahahaha
Syempre hahatid kita
Kahit hindi mo na sabihin sa akin" tawa kong sabi sa kanya

Kaya umalis na kami sa Mall at hinatid ko na si Alice sa knila

My Vampire Master (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon