1 Week

2K 60 0
                                    

Kaede P.O.V

Andito ako ngayon sa school at hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga kaibigan ko na sila Margie, Angel at Jen na pupunta na akong Japan at doon na mag-aaral
Inaasikaso na ng lola ko ang mga kailangan sa pagtransfer ko

"Aba,
Himala anong meron ngayon at si Kaede na madaldal
Ay tahimik ngayon?" tanong ni Jen sa akin at may halong pang-aasar

Hindi ko alam pero hindi ko muna gusto maging pilosopo sa kanila

"Oh?
Ano bang problema ni Kaede at ang tahimik niyan?"tanong ni Margie

"Hindi ko alam" sabi ni Jen

"Baka gutom na iyan
Ganyan pa naman si Kaede kapag gutom
Tahimik lang" sabi ni Angel

Ang sarap sipain ng mga mukha ng mga kutong lupang ito
Pagchismisan ba naman ako 😒
May problema na nga ako tapos puro kabaliwan lang ang mga pinag-uusapan

"Alam niyo ang iingay niyo
Ang totoo niyan kase" bwisit hindi ko masabi sa kanila ang gusto kong sabihin
Siyempre kahit mga abnormal itong tatlong ito
Ay mamimiss ko talaga sila ng sobra

"Kase ano?" tanong ni Jen

Bahala na nga at sasabihin ko na sa kanila

"Kase pupunta na akong Japan at andito ang lola ko dahil inaasikaso na niya ang mga kailangan ko sa pagtatransfer ko sa Japan
Doon na kase ako mag-aaral" sabi ko sa kanila at kahit isa sa kanila ay walang umimik

Eto na naman tayo sa late reaction
Ang sarap talagang sipain ng mga mukha ng mga kutong lupang ito 😒

"Ha?
Bakit?
Akala ko ba after 3 years pa ang alis mo
Bakit ang bilis?
As in sobrang bilis naman ata ng paglipat mo" takang tanong ni Angel

"Hindi ko alam
Bali ang maiiwan dito ang kuya, lolo at lola ko
Sabi ng Tita ko na ako daw muna ang mauunang pumunta doon at pag-aaralin niya din daw niya ako doon
Pero ang bwisit na iyan
2nd yr. High school pa lang ako doon
Imbis na graduating student na ako next year
Bwisit talaga" inis na sabi ko sa kanila

Bakit totoo naman,eh?!
Nakakainis naman talaga
College ka na tapos biglang high school ka palang pagdating sa ibang bansa
E di wow 😡

"Hanggang kailan ka na lang dito? Tanong ni Margie

"Ang sabi ng Tita ko
1 week na lang ako dito sa Pilipinas" sabi ko

"Ha?
Paano naman iyong mga papeles mo at panigurado akong hindi mabilis ang proseso ng paglilipat mo" sabi ni Jen sa akin

"Alam mo planado na ang lahat
Inasikaso na nila ang lahat noon pa kaya wala ng problema at ang pagsang-ayon ko na lang ang problema nila" sabi ko sa kanila

Magsasalita sana sila ng biglang dumating si Alfredo

"Uy?
Kaede nakita ko lola mo
andoon sa registral
Ano ba ang ginagawa ng lola mo doon?" tanong ni Alfredo sa akin

"At gaya ng sabi ko
Konting problema na lang at matatapos na din at babye na sa inyo
Pero alam niyo mamimiss ko kayong tatlo kahit na mukha kayong mga abnormal at ang sarap niyong itapon sa red sea
Mamimiss ko kayo" sabi ko sa kanila

At iyong tatlo ay parang ewan
Kase ba naman gusto ng tumulo ang mga luha nila

"Anong meron?
Mamatay ka na ba Kaede?" masayang tanong ni Alfredo sa akin

"Hindi mangyayari iyon Alfredo my loves kase hindi pa tayo kinakasal
Kaya mabubuhay pa ako ng matagal 😁" ngiting sabi ko sa kanya

At ang mukha na naman niya ay parang ewan
Epic fail parin 😂

"Ano bang meron at nagdadrama kayong apat diyan?" tanong niya

Napakachismoso talaga nitong abnormal na ito

"Wala
Saka Margie, Jen at Angel
Wag niyong sasabihin sa kahit na kanino ang mga sinabi ko sa inyo
Hindi sa ayaw ko pero panigurado akong marami na naman magiging sipsip niyan" sabi ko sa kanila

"Kahit kay Alfredo?" tanong ni Margie

"Oo please" pagkasabi ko nun ay biglang kumunot ang noo ni Alfredo

"Ano ba kase iyon?
Bakit ba ayaw niyo sabihin sa akin" kulit naman nitong abnormal na ito
Sabing wala nga kahit meron

Sasagot na sana ako ng biglang dumating ang prof. namin kaya bumalik na si Alfredo sa pwesto niya

"Mamimiss ka din namin
kahit baliw ka" sabi ni Jen sa akin

Hindi na ako sumagot at ngumiti na lang ako
Ang swerte ko at may mga kaibigan akong katulad nila

My Vampire Master (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon