Lance P.O.V
Andito ako sa room namin
Wala kming prof ngayon at may meeting daw sila
Kaya eto ako, bored na bored dito
At the same time miss ko na sya
"Oh?
Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Alex sa akin
"Namimiss ko na kase sya" malungkot na sabi ko sa kanya
"Hahahahaha
Sino yung baboy na kaibigan mo?" asar na sabi nya sa akin
Putragis na ito
Nang-asar pa pasalamat siya at wala ako sa mood makipag biruan sa kanya at baka sinipa ko na itong kumag na ito kung nagkataon
Hindi ko na lang siya pinansin at nagbusy-busyhan na lang ako sa phone ko
"Uy?
Eto naman hindi na mabiro"sabi ni alex sa akin
"Gago ka kase" sabi ko sa kanya
"hahahahaha
Sorry na bakit kase hindi mo na lang sundan sa japan" sabi niya sa akin
Oo nga pala, naikwento ko na kay Alex ang lahat yung pagpunta ni Kaede sa japan at sa tinatago kong nararamdaman kay Kaede
"Alam mo naman na walang kasama si Mommy dito sa Pilipinas at si Dad parating out of town" sabi ko sa kanya
"Tang-ina naman pre,
Matanda na ang nanay mo kaya na nya mag-isa dito and beside wala naman sakit si Tita kaya pwede mo naman sya iwanan" sabi ng uhugin na ito
"Yun na nga matanda na siya and i know she is healthy but still walang mag-aasikaso sa kanya dito" paliwanag ko
"Alam mo pag-usapan nyo ni Tita iyan na gusto mong pumunta ng Japan
Kase i see in your expression na kahit andito ka yung isip at puso mo naman na sa ibang lugar parang ganun din yun, parang iniwan mo lang din si Tita but the difference is you're physically here but mentally you are not here" sabi nya sa akin
Magsasalita sana ako ng biglang pumasok ang prof namin
At sinabing icacancel muna ang
klase dahil may aasikasuhin daw sila mga teachers
Tama yung baliw na alex na yun kakausapin ko si Mommy
Kaya agad-agad kong kinuha ang bag ko at dali-daling umuwi
Pagkarating ko ng bahay hinanap ko agad si Mommy at nakita kong nasa kwarto niya lang ito
"Oh?
Ang aga mo umuwi ngayon" takang sabi ni Mommy sa akin
Tama
kakausapin kosiya gusto kong pumunta sa Japan para sundan ko na si Kaede
"Mommy?
I want to tell you something
Gusto kong pumunta ng Japan" diretsong sabi ko sa kanya
"Ha?
Bakit naman anak?
May problema ba sa school mo?
At bigla mo gusto mong pumunta ng Japan" takang tanong ni Mommy sa akin
"Kase ang totoo po nyan
Gusto kong sundan si Kaede
I want to see her and also gusto ko po sya makasama" sabi ko
Ngumiti si Mommy sa akin
"Bakit mo gusto mo sya makita and makasama?" ngiting tanong ni Mommy sa akin
Ano ba yan, nakakabakla naman itong gagawin ko pero kailangan kong magconfess sa nanay ko kung ano talaga ang totoo kong nararamdaman para kay Kaede
"Ang totoo kase Mommy
Mahal ko si Kaede matagal na
pero hindi ko kse maamin sa kanya ang tunay kong nararamdaman
Kapag po sasabihin ko sa kanya na gusto ko po sya nabablangko ako na kinakabahan na ewan po
ngayong nasa Japan po sya natatakot ako Mommy baka po kase isang araw wala na si Kaede sa akin at baka po may magustuhan na syang iba
Gusto ko siyang sundan pero kase po inaalala ko kayo wala kayong kasama dito kase si Daddy parating naka out of town" malungkot na sabi ko sa nanay ko
Nagulat na lang ako ng bigla na lang niya ako niyakap ng mahigpit
"Anak
Natutuwa ako sa iyo
Alam mo wag mo akong alalahanin at kaya ko naman ang sarili ko and beside wala naman akong sakit
Isa pa mas magandang sumunod ka sa kanya at sabihin mo ang nararamdaman mo. I'am so proud of you kase ang lakas na loob mo na sinabi mo sa akin ang tunay mong nararamdaman para kay Kaede
I know you are very shy and hindi ka pala kwento sa mga ganitong bagay but because you love her, nilunok mo lahat and sinabi mo sa akin ng hindi ka nahihiya or natatakot and also i'am very happy kase sinabi mo sa akin iyan
boto ako sa kanya anak kase she is very loving person and napakabait nyang bata
Kaya go lang sundan mo ang babaeng nagpapasaya sa iyo" ngiting sabi ni Mommy sa akin habang yakap-yakap ako
Kaya napangiti ako at napayakap ako sa kanya
Ang swerte ko at may nanay ako na super supportive at mapagmahal
"Salamat Mommy" kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya
"Dahil dyan doon ka na rin mag-aral sa school kung saan nag aaral si Kaede" ngiting sabi ni Mommy sa akin
"Talaga po?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya
"Oo naman and ako na bahala sa Daddy mo mag explain lahat but there is one problem matagal ang proseso ng paglilipat mo ng school at mga documents need mga kunin dahil sa ibang bansa ka na mag-aaral we need to settle all the things we need hindi madali ang proseso and madami ka pang gagawin para makalipat ng school makakaya mo ba lahat ng iyon?
And it's not easy Anak may time na after school you need to go to City hall para magpapirma ng mga kung ano-ano and also need mo din pumunta ng embassy for some other documents " sabi ni Mommy sa akin
Kakayanin ko ang lahat para kay Kaede
Makasama lang siya and para masabi ko na ang nararamdaman ko sa kanya
" Opo Mommy" ngiting sabi ko sa knya
Kaya tumayo na sya at sinabihan nya ako na maligo na daw ako at ang baho ko na daw
Kaya ngumiti na lang ako at niyakap ko ulit si Mommy
Konting tiis lang Kaede at susunod na ako diyan
Miss na miss na kita sobra
Mahal na mahal kita Kaede
Antayin mo ako diyan
BINABASA MO ANG
My Vampire Master (Editing)
VampireThis is my second story Hope you like it ^_^ Basa po sa Pangalan ng mga Tauhan Kaede(Kay-de) Kaoru (Kaw-ru)
