Kaede P.O.V
Andito na ako sa kwarto ko
Kung tinatanong nyo kung ano nangyari sa akin sa school
Naku, puro panlalait lang ang natanggap ko sa mga hinayupak ng mga tao doon
Nakakainis nga,ehh
Akala mo ang gaganda at ang ga gwapo
Ang sarap sipain ang mga mukha
Matawagan nga muna si lola
Kaya agad kong hinanap ang phone ko at tapos tinawagan ko si lola sa phone
Grabe miss na miss ko na sila
Calling Lola........
[Hello Kaede?] sabi ni Lola sa akin
[Hi Lola!
Kamusta na po kayo ni lolo dyan?] masayang tanong ko sa kaniya
[Eto, ayos naman kami ng lolo at kuya mo
Kakatawag lang din sa akin ng tita mo kanina lang at nangangamusta din siya sa amin dito] sabi ni lola sa akin
[Mabuti naman po lola,
Siyanga po pala pasensya na kung madalang lang po ako makatawag sa inyo] malungkot na sabi ko sa kanya
[Naku apo, ano ka ba ok lang iyon
Naiintindihan naman namin kung bakit alam namin na sobrang busy mo sa school and hindi biro ang pag aaral dyan kumpara dito sa Pilipinas
Oo nga pala, nabalitaan namin sa Tita mo na unang araw mo sa school ngayon
Kamusta naman apo?] sabi ni lola sa akin
Nakakamiss tuloy sila
Kahit minsan hindi kami nagkakasundo sa mga bagay-bagay dahil alam nyo na kapag matandan iba na din ang ugali pero kahit ganun ay mahal ko parin sila
[Ok naman po lola, nalulungkot po ako kase miss na miss ko na po kayo pero masaya pa din kase nakarating na po ako ng Japan] kahit nalulungkot ako at gusto kong sabihin sa kanya na grabe mambully ang mga tao dito ay hindi ko na lang sinabi
Mas maganda na wag na lang ako magkwento at baka mag-alala pa sila sa akin dito
Sa Tita ko nga hindi ko kinukwento at ayoko siya mag-alala, what more pa kay lola
[Mabuti naman at nag eenjoy ka dyan.
Miss na miss ka na rin namin apo] sabi sa akin ni lola
Bigla na lang may tumawag kay lola at base sa narining kong boses ang baliw kong kapatid ang tumatawag kay lola
[Sige na apo,
Ibaba ko na ito at yung kapatid mo tinatawag na ako at mukhang kailangan ng tulong. Ingat ka parati diyan
Kapag may problema tumawag ka agad sa amin o magsabi ka sa Tita mo] sabi ni Lola sa akin
[Opo, ingatan nyo din po sarili nyo
Kumain kayo ng madami at wag nyong kakalimutan inumin ang mga gamot nyo po] paalalang sabi ko sa kanila
[Oo naman apo,
Ikaw din ingat ka parati, ba bye
Miss ka na namin ng sobra. I love you] ngiting sabi ni lola sa akin
[Ba bye din po
I love you din po] tapos inend na ni lola yung call
After nung call nakaramdam ako ng pagka bored
Wala akong magawa dito
Kaya humiga ako sa kama at tumingin lang sa kisame
Bigla na lng may kumatok sa pintuan
Kaya bumangon ako at nakita ko pagbukas ng pintuan.
Si Tita pala ang kumatok
"Hello po Tita
May problema po ba?" tanong ko sa kanya at nakita ko na may hawak syang susi
Pumunta sya sa tabi ko at umupo din sa kama
At bakas sa mukha nya ang saya
BINABASA MO ANG
My Vampire Master (Editing)
VampireThis is my second story Hope you like it ^_^ Basa po sa Pangalan ng mga Tauhan Kaede(Kay-de) Kaoru (Kaw-ru)
