Kaede P.O.V
Time check 6:00 pm na
Andito na ako sa airport dahil pupunta na akong Japan at oras ng flight ko ay 6:30 kaya tamang hintay lang muna ako dito
Ayun na nga sa loob ng 1 linggo puro bonding lang ang ginawa namin ng mga kaibigan ko siyempre kasama na doon si Lance
Nakilala na din pala ni Lance ang mga kaibigan ko na sila Margie, Jen at Angel
Iyong mga uhugin na iyon ay nagtataka kung paano ko daw nakilala si Lance
Ano akala nila sa akin hindi pwede magkaroon ng kaibigan na gwapo
Mga bwisit talaga ang mga uhugin na iyon
Ayon iniintay ko na lang na tawagin na ang flight ko papuntang Japan
"Mamimiss ka talaga namin" sabi ni Jen sa akin
Oo nga pala andito nga pala ang mga kaibigan ko ganun din ang lolo, lola at kuya ko
Syempre aalis na ako kaya sinamahan nila ako sa huling sandali ng pagkikita namin dahil pupunta na akong Japan
"Pasulubong namin, ha" sabi naman ni Margie
"Balitaan mo kami kung ano na nangyayari sa iyo doon" sabi ni Angel
Hindi ko alam ang sasabihin ko kase kahit mga kutong lupa iyang mga kaibigan ko ay mamimiss ko sila ng sobra
Kaya nag-group hug kami
"Mamimiss ko din kayo ng sobra" kainis naman parang nagsisi na ako na pumayag akong pumunta ng Japan
"Hoy!
Mamimiss kita baboy
Ingat ka parati doon" sabi ng kuya ko
Kainis talaga ang bwisit na ito at inaasar pa ako nitong abnormal na ito pero kahit ganun ay mamimiss ko rin naman siya
Kaya lumapit ako sa kanya para yakapin siya
Tapos ang lolo at lola ko naman ang niyakap ko
"Mag-iingat ka doon, ha.
Kapag may problema tumawag ka lang sa amin" sabi ng lolo ko
"opo" tugon ko
"Wag kang mag-alala at susunod kami sa iyo pag-graduate ng kuya mo
mag-iingat ka doon at makinig ka sa tita mo
Wag magpapasaway" sabi ng lola ko kaya niyakap ko sila ng mahigpit
Oo nga pala kasama ni Lance ang mama niya
Syempre sa kanila kase kami humiram ng sasakyan
Iyong papa ni Lance, ayun marami daw gagawin kaya hindi na ako nasamahan sa paghatid
"Kaede, mamimiss kita ng sobra
Alam mo naman na boto ako sa inyo ni Lance pero ok lang sa akin kahit Long distance relationship kayo ni Lance
Mag-iingat ka doon, ha!" sabi ng Mama ni Lance
Abnormal talaga ang babaeng hukluban na ito
Kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit at ganun din siya
"Kaede mamimiss kita" sabi ni Lance sa akin
"Ako rin Lance mamimiss ko kayong lahat" sabi ko sa kanila
Konti na lang talaga iiyak na ako
"Pero alam mo naman na anytime pwede akong sumunod sa iyo" pagyayabang niya sa akin
Sa bagay mayaman siya kaya pwede syang pumunta kahit saan man niya gustuhin
"E di ikaw na mayamang hinayupak ka" inis na sabi ko
Aalis na nga lang ako nagmamayabang pa
Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit
"Pero alam mo naman na hindi ko pa pwedeng iwan si Mommy kase marami pang ginagawa si Dad" bulong niya sa tenga ko
"Mamimiss ko sobra ang kulitan natin" sabi ko sa kanya
Bigla na lang niya akong hinalikan sa pisnge siguro kung hindi lang ako nalulungkot baka sinapak ko na ang abnormal na ito
Pero hinayaan ko na lang siya
Pagkatapos namin magyakapan ay nag-group hug kaming lahat
Bigla na lang tinawag ang flight ko papuntang Japan kaya inayos ko na ang sarili ko at pati na rin ang bagahe ko
"Eto na guys
aalis na ako salamat sa pinagsamahan natin
Mamimiss ko kayong lahat ng sobra mag-iingat kayo
wag kayong mag-alala babalitaan ko kayo kung anong ginagawa ko doon" eto na umiyak na ako
kainis talaga ayoko sa lahat ng iyakan,eh
Panget na nga ako pati iyak ko pangit parin
Umiiyak na rin sila
Aalis na sana ako ng bigla akong pinigilan ni Lance
"Kaede
Suotin mo ito
wag mong iwawala ito,ha" sabi ni Lance sa akin
sabay suot ng bracelet sa akin
Kaya ngumiti ako
"Oo!
Promise hindi ko ito iwawala
salamat Lance" pagkatapos ay umalis na ako
Pero bago ako pumasok sa pinakaloob ay kumaway muna aka sa kanila
Eto na talaga wala ng atrasan ito
pupunta na akong Japan
Pinacheck ko muna ang bagahe ko
Subukan lang nilang may makita silang bala diyan
at babarilin ko talaga sila
At mukhang ok naman kaya tumungo na ako sa eroplanong sasakyan ko
Grave ang ganda dito kaya pumunta ako sa may tabi ng bintana
Magseselfie muna ako at ipopost ko sa ito fb ko
Pagkatapos ay may nagtext sa akin at sila Lance, Jen, Angel at Margie sabi nila ay mag-iingat daw ako
kaya napangiti ako
Tinabi ko na ang phone ko matutulog muna ako tutal napagod ako sa kakaiyak
GOODBYE PHILIPPINES
BINABASA MO ANG
My Vampire Master (Editing)
VampirThis is my second story Hope you like it ^_^ Basa po sa Pangalan ng mga Tauhan Kaede(Kay-de) Kaoru (Kaw-ru)
