1 Week Na Naman

1.8K 43 0
                                    

Kaede P.O.V

Andito ako sa kwarto ko ngayon
Wala naman akong ginagawa
Nakakabored naman 😒

Bigla na lang pumasok si Tita sa kwarto ko
Kaya napaupo ako sa kama ko
Nakahiga kase ako

"May problema po ba Tita?" takang tanong ko

"May ibibigay ako sa iyo" sabay abot ng bagong phone sa akin habang nakangiti

OMG!
Ang ganda ng phone
Putragis na iyan, Iphone pa ang tatak
Ang pinapangarap kong phone ay natupad na rin

Yes! May bago na akong phone
Nakakaiyak naman 😭
Pero bakit kaya niya ako binigyan ng bagong phone?

"Tita bakit niyo po ako binigyan ng bagong phone?
Ayos pa naman ang luma kong phone" sana hindi niya bawiin

Bwisit na iyan sinabi ko pa kaseng ayos ang luma kong phone
Ang tanga ko talaga!
Sana wag niya talagang bawiin
Iphone na ito!

"Wala lang
Saka sayang naman kung hindi magagamit iyang phone
Baka masira lang kapag nakastock lang dito" ngiting sabi ni Tita sa akin

Hahahahaha
Dalawa na ang phone ko
Buti naman 😁
Pipicturan ko ito mamaya

"Syanga pala Kaede
Na-enroll na kita sa bago mong school na papasukan mo
At bali 1 week ka pang magpapahinga" sabi ni Tita sa akin

Ano ba iyan 1 week na naman akong nakatanga dito
Pero ok lang iyan para makapagpasyal-pasyal pa ako dito sa Japan

"Tita pwede bang makapaglibot muna ako dito sa Japan
kung ok lang po?" sana talaga pumayag siya dahil bored na bored na ako dito sa bahay

"Oo naman pwede kang maglibot dito
Alam ko na sumama ka muna sa akin sa pinagtatrabahunan ko" sabi ni Tita sa akin

Kaya ako eto ngumiti ng sobrang lapad kahit ang pangit ng ngipin ko

"10 am tayo aalis" sabi ni Tita sa akin

"Opo" pagkatapos ay lumabas na siya sa kwarto ko

Kainis nagiging mabait na ako 😒
Nagpo at opo na ako
E di wow!

Tiningnan ko ang orasan ko at 8:00 am pa lang
Binuksan ko ang wifi ko tapos ang fb ko
Nakita ko na 369 likes ang picture na inupload ko at tiningnan ko ang comment box

Kesyo daw mukhang masarap daw iyon
Kesyo daw mas masarap ang pagkain sa Pilipinas
At may naghi pa sa akin
E di wow!

Tinext ko si Lance para kamustahin siya
Samantala iyong tatlo ay may pasok
At paniguradong hindi nila ako papansin kase nasa school sila

Tinawagan ko si Lance
Ano ba iyan nakakatatlong ring na pero hindi parin niya sinasagot
Susuntukin ko talaga itong abnormal na ito

Pagkatapos ng pang-apat na ring ay sinagot na rin niya

[Hello?] sabi niya at base sa boses nitong abnormal ito ay bagong gising lang siya

[Ano Lance?
Kakagising mo lang?] tanong ko sa kanya

[Sino ito?] bwisit na itong hukluban ito
Hindi man lang tiningnan ang caller ID

[Hoy!
Hukluban ka talagang kutong lupa ka
Si Kaede ito!
Bwisit ka!] inis na sabi ko sa kanya

[Kaede?] Gulat na sabi niya

[Hindi!
Si spiderman ito]  sarcastic na sabi ko
Bwisit na ito ang daming alam

[Sorry Kaede
Bakit ka pala napatawag?]  tanong ni Lance sa akin

[Pasalamat ka at andito ako sa Japan kundi pinuntahan na kita diyan sa inyo at sinapak na kita bwisit ka!sabi ko sa kanya

Bwisit na kutong lupang ito

[Sorry na
wag ka ng magalit] sabi niya sa akin

[Oo na
Kamusta na?] wala na ako sa mood na magalit kase namimiss ko na sila

[Eto, ok lang naman
Mamaya papasok na rin ako sa school
ikaw ba?] tanong niya sa akin

[1 linggo akong nakatanga dito sa kwarto ko pero isasama ako ni Tita sa pinagtatrabahunan niya
Pumayag na sumama sa kanya kase wala naman akong ginagawa dito] bored na sabi ko

[E di kung ganun,
Bumili ka ng Anime Manga diyan diba, iyon naman ang gusto mosabi niya sa akin

[Oo nga
Ang galing mo talaga Lance
Salamatngiting sabi ko

[Walang anuman] pagkasabi niya nun ay tumingin ako sa orasan at 8:15 na pala
Nauuhaw ako

[Sige na Lance
Balik ka na sa tulog mo
7:15 am pa lang sa inyo] sabi ko sa kanya

[ok bye] pagkasabi niya nun ay binabaan ko na siya

Tinamad na akong magba-bye sa kanya
Charge ko lang muna itong phone ko at baba muna ako para uminom ng tubig

My Vampire Master (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon