Bonding

2K 53 0
                                    

Kaede P.O.V

Dahil 1 week na lang ako dito sa Pilipinas ay makikipagbonding muna ako dito sa mga kutong lupang ito

At gaya ng sabi ko nagbonding kaming apat at naasikaso na ng lola ko ang pagtatransfer ko sa ibang school
Kaya puwedeng na daw na kahit hindi na daw ako pumasok sa Bestlink
Ano siya sinuswerte?!
Magbobonding nga kami ng mga kaibigan ko tapos hindi na niya ako papasukin

Kaya nagbonding lang kami sa loob ng room dahil wala naman kaming prof.
Nagselfie kami, kumain tapos selfie ulit
3 hours kaming nakatanga sa loob ng room
Kaya iyun na lang ang ginawa namin

"Mamimiss ka namin kahit abnormal ka" sabi ni Jen

Ok na sana kaya lang may abnormal pa siyang sinabi 😑

"Oo nga
Mamimiss namin iyong kakulitan mo" sabi ni Angel

"Saka iyong pagkabaliw mo" sabi naman ni Margie

Ang sarap talaga nilang itapon sa sapa
Ok na sana kaya lang iyong mga huli nilang sinasabi, ehh.
Nakakabwisit 😤

"Siyempre ako din
Wala na akong pagtitripan at bibwisitin
Wala na din akong mahihiraman ng pabango at suklay
Alam niyo kahit mga abnormal kayo at ang sarap niyong itapon sa red sea
Kayo ang best na mga kaibigan" Diba, nagspeech ako sa kanila
Hindi na sila sumagot at alam kong papaluha na sila
Ano ba iyan? 😑
Mamaya sabihin ng iba inaway ko sila
Kaya sabi ko na lang sa kanila na  magselfie na lang ulit kaming apat

Kaya ayun nagselfie-selfie lang kami
Maya-maya ay dumating na ang prof. namin pero infairness ang aga niya kaming pinauwi

Hindi muna ako umuwi at pumunta muna ako kila Lance para makipagbonding at para na din magpalibre 😁

Pumunta ako sa bahay nila at nakita ko si Tita Minerva ang mama ni Lance sa gate nila na nakikipagchismisan sa mga kapitbahay niya

"Hello Tita Minerva 😊" ngiting bati ko sa kanya

"Hello din Kaede
Ikaw talagang bata ka sabi ko sa iyo wag mo na akong tawagin na Tita at Mama na lang ang itawag mo sa akin
Alam ko naman na sooner or later magiging girlfriend ka din ng anak ko" ngiting sabi niya sa akin
Nakakainis din itong hukluban na ito
Ano sya abnormal lang?!
Kita niyang ang panget-panget ko tapos si Lance ang gwapo-gwapo  hindi ko alam kung iniinis ba ako nitong baliw na ito

Tapos nakita ko ang mga kachismisan ni Tita Minerva na parang diring-diring na ewan sa akin kaya sinamaan ko sila ng tingin
Para kaseng virus ako para sa mga baliw na ito
Wag lang talaga nilang sabihin na matanda sila kala nila hindi ko sila papatulan
Kapag may nalaman akong hindi magandang pinagsasabi nila sa akin sasapakin ko talaga ang mga mukha nila 😤

"Andiyan po ba si Lance?" tanong ko kay Tita

"Oo nasa kwarto niya natutulog
Puntahan mo na lang sa loob" sabi ni tita Minerva sa akin

"Ok sige po
Salamat po
papasok na po ako sa loob" pagkaalis ko ay nadinig ko ang mga pinagsasabi ng kachismisan ni Tita

"Minerva talaga bang boto ka diyan sa babaeng iyan?
Kung ako sa iyo iyong anak ko na lang ang ipakilala mo kay Lance tutal maganda na at seksi pa" sabi nung abnormang hukluban na iyon

"Ayoko nga doon sa anak mong clown sobrang arte akala mo napakayaman niyo tapos napakayabang pa at sobrang kapal pa ng make-up niya
Ok na ako kay Kaede kahit ganyan siya ay napakabait niyang bata" sabi ni tita Minerva na diring-diri sa anak nung hukluban na kachismisan niya

Hindi ko na lang pinansin at tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob
Pagpasok ko sa loob ay dumiretso ako sa kwarto ni Lance
At nakita ko siya na nakahiga sa kama niya na nakatopless
Ewan ko pero minsan naiinsecure ako kay Lance
Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o ano  😑

Nilapitan ko siya at tiningnan ko ang mukha niya ang tangos ng ilong niya hindi tulad ko na pango
Ang kinis ng mukha niya hindi tulad ko na puro tigyawat at ang mga ngipin niya
Nilapit ko lalo ang mukha ko para tingnan ang ngipin niya ng biglang siyang dumilat
At nagulat ang ugok
At partida tinulak pa ako ng malakas 😒

Like hello,
Ang sakit ng pagkatulak niya kase bumagsak talaga ako sa sahig ng malakas
Ang sakit kaya 😑
Bwisit na baliw na ito kung makatulak ng tao akala mo hindi ako babae

Ang skit tuloy ng puwet ko
Kabanas talaga itong baliw na ito

My Vampire Master (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon