I Like You

2K 67 2
                                    

Lance P.O.V

Ang ganda ng panaginip ko
Kase ba naman hahalikan daw ako ni Kaede sa labi
Kaya lang naudlot iyon ng idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Kaede na sobrang lapit ng mukha niya sa akin
Kaya ayon natulak ko siya

"Ano bang problema mong hinayupak ka?!" galit na sabi niya sa akin habang nakaupo parin sa sahig dahil sa ginawa kong pagtulak sa kanya

"I-ikaw nga d-dapat tanungin ko niyan
A-ano bang g-ginagawa mo d-dito?" kainis naman nauutal pa ako

Kase ba naman hindi ko parin malimutan iyong sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko

Dapat pala hinayaan ko na lang siya malay niyo makascore ako ng halik

"Bwisit ka talagang kutong lupa ka
Alam ko naman na mataba ako pero hindi naman ata magandang itulak mo ako ng malakas
Para sabihin ko sa iyo babae pa rin ako
Abnormal ka!!
Mahina parin ako kase mas malakas ka sa akin
Bwisit ang sakit tuloy ng pwetan ko" inis na sabi niya sa akin

"Sorry hindi ko naman sinasadya
Akin na tulungan na kita" sabi ko sa kanya

"Wag mo akong hahawakan at kaya ko na ang sarili ko
Humanda ka talaga sa akin kapag nawala na itong sakit ng pwetan ko at susuntukin talaga kita" inis na sabi niya habang umaakyat sa kama ko

"Ano ba kaseng ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

Bigla na lang nag-iba ang mukha niya na kanina na galit ay ngayon naging malungkot
Ano kaya problema ni Kaede?

"Lance aalis na ako
Pupunta na akong Japan
1 linggo na lang ako dito sa Pilipinas" nung pagkasabi niya nun ay bigla na lang akong nablangko at hindi ko alam ang sasabihin ko

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Kaede

"Hoy!
Ano hindi ka man lang nagreact at naestatwa ka na diyan" poker face na sabi niya sa akin

"Pero akala ko ba after 3 years pa
Bakit ang bilis ata?" tanong ko

Siyempre naman sino ba ang hindi magrereact doon
3 years pa ang pagkakaalam ko na aalis siya tapos biglang bye na
Ang gulo nila

"Iyon nga rin ang alam ko pero sabi ng Tita ko na kailangan niya na daw ako dahil wala daw kasama si Yuki sa kanila kapag umaalis siya at pumupunta sa trabaho
Walang naiiwan sa anak niya" sabi niya sa akin

"Bakit hindi na lang ang lolo at lola mo o kaya ang kuya mo?" hindi naman sa ayaw ko umalis si Kaede

Kaya lang kase hindi pa ako handang umalis siya
Hindi pa ako umaamin sa kanya
Hindi pa nga nagsisimula ang lovestory namin tapos aalis na siya agad
Anong klaseng buhay ito?!

"Napag-usapan na daw nila iyan
Ako muna ang pupunta doon at pagkatapos grumaduate ni kuya ay saka sila susunod doon
At saka ok na lahat ng papeles ko wala na akong problema" hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa sinabi niya
Paano na ako kung ganun?

"Uy?
Wag ka na malungkot
Wag kang mag-alala at tatawagan kita
babalitaan kita kung anong nangyayari sa akin doon" sabi niya sa akin

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit

"Andito ako kase gusto kong masulit ang araw na andito pa ako sa Pilipinas
Alam mo kahit baliw ka mamimiss pa rin kita Lance" pagkasabi niya nun ay niyakap ko rin siya

Bigla na lang bumukas ng pintuan ng kwarto ko at nakita ko si Mom pala iyon

"Lance nakita---" hindi na natuloy ni Mom ang sasabihin niya dahil nakita niya kaming magkayakap ni Kaede

Bwisit din itong nanay ko hindi man lang marunong kumatok buti na lang at hindi ko natulak si Kaede kung hindi lagot na naman ako

Lumabas na ang nanay ko ng dahan-dahan sa kwarto ko at parang tuwang-tuwa pa siya
Baliw na talaga ang nanay ko

Tapos kumalas na sa pagkakayakap si Kaede at tiningnan ako

"Lance mag-ayos ka na at magbobonding pa tayo
Aantayin na lang kita sa baba" sabi niya

"Ok sige" lalabas na sana si Kaede ng bigla ko siyang hinawakan sa braso niya

"Bakit?" tanong niya

Eto na aamin na ako sa kanya
Kaya ko ito kahit na parang gustong sumabog ng puso ko dahil sa kaba

"A.... Ano...... kase.... Kaede" bwisit nauutal ako

Alam kong naiinis na siya sa akin dahil nauutal ako at ayaw na ayaw niya pa naman ng ganun

"Kaede I like you" sa wakas na sabi ko na rin

Hindi ko alam ang gagawin ko pero nakita ko sa mukha niya ang saya-saya niya
ibig sabihin may gusto din siya sa akin

"Ganun ba?
Salamat sa Like Lance " ano daw?

"Ang ibig kong sabihin ay I really like you" bigla na lang siya tumalon at niyakap ako
Kaya natuwa din ako

"Salamat sa Likes
Sige na titingnan ko na sa Facebook ko ang mga likes mo sa mga picture ko
Nakakatuwa naman at niLike mo ang mga picture ko" at ako dito naiwan na nakatanga lang

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis
Kase umamin ako sa kanya na gusto ko siya kaya lang napagkamalan niyang Likes sa Facebook iyon

Bwisit talaga!!!!

My Vampire Master (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon