CHAPTER 2

2.1K 73 5
                                    

"Bullshit..."

Bahagya siyang napanlakihan ng mga mata nang marinig si Benj na magmura sa likod. Mahina lang iyon ngunit sa tingin niya'y narinig iyon ni Lola Victorina. Pinaningkitan kasi nito ngayon ng mga mata si Benj.

"Pardon, young man?" naglakad ito palapit. "You were saying?"

Tinignan niya si Benj na nasa mesa pa din nito. Nakatiim bagang ngunit hindi na nagtangka pang muling magsalita. Ibinaling niya muli ang pansin kay Lola na seryoso at mataman ang mga mata sa apo.

"La," lumapit siya dito. Nang balingan siya ni Lola Victorina ay naka-ngiti na ito'ng muli kaagad sa kanya. "Mano po." Inabot niya ang kamay nito upang magmano.

"Ah, my sweet Sisay," magiliw nitong sabi. "Mabuti ka pa." anito na halatang pinariringgan ang apo na nananatiling nasa likuran ng mesa nito nakatayo.

"Sipsip," anito sa katamtamang tono. Sapat lang para marinig ng lahat ng nasa opisina nito.

"Benjamin! Watch your mouth! Habang tumatagal ay mas lalong tumatalim ang iyong dila," hiyaw ng matanda dito. "Hanggang sa labas kanina ay nadidinig ko ang iyong boses. Sino ba ang babaeng iyon na lumabas ng iyong opisina ng umiiyak?"

"Some nuisance," malamig na tugon ni Benj sa lola nito saka naupo sa swivel chair. "But now that you're here grandma, I want to discuss something about your—"

"If that's about you firing Sisay then forget it. You know my stand about that," mariing sabi ng matanda.

"Will you please listen to me first? Hindi siya maayos sa kanyang trabaho—"

"Siya ba ang hindi maayos o ikaw? I know you so well, grandson. Kahit na wala namang problema ay pinipilit mong meron. Ilang sekretarya na ba ang dumating at pinaalis mo?"

"They were all stupid!" napalingon siya dito. "And that girl's included..." tumango ito sa kanyang direksiyon.

Napa-nguso siya. Nakaka-ilan na ito ha!

"Stupid? May isa doon ang nagtapos pa ng Magna Cum Laude hindi ba? How can you explain that?"

"That Rose? You know why I fired that woman! She tried to seduce me!"

"Kahit na ano pa ang sabihin mo. I will not let you fire Sisay! Siguro naman kahit wala na ako sa kompanya ay nire-respeto mo pa rin ang aking desisyon?" nagtaas ito ng kilay na tila naghahamon kay Benj.

"You're making this personal. Alam kong malaki ang utang na loob mo sa babaeng iyan, but this is business, Lola! Sisay is not capable of doing her job properly. She's stupid and clumsy. Late pa siya kaninang umaga," sarkastiko nitong saad.

"You!" nanggagalaiti ang lola nito dahil sa sinabi ni Benj. "Itong babaeng nilalait mo ngayon ay ang babaeng dahilan kung bakit buhay pa ang iyong Lola! Show some respect!"

"Madam V!" ani Miss Ella sabay dalo dito kasama ng nurse.

Papalit-palit ang tingin niya sa mag-lola na nagkaka-initan. Pakiramdam niya dapat ay wala siya doon. O kaya dapat ay may sabihin siya para hindi na mag-away ang dalawa. Ayaw naman niyang mapahamak si lola nang dahil lang sa pagtatanggol sa kanya. May punto naman ang galit ni Benj pero doon lang sa pagkaka-late niya!

"L-Lola, sa tingin ko ay—"

Tumingin sa kanya ang matanda. Ang kanina'y matigas na anyo ay napalitan ng lambot, "No, Sisay. Hindi ka aalis!" binalingan nito si Benj. Bumalik ang talim sa mga mata. "Subukan mo Benjamin. Subukan mo'ng alisin si Sisay at ikamamatay ko!" humawak pa ito sa dibdib at tila namimilipit sa sakit.

"Lola!" lumapit siya dito.

Tumayo na din si Benj upang lumapit sa Lola. Sa kabila ng tigas sa anyo nito ay kita niya ang pag-aalala sa mga mata. Inalalayan nito ang lola sa couch na nasa gilid at lumuhod. Sumandal ito doon kaagad at napa-pikit ng mariin.

Maybe It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon