"Maliit na bagay lang iyon, Sisay," Lola Victorina said in a soft voice. Tinawagan niya at nasa kabilang linya ito, kausap siya.
Bumuntong-hininga siya sa sinabi nito. Sabi na nga ba niya at ganoon lang ang magiging reaksiyon nito matapos niyang sabihin dito ang tungkol sa naging pag-amin sa kanya ng Ate Miles niya noong isang araw.
Lola Victorina shouldered all her sister's expenses for the opportunity to work abroad! Paanong naging maliit na bagay iyon?
"Lola...ang dami niyo na po kasing naitulong. Tama na ho iyon. Pakiramdam ko lubos-lubos na para sa sinasabi niyong nagawa ko sa inyo. Nakakahiya na po talaga. Baka po hindi ko na mabayaran," pag-amin niya.
Ipinagpatuloy niya ang paghahalo sa pina-timplang kape ni Benj. Alas-otso na ng gabi ngunit nasa opisina pa rin sila sa dami ng gawain nito. Paghahanda iyon para sa isang linggong bakasyong hinihingi ni Lola Victorina mula dito.
Hindi pa nga siya tapos sa pagsa-ayos ng schedule ni Benj dahil may mga matitigas na businessman na hindi pumapayag na mausog ang mga appointments. Nahihirapan siyang mangumbinsi sa mga sekretarya ng mga ito.
"I'm not asking for anything in return, hija. When will you stop thinking that you're indebted to me? Ako ang may utang sa'yo!"
"Lola, 'di ba sabi ko naman po sa inyo na hindi niyo ako kinakailangang bayaran para doon? Tinulungan ko po kayo dahil nangangailangan kayo."
"Ganoon din naman ang ginagawa ko, ah? Ano'ng kaibahan doon apo?"
Hinilot niya ang kanyang noo dahil kay Lola. Mukhang wala ito'ng balak na magpatalo sa argumentong ito. Pero kung hindi naman siya aalma ay hindi niya na alam kung ano pa'ng papaambunin nito sa kanyang pamilya!
She's thankful, alright. Iilang tao ba ang nagkakaroon ng ganitong suwerte? Parang kailan nga lang ay problemado sila ng kanyang pamilya sa pera tapos biglang ngayon ay may mabuting matanda na sumagot lahat ng kanilang problema sa isang iglap lang.
Pero hindi niya talaga maiwasang hindi mahiya! Ayaw lang naman niyang isipin ng iba na nang-aabuso na ang kanilang pamilya. Sapat na ang trabahong ibinigay nito. Sobra kung pati ibang gastusin ay sasaluhin pa.
"Okay, okay," her lola said excitedly on the other line. Naging alisto siya sa pakikinig dito. Parang may nakapukaw na naman sa interes nito. At kapag ganoon, siguradong may kinalaman siya!
"I think I know how you can pay me back, Sisay. Kung talagang nako-konsensiya ka."
Ang tonong iyan. Ang tonong iyan! She braced herself for the worst. "P-Paano po?"
"Sasama ka sa iyong Sir Benj na magbakasyon sa Palawan! For my birthday party!"
Napanganga siya doon. What? Isipin niya pa lang ang angkan ng mga Jalbuena na paparoon ay parang hihimatayin na siya. Hindi niya kayang makipag-sosyalan doon! At napaka-awkward naman dahil amo niya ang lahat ng iyon!
"Lola—"
"Oops! I won't accept a 'No'."
"Pero—"
"No 'buts' too. Bakasyon naman ni Benjamin kaya wala kang gagawin. Might as well have your vacation too while attending my birthday party! Isn't that fun, apo?"
Lola Victorina's excitement is killing her! Hindi na siya maaaring pumalag kapag ganitong excited na ito sa isang bagay! "Lola naman..." gusto niya nang maglupasay sa sahig sa labis na frustration dito. Hinilot niya ang sentido.
"Prepare your things, okay? Ako na ang magsasabi kay Benjamin. I'm sure he'll be thrilled! Sige na, Sisay, at baka naaabala na kita sa iyong trabaho. Say 'hi' to my apo for me. Bye!"
BINABASA MO ANG
Maybe It's You
FanfictionTunay ngang may magandang kapalit ang paggawa ng mabuti sa kapwa. Mantakin niyo ba naman na ang matandang babae pala na sinagip ni Sisay ay ang siya pa palang may-ari ng isa sa pinaka-malaking chain of malls sa bansa! Tuloy ay agad na-solve ang pro...