Bumuntong-hininga siya habang inaalala ang nangyari sa boss niya kanina.
Parang dinaanan ng ipo-ipo ang buong opisina nito. Hindi niya ma-imagine kung paano itong nagwala ng ganoon. Mabuti na lang pala at mabagal talaga siyang magtimpla ng kape nito kaya hindi niya naabutan. Baka sakaling sa kanya pa nito ibinunton ang matinding galit.
"Magkano ba? Ang mahal naman kasi, eh. Wala ako'ng pera. Si Ate Sisay? Naku, kuripot iyon. 'Di ako bibigyan ng pera no'n."
Kumunot ang kanyang noo nang mabanggit ng mahadera niyang bunsong kapatid ang kanyang pangalan. Sinipat niya ang wall clock sa kanilang kuwarto at nakitang alas-diyes na ng gabi. Bakit hindi pa natutulog 'to?
Sinilip niya ito mula sa puwesto niya sa itaas, "Hoy, Angelita! Matulog ka na at may pasok ka pa bukas. Sino ba 'yang kausap mo?"
Sinulyapan lang siya nito at pinanlakihan ng mga mata habang ang kamay ay nasa cellphone katapat ng tenga. Nilagay nito ang daliri sa tapat ng labi para patahimikin siya. Nagpatuloy ito sa pakikipag-usap sa nasa kabilang linya.
Nailing na lamang siya. Pabalik na siya sa pagmumuni-muni nang mahagip ng kanyang mga mata ang magazine na nasa ibabaw ng unan nito. Kitang-kita niya ang mala-anghel na mukha ni Alexa Ilacad sa buong pahina.
Bumaba siya mula sa top bunk at naupo sa gilid ng kama ng kapatid.
"Ate Sisay ano ba'ng-" angal ni Angel.
"Pabasa lang," dinampot niya ang magazine at pinakatitigan ang babae.
Alexa Ilacad is really beautiful. Ang hugis ng kilay, ang mapungay na mga mata, matangos na ilong at makurbang labi ay perpektong-perpekto. Parang manika o mas tama yatang parang diyosa na bumaba sa lupa para lang hangaan ng lahat ng kalalakihan o kababaihan.
"Bakit ba?" tanong ng kapatid niya sa kanya.
Kung hindi pa siguro ito nagsalita ay baka habang-buhay na siyang nakatulala sa larawan ni Alexa sa magazine na iyon.
"W-Wala. Ang ganda niya lang kasi talaga," aniya rito. Inilipat niya ang bawat pahina para lang makakita ng mas magaganda pang larawan ni Alexa. Walang tapon sa mga iyon. She's that photogenic.
"Ay, totoo 'yan. Kaya nga kaming magka-kaibigan, idol na idol namin siya. Hindi lang talented, ate! Napakaganda pa," sabi ni Angel na tila nangangarap. "Kaya nga gusto kong mapanood iyong concert niya sa susunod na buwan. Last na concert niya na iyon bago siya ikasal! Matagal siyang mawawala sa TV."
Binalingan niya ito. "Ikakasal?"
Tumango si Angel sa kanyang tanong, "Kay Grae Fernandez! Anak no'ng may-ari ng recording company na nagpo-produce ng album ni Alexa. Grabe, bagay na bagay sila ate! Ang guwapo ni Grae! Makalaglag panty talaga!" kinikilig nitong sabi. "Kapag mayaman, maganda at talentado ka talaga, kahit sinong lalaki pwede mong makuha. Kahit iyon pinaka-pinapangarap ng lahat ng kababaihan!"
Napaisip siya. Kung ganoon parehong tao ang nakasaad sa imbitasyon na iyon. Ano kayang relasyon nito sa boss niya?
"Ano, ate? Bibigyan mo na ba ako ng pera para makapunta sa concert ni Alexa?" masayang tanong sa kanya ni Angel.
Nakuha nito ang atensiyon niya.
"Bakit magkano ba?"
"Iyong pinaka-mahal, 20,000 pesos. Iyong pinaka-mura naman, five k lang."
"Five k lang?" hinampas niya sa braso nito ang magazine na hawak niya. Napadaing ito sa kanyang ginawa. "Bagong panty nga hindi ako makabili tapos kung maka-'lang' ka sa five thousand parang ini-ipot ko lang ang pera."
Ngumuso ito at padarag na dinampot ang magazine. Bumalik siya sa tuktok ng double deck na mas magulo ang pag-iisip. May konklusyon na siya. Hindi niya lang mabuo ang istorya.
BINABASA MO ANG
Maybe It's You
FanficTunay ngang may magandang kapalit ang paggawa ng mabuti sa kapwa. Mantakin niyo ba naman na ang matandang babae pala na sinagip ni Sisay ay ang siya pa palang may-ari ng isa sa pinaka-malaking chain of malls sa bansa! Tuloy ay agad na-solve ang pro...