"Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa'kin," paalam ni Benj sa kanyang pamilya. Sa wakas ay tuluyan na ding huminto ang ulan. Mabilis ding napawi ang tubig na pumasok sa kanilang bahay dahil doon.
"Walang anoman iyon, itong batang ito talaga. Bumalik ka kung gusto mo at welcome na welcome ka sa bahay namin," magiliw na sabi ng kanyang nanay. "Mag-iingat ka dahil madulas pa rin ang mga kalsada."
"Sige po," tango ni Benj dito. Ganoon din ang ginawa nito sa ibang miyembro ng kanyang pamilya. Huminto ang mga mata nito sa kanya at halos magtago siya sa bulto ng kanyang Kuya Jason. "Sisay."
Tumango siya dito at tipid na kumaway, "Bye, Sir Benj. Ingat. Thank you sa paghatid."
He nodded again before walking away. Kita niya ang patago nitong irap sa kanya. Talaga naman!
Hinanda niya na ang sarili sa sunod-sunod na tanong ng kanyang pamilya tungkol kay Benj. Na nangyari nga nang masigurong nakalayo na ito. Napapa-ikot na lamang siya ng mga mata. Lalo na noong paulit-ulit sa kanyang sinasabi ng kanyang Ate Karen at ni Angel kung gaano kaguwapo at kakisig ang kanyang boss.
"Baka naman may trabaho pang pwede sa'kin do'n, Sisay!" natatawang sabi ng kanyang Ate Karen na ayaw magtigil.
"Isang buwan na lang puputok na 'yang tiyan mo!" sermon niya rito. "At ikaw Angel, high school ka pa lang!"
"Bakit? Masama ba'ng magka-crush doon?" balik nito sa kanya. "Huwag mong sabihing hindi mo crush iyon, Ate. Araw-araw mo ba namang kasama. Tapos hinahatid ka pa pala, oh."
Araw-araw ding nakasimangot at nakasigaw sa akin 'yan. Paano ko naman magugustuhan?
Umakyat na siya sa kanyang puwesto sa taas ng double deck na kama. Inayos niya na ang kanyang kumot pero hindi pa din siya tinatantanan ng kanyang Ate Karen at ni Angel.
"Tigilan mo nga 'yang pang-aasar ng ganyan. Boss ko iyon, baliw na bata 'to!" ismid niya sa mga kapatid.
"Wala bang girlfriend iyon?" tanong ng kanyang Ate Karen. She hopes that her sister is just joking! Kung siya ay may asawa kahit crush hindi maaari!
"Ewan," aniya. Iyon naman ang katotohanan. Hindi rin naman niya nakikita itong nakikipag-date dahil halos maghapon sa opisina pero sino nga bang nakakaalam hindi ba?
"Ano'ng ewan? Walang babaeng nagpupunta sa opisina niya, Ate Sisay?" pangungulit ni Angel.
Humugot siya ng malalim na hininga at naisip si Noemi. Napangiti siya doon. "Hindi kayo maniniwala dito. Si Noemi Oropeza! Iyong artista sa ABC Network. Pumunta siya sa opisina ni Sir Benj."
"Noemi Oropeza?! Whoa! Talaga? Bigatin naman pala iyang boss mo, Sisay! Girlfriend niya?" tanong ng kanyang Ate Karen.
Napa-pout siya nang maalala ang nangyari.
"Hindi. Nagalit nga si Sir Benj noong magpunta doon iyon, e. Nangungulit lang siguro sa kanya."
"Ay, grabe naman si Sir!" natatawang sabi ni Angel. "Kung isang Noemi Oropeza na ang nangungulit sa kanya at nainis pa siya, napapaisip ako kung ano'ng klaseng babae ba ang makakakuha ng puso no'n kung sakali. Baka diyosa ng Mt. Olympus."
Nagtawanan silang tatlo dahil doon. "Baka...sa itsura naman no'n ni Sir, aba, kahit diyosa hihilinging mapangasawa niya."
Nangisi siya sa usapan ng mga ito. Nakaka-curious nga pero, siyempre, hindi naman siya maaaring magtanong. Masyado nang pribado iyon.
Natulog na sila nang katukin ang pinto ng kanilang nanay. Maaga ang gising niya kinabukasan para pumasok ang kanyang trabaho. Tama ang nanay niya. Ang pagsisilbi ng maayos sa mga Jalbuena na lang ang kapalit ng lahat ng tulong na ibinigay sa kanila ni Lola kaya talagang pagbubutihin niya.
BINABASA MO ANG
Maybe It's You
Fiksi PenggemarTunay ngang may magandang kapalit ang paggawa ng mabuti sa kapwa. Mantakin niyo ba naman na ang matandang babae pala na sinagip ni Sisay ay ang siya pa palang may-ari ng isa sa pinaka-malaking chain of malls sa bansa! Tuloy ay agad na-solve ang pro...