CHAPTER 3

2.1K 72 9
                                    

The long rectangular dining table was filled with Filipino dishes. Simula sa pinaka-common na adobong manok, tinola at mga inihaw hanggang sa mga pinaka-komplikado na ngayon lamang niya nakita. Ngunit ang pinaka-pinoproblema niya ay kung paano nila iyon mauubos! Apat lamang silang kakain doon!

The dinner went well. Habang kumakain ay nag-uusap sina Lola Victorina at si Benj tungkol sa negosyo. Nagbabalak pala si Benj na magpatayo ng branch ng JMall sa ibang Singapore at nakikipag-negosasyon na sa mga potential investors.

"Mr. Co told me that he'll come here next week so we could talk about my plans," panapos nitong sinabi.

"Ang ibig sabihin niyan ay masyado kang magiging abala," ani Lola Victorina. Nababakas ang pag-aalala sa anyo nito. "You're still young Benjamin. Go out and have a life other than the family business. Hindi naman kita pinipilit na palaguin ang ating negosyo. I'm fine with where it's currently at."

Napataas ang dalawang kilay ni Sir Benj sa sinabi ng matanda, "We're talking about the company, Lola. Paano na naman nasingit ang aking personal na buhay dito?" naiiling nitong sabi saka sumubo ng pagkain.

Bumuntong-hininga si Lola Victorina sa sinabi ng apo. Pagkatapos ay ngumiti lamang muli, "Siguro naman ay hindi ka magiging abala para sa birthday ko sa susunod na buwan, Benjamin? Your titos and titas will come home from States for the occasion. Nakakahiya na ikaw pa ang taga-Pilipinas ang hindi makakadalo."

"I'll look at it-"

"Oh my, I can't believe you! Do I have to ask Sisay for an appointment with you?"

Tahimik siyang kumain kahit na nadadama na ang tensiyon. Si Miss Ella lamang ang may lakas ng loob magsalita sa gitna ng pagtatalo ng mag-lola. She's been with the family for a long time. At ang alam niya, mayaman din naman ang pinanggalingang pamilya nito. 

"That's your grandma's birthday, Sir Benj," alanganin ang ngiti nito. "You should be there."

"Uuwi sina Vincent dito! Minsan na nga lang kayong magkakasamang mga magpi-pinsan ay hindi mo pa ako mapagbigyan. Kaya nga ngayon pa man ay sinasabi ko na sa'yo para naman magawa mo'ng i-clear ang schedule mo ng isang linggo. We'll be at the-"

"A week?" hindi makapaniwalang sabi ni Sir Benj. "That's too much."

"Sa Estate natin sa Palawan ang selebrasyon kaya isang linggo! Huwag mong sabihin sa'king lilipad ka kaagad pabalik sa Maynila? I will never forgive you if you'll do that! Kaya mabuti pang ayusin mo ang iyong schedule o mamaalam ka na sa pinakamamahal mong lola."

Naibagsak niya ang kutsara sa kanyang pinggan sa gulat sa sinabi ni Lola Victorina. Ganoon talaga dapat ang pagbabanta? Napalingon siya kay Sir Benj at kita niya ang tinitimping inis para sa matanda.

He then looked at her.

"Sisay, you heard what my lola said. Fix my schedule," utos nito sa kanya ng walang kakurap-kurap ang mga mata.

"Y-Yes, Sir," aniya saka muling dinampot ang mga kubyertos at nagpatuloy sa pagkain.

Nagpaalam na si Miss Ella pagkatapos kumain. Ipinahatid ito ni Lola Victorina sa sariling driver. Niyaya pa siya nitong mag-kape sandali habang hinihintay ang pagbabalik ni Manong Ruben upang siya naman ang ihatid.

Mayamaya ay may tumawag kay Lola Victorina. Nasa kalagitnaan pa naman sila ng masayang kuwentuhan tungkol sa kanyang mga karanasan bilang bata.

"Ha? Nasiraan ka pa? Paano 'yan, eh, gabing-gabi na. Hindi ko naman mapapayagan si Sisay na umuwi ng mag-isa dahil delikado?" anito sa isang eksaheradang tono. 

Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang paggalaw ni Benj. May kung ano ito'ng binabasa mula sa Ipad nito. Mataman ang tingin doon at para bang absorbed na absorbed sa kung ano mang naroon.

Maybe It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon