After 3 months...
"Angel! Bilisan mo naman sa paliligo! Late na ako sa trabaho ko!" sigaw niya habang dinabog ang pintuan ng banyo. Kanina pa ito'ng kapatid niya sa loob!
"May pasok din ako! Sana kasi maaga kang nagising!" balik pa nito sa kanya!
"Hoy, Angel, ate mo ako ha! Huwag mo ako'ng sinasagot ng ganyan!"
Pero totoo din naman kasi. Kadalasan ay mas maaga pa dito ang kanyang gising para hindi sila magkasabay. Kaya lang ay napasarap ang kanyang tulog kaya hindi niya na namalayan ang pagtunog ng kanyang alarm sa cellphone. Late na rin kasi siyang nakauwi kagabi dahil tumulong pa sa kanyang nanay sa pagliligpit sa palengke dahil nag-overtime ang tatay niya sa side line nitong pagko-construction.
"Bilisan mo na lang!" isang hampas pa sa pinto ang kanyang ginawa bago humalukipkip sa dingding.
Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri. Lagot siya kay Benj kung mahuhuli siya ngayon! Maaga pa naman ito kung pumasok at trabaho na kaagad ang inaatupag kapag nakatungtong na sa opisina.
Tama si Lola Victorina noon nang balaan siya tungkol sa apo nito na siyang Chief Executive Officer ng JMalls Corp. Halimaw nga ito pagdating sa trabaho. Seryosong-seryoso at napaka-istrikto.
Kaya nga patay siya kung nagkataon na late siya ngayon ng kahit limang minuto lang! Si Baby na pinalitan niyang sekretarya nito ay maka-ilang beses siyang binalaan tungkol doon. Kahit ang pagkakaroon ng mali ay ipinagbabawal kung hindi ay malalagot talaga kay Benjamin Jalbuena.
Nakatikim na siya ng masasakit na pananalita dito. Hindi dahil sa siya ang nagsalba sa lola nito ay iba ang trato nito sa kanya. Mas lalo nga ito'ng masungit dahil para dito ay binigyan lang siya ng pabor kaya nakapasok doon at hindi naman talaga magaling.
Nas mas lalo lang nadiin ng lahat ng mga kapalpakan niya noong unang dalawang buwan niyang nagta-trabaho dito. Kasalanan niya ba iyon? Bukod sa ngayon lang talaga siya nakapag-trabaho sa opisina ay nakaka-pressure ito bilang boss. Bilang na bilang ang kanyang kilos kaya mas lalo siyang nagkakamali!
Ngunit ngayon ay medyo nagagamay niya na kung paano ang trabaho kaya nabawasan na din kahit paano ang panenermon at paninita nito sa kanya. Maliban ngayong araw na panigurado ay masasabon siya mula ulo hanggang paa!
Nang bumukas ang pintuan ng banyo ay halos hatakin niya ang kanyang bunsong kapatid palabas. Nagreklamo pa ito sa kanya ngunit hindi na niya pinansin pa sa pagmamadali. Mabilisan siyang naligo at nagbihis. Ni hindi na siya kumain ng agahan. Doon na lang siya sa opisina kakain dahil male-late na talaga.
Nahirapan pa siya sa pagsakay dahil punuan ang mga sakayan. Nagkasya siya sa pakikipagbalyahan sa bus ng nakatayo. Mabuti na lang at flat heels ang bago niyang sapatos. Kung hindi ay pilay na siya pagpasok sa trabaho.
Nagmadali niyang ini-scan ang access card nang makarating sa mataas na building ng JMalls Corp. sa Ortigas at halos takbuhin ang distansiya patungo sa elevator. Naka-kita siya ng isang elevator na papasara pa lang at agad iyong pinuntahan.
"Sandali! Aakyat ako!" sigaw niya saka hinarangan ng palad ang siwang ng papasarang elevator door.
Hinihingal pa siya habang hinihintay ang tuluyan nitong pagbubukas. Mabilis na pinasadahan niya ng daliri ang magulong buhok at pinunasan ang pawis sa mukha't leeg. Ang bahagyang natibinging salamin ay kanya ding inayos.
"Wow, aren't you supposed to be at the office earlier than your boss?"
Para siyang na-estatwa sa kinatatayuan nang marinig ang malamig at malalim na boses na iyon. Napa-angat siya ng tingin kay 'Hitler'. Direkta ang malamig na mga mata nito sa kanya at ang mga labi ay naka isang linya.
BINABASA MO ANG
Maybe It's You
FanficTunay ngang may magandang kapalit ang paggawa ng mabuti sa kapwa. Mantakin niyo ba naman na ang matandang babae pala na sinagip ni Sisay ay ang siya pa palang may-ari ng isa sa pinaka-malaking chain of malls sa bansa! Tuloy ay agad na-solve ang pro...