CHAPTER 8

2K 62 4
                                    

Wala nang tao sa lamesa nang bumalik sila. Karamihan kasi sa mga bisita ay nasa dance floor at sumasayaw na sa saliw ng makalumang love song. Kaya naman nag-desisyon si Benj na akayin na rin siya roon.

Inilapat ni Benj ang dalawang kamay nito sa kanyang bewang matapos naman nitong ilagay ang mga kamay niya sa balikat nito. She shivered at the closeness of their bodies. She could feel his warmth and the hardness of his body despite being sheathed by his expensive suit. Nahihirapan siyang huminga at ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya sa hindi niya mawaring dahilan.

"Look at me..." bulong nito sa kanya. Nakabaling kasi siya sa mga pares na nagsa-sayaw malapit sa kanila. For some reason...It's easier to look at them than at him.

"Sisay..." napapaos nitong tawag sa kanya.

Nilingon niya si Benj. Nagulat nang tawagin sa totoong pangalan. He looked unbothered , though. He's just looking seriously at her.

Luminga-linga siya sa paligid at naginhawaan naman kahit paano nang natantong wala namang nakabaling sa kanila. Bumuntong-hininga siya at hinarap itong muli. Sinikap na huwag nang mag-iwas ng tingin dito.

"Sorry for dragging you into this."

She was once again shocked to hear that from him. Tama ba talaga itong naririnig niya? Humihingi ba talaga ng tawad si Benjamin Jalbuena sa kanya? Could this night get any weirder?

Inilapit niya ang mukha upang bumulong sa tainga nito. Everyone is shut in their own worlds but she wanted to be careful for Benj's sake.

"Bakit mo ba kasi 'to ginagawa, Benj? Bakit...pumunta ka rito at nagsisinungaling ka?"

Yumuko din ito upang mas ilapit naman ang mukha nito sa kanya. Nakikiliti siya sa pagdampi ng pisngi nito sa kanyang pisngi. Kung kanina ay nilalamig pa siya dahil sa panggabing hangin at sa kanyang suot, ngayon ay para siyang pagpapawisan ng litro-litro sa ginagawa nito.

"I don't know," he whispered back. "I just don't want to appear...pitiful. Although, I'm certain that's exactly how you think of me right now."

He sounded vulnerable. Nakakapanibago na ganitong magsalita si Benj. Malayong-malayo sa boss niya na istrikto, matapang at palaging sigurado sa sarili. He must've love Alexa so much that it makes him weak.

Sayang. Sa tingin niya kung ikukumpara naman dito sa kanyang boss ay mas may karapatang mahalin at pakasalan si Benj. Kung sabihin niya kaya kay Alexa ang pinagsasasabi sa kanya ng fiancé nito kanina? Will it help Benj?

Pero nakakatawang pakinggan iyon kung sakali! Pagtatawanan lang siya. Isa pa, naniniwala ba talaga siya roon? Grae was probably just want to stir some things and she's using her. Ayaw niyang mahulog sa patibong nito.

"Hindi ganoon ang iniisip ko sa'yo, Benj," aniya kahit na hindi naman talaga sigurado sa kung ano ang nararamdaman.

She's feeling a lot of weird emotions right now that she can't be certain.

"G-Guwapo ka, mayaman, matalino, galing sa magandang pamilya...kaya bakit ka naman magiging kawawa?"

Bahagyang umangat ang gilid ng labi nito. He looked at her eyes, then her nose, and lips before it went back to her eyes again. It stirred something inside her again but he didn't say anything. She maintained her look on him although her knees are starting to get so weak.

"You think so, huh?"

"Oo naman. Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo iyon alam?" nangisi siya. "Kung gusto mo nga, puwede kang makahanap kaagad ng totoong girlfriend. Iyong totoong edukada at mayaman. Hindi kailangan na...magpanggap."

He looked at her sternly. Her lips parted when she realized what she told him. Tinikom niya ang kanyang mga labi. Sobra ba iyong nasabi niya? Totoo naman iyon.

Maybe It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon