CHAPTER 7

2K 64 6
                                    

Tahimik siyang naka-kapit sa braso ni Benj. Nadama niya kaagad ang ihip ng panggabing hangin dahil sa kanyang suot na bukas na bukas ang likod. Hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung paano niya maiibsan ang panlalamig dahil wala naman silang nabiling coat ni Miss Ella. She silently looked at Benj to tell him about her dilemma but decided to shut her mouth when she immediately felt the tension emanating from his body. Something's telling her that this isn't the right time to run her mouth.

Nakapasok na sila sa magarbong sala ng mansiyon. Isa sa mga kawaksi doon ang gumiya sa kanila patungo sa hardin kung nasaan ang sentro ng pagtitipon. It's too spacious to hold huge events like these. Doon din patungo ang lahat ng mga bisitang kararating lamang tulad nila. Parang nais niyang malula sa mga alahas ng mga ito at sa magagarang damit na suot nang mapuna niya.

She'd never been in these kinds of parties. Siyempre, hindi naman sila parehas ng mundong ginagalawan ng kanyang amo. Kaya nga kabadong-kabado siya sa gagawin nilang pagpapanggap. Paano niya mapaninindigan ang pagiging mayaman kung hindi naman talaga siya ganoon?

Naisip niyang dapat ay si Miss Ella na lamang ang dinala roon para mas natural ang pagka-pino ng kilos. O bakit hindi maghanap ng totoong girlfriend? Her boss is handsome and rich. He could have any woman he likes that is on the same level as him. Hindi na sana siya kailangang dalhin doon para magpanggap.

"Benjamin Jalbuena!" isang may katandaang lalaki ang lumapit sa kanila ni Benj kaya napahinto sila sa paglalakad.

Ngunit mula roon ay kita niya na ang magarang gazebo na napapalamutian ng mga bulaklak at mas maraming ilaw. The whole place is really enchanting. Parang lugar na nage-exist lamang sa mga magazine. She can't help but stare at the extreme lavishness that is flashing in front of her.

"Tito Fred," ngumiti at nakipag-kamay si Benj dito.

"Ah, hijo! Look at you! You've grown into a fine young man, like a true blooded Jalbuena. I heard that the business is doing really good in your hands."

Benj gave the man a tight smile.

"Yes, it is. But I cannot take full credit for it. My dad and lola are still helping me with the decision-making so I guess it's a team effort."

Natawa ang matanda.

"You're really like your father, lad. Matalino pero nananatiling naka-apak ang paa sa lupa." He laughed again. His gaze turned to her that's why her heartbeat accelerated. "Who is this beautiful woman you're with?"

Lumingon si Benj sa kanya. As if on cue, she extended her hand on the man in front of them.

"Sisa—" banggit niya sana sa tunay na pangalan ngunit agad ding binawi. "Camille Montellano, Sir. I'm Benjamin's girlfriend," she answered instead like what Benjamin wanted.

"Oh..." the man accepted her hand in delight. "Napakahusay mo namang pumili Benjamin. I'm Ferdinand De Castro, lady. But you can call me 'Tito Fred'."

She blushed at his remark. Magaling pumili si Miss Ella ng damit at maging ang team na nag-ayos sa kanya. It felt nice to live like this for a while. Huwag lang niyang iisipin ang totoong dahilan ng pag-aya ni Benj sa kanya roon.

"He was the one who trained my father when he's just starting," dagdag ni Benj sa kanya.

Ngumiti siya at tumango sa matanda. Wala siyang maidagdag doon kaya pinabayaan niya ang dalawa na mag-usap. Maka-ilang ulit iyon nangyari. May humarang sa kanila upang mangumusta at makipag-usap. Tuwing isasali siya sa usapan ay upang magpakilala lamang.

"I can see that you've found yourself a new inspiration," sabi ng babaeng tinawag ni Benj na Mrs. Ricaforte. She's looking at her with pure delight. "You deserve that. Like how Alexandra deserves to be happy with the man she wanted to spend her life with."

Maybe It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon