Kidnapped

1.6K 51 15
                                    

Eunha's POV

Nakasandal ako sa locker ko habang hinihintay na makalapit sa akin si SinB, ang childhood friend ko at dahilan kung bakit lumipat ako sa school na ito last year kahit labag sa loob ko. Hindi daw kasi sya mageenroll dito kung hindi ako kasama kaya ayun, kinulit ako nila Tita na dito na mag-aral.

"Ang tagal mo, anong oras na? Magrereview pa 'ko sa qualifying exam sa Technology class bukas. Mapupuyat na naman ako." Sinimangutan ko sya nang mag-abot kami.

We are studying at School of Performing Arts (SOPA). School na specially established para sa mga celebrities at mga nangangarap maging celebrities tulad namin ni SinB. May apat na program ang school. Pinakamahirap daw ang Technology class, kung saan mas nagfofocus sa technological aspect ang pagtuturo ng mga courses. Karaniwan nang tinatawag na nerd at genius ang mga nasa Technology class. Nakakadugo ng utak dito sa Technology class pero gusto ko talaga magqualify. Kailangan makapasa sa qualifying exam kung gusto mong mapabilang sa Technology class kaya naman nang malaman ko na pasok ang grades ko, hindi ako nagdalawang isip na magpply for exam at bukas na nga yon.

Pumapangalawa ang Science class kung saan nandoon ako currently. Obviously more on science ang focus. Puro kami experiments at investigatory projects. Sunod dito ang Business class. Puro negosyo ang usapan at pinagsasabihan na mga mukhang pera daw mga students doon. Karaniwan nandoon ang mga anak ng business tycoons na pamamanahan ng family businesses. Ang huli, Arts class. Madaming students dito dahil madaming gusto magfocus sa arts discussion kung saan mas maeenhance ang skills nila sa pagkanta, pag-arte at pag-sayaw.

Lahat naman kami may special subjects for performing arts pero kung nasa Arts class ka, mas focused dun. Sa lahat, itong class na ito ang pinaka ayaw ko. Nagsamasama na yata ang mga mayayabang, pa-gwapo, pa-fall, pakitang gilas, pa-maldita.. Lahat na ng "pa-" nandito. Para sa akin mga tamad mag-aral pumapasok dito. Nakakadistract pa kasi may mga artista pa sa building na yun. Madalas nagkakagulo at nag-aaway dahil mga magaganda at gwapo nagkakatalo dun pero sa academic matters ewan ko na lang sa kanila! Pwede ka ngang hindi pumasok ng isang linggo kung trip mo basta makakasabay ka sa lessons. Kaya si SinB sa Arts class nagsign-up dahil malapit na sila magdebut at panay ang absent nya.

"Sorry, nagpaalam ako sa professor namin na di ako papasok for a week." Sagot nya sabay ngiting nagpapaawa. Alam nya kasi pag nakakunot noo na ako asar na ko.

Twice a week na lang yata pumasok si SinB at ako ang dakilang taga gawa nya ng assignment dahil madaling araw na nagpapraktis pa sila sa studio.

"So mag-isa ako maglalunch for a week? Sabagay, sanay naman ako na nag-iisa." Drama ko. Pangarap ko kasi maging actress. Si SinB naman gusto nya maging kpop idol.

"Hindi, nandyan naman si Ate Sowon kaya may kasama ka." Depensa nya.

Kaibigan namin si Ate Sowon na sobrang tangkad at lalo akong nagmumukhnang kapos sa height kapag kami lang ang magkasama.

"Kyaaaaaaaaaaaa!" May narinig kaming malakas na tilian sa kabilang building na kahit mejo malayo dinig na dinig.

"May sunog ba sa Arts building?" Natatawa kong tanong. OA makatili mga tao dun.

"Pssshhh! Pumasok kasi si Jungkook kanina. Alam mo na, daming fans, kaya ayun, napapatili yung iba pag nakikita sya sa hallway." Napairap ako sa sinabi ni SinB.

Your Lie In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon