The Promise

467 36 5
                                    

Hindi mapakali si Eunha habang nasa likod ng stage at palakad lakad sa harap ng iba pang magpeperform. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang program kung saan ipapakita na nila ang mga inihanda nilang performance na mamarkahan din ni Prof. Na.

"Eunha, pwede bang umupo ka, kasi hilong hilo na ko kapapanood sayo." Hinatak ni Yerin sa tabi nya si Eunha. Napansin nya ding nanlalamig ang mga kamay nito.

"Si Jungkook kasi wala pa. Malapit na kaming magperform." Sagot ni Eunha. Palinga linga pa din sya sa paligid kahit nakaupo na sya.

"Tinawagan mo na ba?" Tanong ni Yerin at kinuha din ang cellphone nya para tawagan ang kaibigan ni Jungkook.

"Hindi sumasagot si Jungkook." Sagot naman ni Eunha.

"Ay... Hindi nga pala sila makakasagot ng phone kasi may fansigning sila ngayon." Ibinaba ni Yerin ang phone nya bago pa man nya maidial ang number ni Taehyung.

Nagtataka namang napatingin si Eunha sa kanya. "Bakit mo alam?"

Bigla namang napangiti si Yerin na tugon na sa mga mata nya. "Kinuha nya kasi yung number ko. Ipinatanong nya kay Jungkook. Kaya magkaibigan na kami ngayon."

"Talaga, kaibigan lang? I doubt it.." Duda naman si Eunha. Sa tingin nya kasi babaero si Taehyung dahil parang madaming lumalapit na girls sa kanya. Matalim din itong tumingin kahit na kadalasan mukha syang inosente.

"Be ready. The program will start in two minutes. Performers from Arts Class Section A please line up." Pumasok ang organizer sa backstage.

Kahit na kasi school program pa lang ito madami na ring nanonood na mga tao mula sa talent agencies para mabantayan kung sino ang potential idols na pwede nilang itrain to their advantage. Isa pang nakatawag atensyon sa lahat ang pagpeperform ng mga sikat na idols. Binawalan na makapasok ang media kaya hindi nakakalabas sa public ang mga photos at videos. Expulsion ang kapalit sa mga students na lalabag sa policy na ito.

"Alam naman siguro ni Jungkook na ngayon ang performance. Isa pa, inaabangan ka ng ibang section dahil si Jungkook ang teammate mo." Lalo pang nakadagdag sa pressure ang sinabi ni Yerin sa halip na makatulong.

Napahikbi na lang si Eunha at napasalampak sa isang sulok na parang batang namumukmok. Sinamahan muna sya ni Yerin dahil huli naman silang magpeperform ng kapareha nya na kanina pa ready.

"Nagpromise kasi sya eh!" Sumbong ni Eunha habang hinihimas ni Yerin ang likod nya. Hindi nito alam ang gagawin dahil wala rin naman syang maitutulong.

Nagsimula na ang program at isa isang nagpresent ang magkakapareha. Tuwing may natatapos na performance, lalong kumakabog ang dibdib ni Eunha sa kaba.

Sumilip sya sa labas para tingnan kung sino ang nasa audience. Nasa harapan pa si Prof. Na at may hawak na record book. Malamang on the spot nya isinusulat ang marka ng mga students nya.

Inilibot nya ang mga mata nya. Nagbabakasakaling makita si Jungkook sa crowd pero wala ito.

"Eunha, ano wala pa ba si Jungkook?" Tanong ni SinB na halatang katatapos lang magpraktis.

Bago pa makasagot si Eunha ay tinawag na sila SinB sa stage. Halos himatayin sa kaba si Eunha dahil alam nyang sila na ang susunod.

Your Lie In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon