New

476 37 9
                                    




Eunha's POV

Hindi ko alam kung may invisible metal ba yung mga paa ko at parang hirap na hirap akong ihakbang sila habang papalapit sa Arts Building. Chineck ko na sa Registrar's Office kung saan nakalagay ang pangalan ko at totoo nga ang sinabi ni Ate Sowon, automatic, sa Arts Class ako enrolled.

Saya di ba? Yung pinakaayaw ko dun pa ako napunta? Masyado kasi akong ambisyosa kaya sa halip na sa Technology Class, eto, lumagapak ako sa Arts Class.

"I was thinking, a classic concept? Historical, rather.." Nahagip ng tenga ko yung usapan ng dalawang Arts students na nakasalubong ko sa entrance.

Napatingin sila sakin kaya ngumiti ako na medyo nahihiya. Nagkatinginan sila sabay ngisi na nakakairita, yung parang may pinag-uusapang hindi maganda tungkol sayo pero sa isip lang nila. Nawala agad yung ngiti ko at napalitan ng pagsimangot.

'Nakamake-up ba talaga dapat mga students dito? Kala ko trip lang ni SinB magmake-up.' Sa isip ko nang mapansin ko na lahat yata ng mga nakasalubong kong babae mga nakamake-up at mga fashionista. Bukod as uniform may mga accessories pa sila like necklace, scarf, mask, jacket, bolero. Sabagay mga aspiring celebrities mga tao dito.

"Freshman siguro. She's too simple." Bulungan ng isang grupo ng mga babae na nakasalubong ko.

Sa totoo lang pakiramdam ko nga freshman ulit ako kahit sophomore na ko dahil stranger na naman ako sa building na ito. Ano kaya ang nagawa kong mabigat na kasalanan at bigla akong napunta dito sa isang iglap lang?

Kesa intindihin ko ang pamimintas ng mga bruhang to, hinanap ko na lang ang room assignment ko. Section A ako at magkaklase kami ni SinB pero sad to say wala sya ngayon.

"Hoy, anong ginagawa mo dito?" Muntik na ko mapalundag nang may tumawag sakin.

Masyado na pala akong nakafocus sa pagtingin ng rooms kaya hindi ko namalayan may mabubunggo na pala ako. Magsosorry sana ako kaya lang narealize ko kung sino yung nasa harap ko.

"Papasok." Hello tanga ba? Kitang papasok na ko sa room!

"Sabi mo Science Class ka?" Nagtatakang tanong ni Jungkook.

Oo nga pala hindi ko sya nainform na dahil sa kalokohan nya at ng barkada nya, hindi ako nakapagexam sa Technology Class at Science Class! As if I am obliged, duh!

"Gusto ko na dito mag-enroll sa Arts Class para classmates kami ng bestfriend ko." Sagot ko na lang at dumiretso na ko sa loob ng room.

Napatingin sakin lahat at parang napahinto. Kumaway ako sa kanila at nagulat naman ako nang biglang nagbulungan na parang mga kinikilig. Mga tomboy ba sila kaya mukha silang kilig na kilig sakin?

"OMG! Jungkook, sana araw-araw ka nang pumasok para inspired kaming lahat!" Sabi ng isang babae sa first row.

Echosera talaga ko minsan. Nawala sa loob ko pinagkakaguluhan nga pala tong si Jungkook. Bakit di ko naisip na nasa likod ko sya at sya yung tinitingnan at kinakikiligan nila? Ang feeler ko pala today!

 Bakit di ko naisip na nasa likod ko sya at sya yung tinitingnan at kinakikiligan nila? Ang feeler ko pala today!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Your Lie In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon