Baby Jungkook

976 59 48
                                    

Sowon's POV

"Wag mo na lang sabihin na ikaw ang huling kasama ni Jungkook bago kayo naaksidente." Pakiusap ko kay Eunha.

Nasa ospital sya at nagpapagaling. Ikinwento nya samin na nagkita sila ni Jungkook at nawalan ng brake ang sasakyan nya. Mabilis namin syang napuntahan sa lugar na pinangyarihan ng aksidente at naisugod namin sya agad sa ospital. Hindi namin alam noon na si Jungkook pala yung isang naaksidente.

Buti na lang sa ibang ospital namin naisugod si Eunha. Hindi naman sya masyadong nasaktan. May mga sugat lang na magaling na ngayon kaya makakabalik na sya sa pagpeperform.

"Kinausap na ng CEO ang media para hindi maiconnect sa aksidente ni Jungkook ang nangyari sayo. Mahirap na kasi.. Alam mo naman na madami silang obsessed fans at baka sirain nila ang pangalan ng GFriend." Dagdag ni Yuju.

"Okay lang sakin. Pero kamusta si Jungkook?" Tanong ni Eunha na may pag-aalala. "Iniharang nya yung sasakyan nya para hindi ako ang babangga sa truck."

"Ang sabi sa balita stable na sya pero kailangan nyang magleave muna para tuluyang gumaling. Himala daw na nabuhay sya pero wag mo nang isipin yun, ang importante naman ligtas na din sya." Si SinB ang sumagot.

Hindi ko alam kung bakit parang hindi mapakali si SinB. Alam ko na karelasyon nya si Jhope na member ng BTS at sa aming lahat sya ang may pinakamadaming alam sa BTS dahil pwede syang direktang magtanong sa boyfriend nya. Medyo kumplikado lang ang sitwasyon nila kaya hindi nila maipaalam sa mga kaibigan nila.

"Pag nakalabas ka na dito sa ospital, bisitahin mo sya.. Para din hindi ka na magworry." Pahabol ni SinB. Napatingin naman ako sa kanya.

"SinB? Iniiwasan nga natin na masangkot si Eunha.. Hindi sya pwedeng dumalaw kay Jungkook." Kontra ko.

"Pwede naman syang madalaw na walang makakarating sa media. Safe ang ospital kung nasaan sya at secured yun sa media." Pagtatanggol naman ni SinB.

"Wag na kayong magtalo. Ang mabuti pa, hayaan muna nating magpahinga si Eunha habang inaayos natin ang papers nya nang makalabas na sya dito." Si Yerin ang nagsalita.

Palabas na sana kami ng kwarto nang magulat kami pagbukas namin ng pinto. May babae sa pinto at may hawak pang bulaklak. Mukhang pagod na pagod sya.

"S-sino po sila?" Tanong ko. Pamilyar ang mukha nya pero hindi ko matandaan kung nakita ko na ba sya noon.

"Ako si Mrs. Jeon. Gusto kong makausap si Eunha. Wag kayong mag-alala, walang nakakaalam nito." Seryoso ang tono nya.

Tumingin ako kay Eunha na tumango naman sakin. Pinapasok namin si Mrs. Jeon at lumabas naman kami. Tahimik lang ako habang papunta sa information desk. Mukhang hindi masusunod ang plano ko sa grupo namin ngayon na nandito si Mrs. Jeon. Paano kaya ang gagawin ko para mapangalagaan ang pangalan ng GFriend? Kausapin ko kaya si Jin?

~~~*~~~*~~~*~~~

Eunha's POV

"Room 407." Sabi ni Mrs. Jeon sa nurse na nasa info desk. Tumango ito at pinadaan kami sa VIP elevator.

Ilang araw na nung huli kaming magkausap ni Mrs. Jeon. Sinabi nya sakin ang lagay ni Jungkook. Sinabi nya ang tungkol sa rare case amnesia niya. Ang akala daw ni Jungkook girlfriend nya ako at ako rin ang una nyang hinanap nang magkamalay sya. Nakiusap sya na magpanggap ako na girlfriend hanggang makarecover na si Jungkook at bumalik ang totoong memories nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Lie In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon