Make Up

496 39 24
                                    

Jungkook's POV

Nakakapagod ang buong week namin. Finally we officially debuat as Bangtan Sonyeondan or Bulletproof Boyscouts. Hindi namin inaasahan pero dumagsa agad ang fans namin. Lahat kami magkasing dami ng fans at natalo namin agad sa isang music show ang mga idols na galing sa big companies. Tuwang tuwa samin si Manager Bang dahil sa successful debut namin. Marami pa kaming nakaschedule na appearance pero binigyan kami ng one week break para sa school.

One week lang akong nawala sa school pero parang namiss ko pumasok. Dahil din isa na kong idol, kailangan ko nang ingatan ang image ko at ayusin ang sarili ko at all times baka daw kasi may mga kumukuha ng stolen photos namin na pwede rin naming ikasira kaya mainam nang maingat. Buti na lang mahigpit ang policy ng school tungkol sa privacy ng mga idols na nag-aaral dito.

"Good morning!" Bati ko sa mga tao na nakakasalubong ko. Nakakatuwa kasi lahat sila nagcongratulate sa successful debut. May mga nagpapicture at autograph na nga sakin.

Pagdating ko sa classroom namin, diretso ako sa upuan ko. Hinanap agad ng mga mata ko si Eunha. Nagpagwapo kasi ako para sa kanya dahil gusto kong mamatay sya sa paghanga sakin. Naaasar pa din ako na dahil sa kanya hindi naging kami ni SinB.

"Absent si Ms. Jung?" Tanong sa classmates ko.

Napatingin silang lahat sakin. Hindi naman kasi pinapansin si Eunha ng isang gwapong katulad ko kaya talagang magtataka sila na hinahanap ko sya.

"Maybe she's still on a meeting." Sagot ng isang babae na nakalimutan ko na yung pangalan.

"Meeting?" Ano naman kayang meeting yon? Bakit sya lang ang nakipagmeeting?

"Last week kasi nagelect ng officers and napagtripan namin sya na ielect as class representative. Ayan busy ang bruha!" Natatawang sabi ng isang grupo ng mga maarteng trainees.

Napailing na lang ako. Hassle kasi maging class representative lalo na dito sa Arts Building dahil madaming pasaway na students. Class representative kasi ang nagiging mata ng coucil sa pagiimplement ng school rules. Particular sila sa uniforms at dito sa Arts Building madaming nagviviolate. Tulad ko, nakajacket na naman ako khit nakauniform ako sa loob. Syempre lahat kami dito gustong pumorma.

"Kanina pa kaya tapos yung meeting! Di ba nga yung group sa section C nakiusap na gawin syang model sa photoshoot project nila." Sagot ng isa sa transferee sa class.

Naalala ko bigla si Ate Sowon na sinampal si Kuya Jin last week, nang magsalita yung classmate namin na transferee. Kasama kasi nya ni Ate Sowon sa group na binubuo para magdebut soon. Sya si Yerin at medyo weird sya pero sanay ako sa mga taong weird na mala-alien kasi yung bestfriend ko na si Taehyung, ganyan din.

"Ayos ah, akalain mo may nagkainteres gawing mode, yung babaeng yun?" Natawa ako pero sinamaan ako ng tingin ni Yerin. Mukhang close na yata sila ni Eunha.

"Joke lang." Bawi ko sabay tayo. Wala pa namang professor kaya tatambay na lang muna ako sa labas ng room.

Iniwan ko na yung bag ko at palabas na sana nang pinto nanng may sumalubong sakin na papasok naman.

Napahinto ako at medyo nablangko. Hindi ko inaasahan na may makikita akong magandang babae na parang buhay na manika. Sanay ako sa mga nakamake-up na babae pero kasi parang natural na itsura yung pagkakamake-up nya at bagay talaga sa mukha nya. Maamo yung mukha na medyo matalim yung mata. Hindi nakakaumay na ganda.

Your Lie In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon