Accident

557 41 27
                                        

Eunha's POV

Time flies so fast. Lahat kami naging busy sa school. Siniguro ko na I'm the top student sa class namin para naman kahit hindi ako sikat masyado, bawi ako sa academics. Sina Yerin, lalong naging busy sa GFriend kaya halos hindi na pumapasok. Ako na nga ang taga gawa nila ng assignment at projects dahil naaawa ako sa kanila. Si SinB madalas tulala na dahil sa sobrang pagod at puyat. Si Ate Sowon nahihirapan na din dahil mas matindi ang lessons ng Technology students.

Sina Jungkook, hindi na talaga nakakapasok. Ang tagal ko na syang hindi nakakausap. Siguro kung pumapasok yun, mas mahihirapan ako dahil kukulitin na naman ako. Masaya naman din ako para sa kanila dahil sikat na sikat na talaga ang BTS even overseas. Ang malungkot lang, tatapusin na lang nya yung sem na to at maghihinto muna sya sa pag-aaral dahil hindi na kaya ng schedule nila. Yung ibang members naman homeschool na lang daw ang gagawin.

Lahat sa paligid ko busy na sa career nila. Kaya naman naging wake up call sakin na abutin din yung pangarap ko. Hindi ko naisip na hahantong ako sa ganito. Gusto ko kasing kaging solo artist okaya naman actress pero eto ako ngayon, nasa office ng CEO ng Source Music.

"Welcome to GFriend Ms. Jeon Eunha." Bati ng CEO.

"Ahm.. JUNG Eunha po. Hindi po Jeon." Pagtatama ko. Naalala ko tuloy si Jungkook dahil Jeon ang surname nya.

"Nako pasensya na hindi ako matandain sa pangalan. Katunog kasi ng sikat na artist ng sister company natin. Si.." Bago pa nya masabi ay ako na ang nagtuloy.

"Jeon Jungkook ng BTS po?" Tanong ko. Ngumit naman sya at tumango.

"Plano talaga namin na tapatan ang kasikatan ng BTS. Seven members talaga ang GFriend pero nagback-out yung dalawa. Behind schedule na kami nagrereklamo na ang investors namin kaya kailangan na namin silang idebut. Buti na lang si SinB hindi kami tinigilan hanggat hindi ka nasasama sa shortlist. Hindi sya nagkamali na irecommend ka dahil mahusay ka." Kwento ng CEO kahit na ilang beses na nila saking nasabi gung sitwasyon.

"Wag po kayong mag-alala. Magiging maayos po ang GFriend at ibibigay ko po ang best ko. Isa pa, malapit na pong magsummer kaya mababakante ang schedule ko dahil walang school." Paniniguro ko naman. Maganda rin kasi yung program nila para sa Gfriend at kampante kami na magiging kasing sikat o higit pa, ng BTS ang group namin dahil iisa ang style ng management.

"Magtiwala kayo sa kakayahan nyo at sa kakayahan ng staffs natin." Paalala ng CEO bago ako sinamahan papunta sa practice room.

Dun nila ako ipinakilala ng pormal sa GFriend mambers at sa mga staffs. Naging comfortable ako dahil kakilala ko naman na sila. Si Yuju at Umji lang ang hindi ko masyadong kaclose pero mababait sila.

Simula yun ng career ko bilang kpop artist. Himala na lang na napagsabay ko yung school at training hanggang sa nagdebut kami.

~~~*~~~*~~~*~~~

Jungkook's POV

"Taehyung yung remote?!?!?!" Naiinis kong sigaw dahil itinatago nya lagi yung remote para hindi namin mailipat agad yung channel ng favortie nya...cartoon network haiz!

"Ano ba kasi papanoorin mo?!" Tanong ni Taehyung. Hawak nya yung remote pero mukhang ayaw pa ibigay sakin.

"Yung GFriend nasa The Show ngayon! Sige ka hindi mo mapapanood, si Yerin pa naman ang MC!" Pananakot ko pa. Umamin kasi samin si Taehyung na crush nya si Yerin. Ewan ko nga kung bakit hindi pa nila totohanin yung bf/gf drama nila sa school. Sabagay nawalan na kami ng time sa school at kahit communication sa mga kaibigan namin doon wala na din.

Your Lie In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon