Eunha's POV
"Sir hindi ko po talaga sya nakausap dahil lagi syang absent." Paliwanag ko.
Nandito ako ngayon kasama ni Yerin sa faculty room at nakikipag-usap kay Prof.Na para pumayag na mag-isa na lang akong magpeperform.
"Yung kaibigan nyo si Hwang SinB, lagi din syang absent pero ready na sila ng teammate nya. Hindi ko na problema kung ayaw makipagcooperate sayo ni Mr. Jeon. Kayong dalawa ang mag-usap." Sagot naman samin ni Prof. Na.
Kahit mabait si Prof. Na, strict sya pagdating sa pagcocomply ng requirements. Para sa kanya, hindi dahilan na artist ka para maging pabaya ka na sa school requirements.
"Sir kasi po pag-" mangungulit pa sana ako pero pinigilan ako ni Prof. Na.
"Basta kailangan kong makita kayong dalawa ni Mr. Jeon sa stage. Otherwise bagsak kayo sa subject ko." With that, iniwan kami ni Prof. Na.
~~~*~~~
"Tawagan mo kaya si Jungkook?" Nag-aalalang sabi ni Yerin.
Alam nya na badtrip ako dahil hindi na ko masyadong nagsasalita. Sa class kasi kami na lang ni Jungkook, ang wala pang ipepresent. Nagcompose ako ng kanta para sana ako na lang mag-isa pero hindi nga approved ni Prof.Na.
"Sinubukan ko naman once pero di sya sumasagot. Ayaw ko nang ulitin! Kailangan nya din to kaya sya ang tumawag!" Mapride kasi ako. Babae kaya ako! Hindi ko gusto na babae ang tatawag sa lalaki lalo na at hindi ko naman kaibigan o kamag-anak. Baka mamaya isipin pa nya may gusto ako sa kanya!
"Sobrang busy kasi ng BTS ngayon. Alam mo ba usapan lagi sa Source Music studio ang pagsikat nila? Bihira kasi na natatalo ng mga groups galing sa small companies ang mga groups na galing sa big companies kaya naman humahanga lahat sa kanila." Kwento ni Yerin. Sa tingin ko isa sya sa mga humahanga sa BTS.
"Pag nagdebut ang group nyo, magiging katulad nyo rin sila dahil mahusay kayo." Alo ko naman sa kanya. Napanood ko na ang binubuo nilang dance steps at magaling sila!
"Di ba si V yun? Member ng BTS, kabarkada ni Jungkook! Halika tanungin natin kung nasaan si jungkook!" Tinuro ni Yerin si Taehyung na hindi naman kalayuan samin.
Pansin ko na may kausap syang babae at parang nagpapacute sa kanya. Mukha namang walang interes si Taehyung at halatang naiinip sya sa kausap nya.
"Sandali Yeri hintayin natin silang matapos mag-usap." Pigil ko kay Yerin pero malapit na kami kina Taehyung.
"Pano kung matagal pa yan? Mag-excuse lang tayo tapos itanong lang natin si Jungkook. Bilis na!" At hinatak na ko ni Yerin para kausapin si Taehyung.
"Ahm, excuse me.." Si Yerin ang nagsalita at tahimik lang ako sa tabi nya.
Bigla namang natuwa si Taehyung nang makita kami. Kakaiba yung tuwa nya, parang nabunutan ng tinik sa lalamunan na ewan. Sabagay alien talaga sya kaya ang hirap intindihin minsan.
"Ay, nandito na pala sila. Pasensya ka na Yuri, kailangan na naming umalis. May date kasi kami nitong girlfriend ko eh." Nagkatinginan kami ni Yerin sa sinabi ni Taehyung.
BINABASA MO ANG
Your Lie In Summer
FanfictionEunha is an average girl. Jungkook is an international playboy. He made a mistake. She told a lie. They are tying to save a relationship about to die.