Late

519 37 11
                                    

SinB's POV

"Andito na 'ko. Ano ba yung sasabihin mo? Bakit kailangang personal pa na magkita tayo?" Tanong ko agad kay Jungkook pagdating ko sa school cafeteria ng Arts Building.

Tumawag sya kagabi at nakiusap na magkita kami. May importante daw na sasabihin sa akin. Mukhang nahuhulaan ko na pero sana mali ako. Ayaw kong malagay sa alanganin lalo na magkaklase pa kami.

"Have a seat.." He pulled a chair at pinaupo ako. Mukhang kinakabahan sya dahil medyo nanginginig yung kamay nya.

"You want anything?" Alok nya pero umiling ako. Nagmamadali din kasi ako dahil may practice kami kaya nga nagpaalam na ako kahapon na one week akong di makakapasok.

"No thanks. Sorry pero nagmamadali kasi talaga ako. Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ko ulit. Ayaw kong maging rude pero gusto kong iparamdam na may importante pa akong gagawin.

"Natatandaan mo ba nung first time natin magkausap? We are assigned to a project.." Panimula nya.

I thought for a while. Yun yung may ginawa kaming song at kailangan maiperform namin ito the next day. Sinabi ko sa kanya na ako na ang gagawa ng song pero ang totoo nagpacompose ako kay Eunha. Kami ang nakakuha ng pinakamataas na marka. Pumayag naman si Eunha na wag ko nang sabihin kahit kanino na sya talaga ang composer.

"Okay..?" I waited. Bumuntung hininga sya.

"You were so amazing.." Tuloy ni Jungkook.

Bigla namang nagbeep ang mobile phone ko. Nagexcuse ako muna at chineck ang message.

B, nandito na ako sa tapat ng school gate. Bilisan mo, baka malate ka sa practice nyo. I love you.

-Hope

Nagtext na si Jhope, ang boyfriend ko na sikreto lang kasi may conflict pa sa family namin at inirereto pa sya sa ibang babae na hindi nya gusto. May one year na kami ni Jhope pero kahit sina Jungkook na barkada nya, hindi pa alam ang totoong status namin.

"Sorry. Jungkook, pwede straight to the point? Pasenysa ka na talaga. Not to be rude or anything but I need to be in the studio in thirty minutes." Pakiusap ko sabay apologetic smile.

"SinB, I love you." And there it goes. Ang kanina ko pa iniisip na wag sanang mangyari pero ito na.

"The first time I saw you attracted na talaga ako sayo. I thought it was just a crush pero nung mas nagkakilala tayo I realized mahal na kita.. SinB, will you be my girlfriend?" Tanong nya.

Matagal ko nang nahahalata na may gusto sa akin si Jungkook. He's cute alright! Pero ganon siguro talaga kapag may mahal ka nang totoo. Kahit iharap sayo ang napakagwapong katulad ni Jungkook, hindi ka na mafafall.

Mahal ko si Jhope. Importante din kay Jhope ang barkada nya kaya nang mapansin namin na nagpaparamdam si Jungkook, nag-usap kami na wag pa din ipaalam ang relasyon namin. Ayaw nyang masaktan si Jungkook nang dahil sa kanya dahil napakaclose nito sa kanya.

"Jungkook.. You're a wonderful guy.. But..." I sighed heavily. Ang hirap namang gawin nito. He is such a nice guy pa naman! "I can't..sorry."

Your Lie In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon