Jungkook's POV
Dinala ko si Eunha sa paborito tambayan ng BTS. Sa SQUAD restobar na pag-aari ng family nila Jimin. May privacy kasi kami dito dahil hindi basta nakakapasok ang mga paparazzi. May VIP access din kami kaya comfortable talaga kami dito. Pati parking space wala akong problema dito.
"Restobar? Lunch? Seriously? Alak ba tanghalian mo?" Sarkastikong tanong ni Eunha nang makita nya kung saan kami huminto.
"Masarap pagkain dito. Barkada ko may ari nito, si Jimin. Wag kang mag-alala disenteng bar po ito." Sagot ko sa kanya habang pinagbubuksan sya para makababa na sya.
Bago ko pa sya maalalayan, bumaba na sya at hinawi pa yung kamay ko. Problema nito? Masyadong pakipot. Baka nga gusto nya talaga deep inside buhatin ko pa sya papasok ng bar. Kunwari pa tong Eunha na to.
"Hmmm mukhang ok nga dito. Ang tahimik pa. Parang hindi bar." Comment nya pagpasok namin.
"Sir Jungkook, bago na naman yang kasama mo." Bumungad samin si Louie na empleyado pero parang kaibigan na di turing namin. Kung makipag-usap kami sa isat isa para lang syang kuya ko.
"Kuya, hindi. Classmate ko lang to. Alam ko na yang iniisip mo eh." Natatawa kong sabi.
Deep inside parang gusto kong mainis kay Kuya Louie for the first time. Ewan ko ba pero ayaw kong isipin ni Eunha na kung sino-sinong babae dinadala ko dito. Actually madami akong nadalang babae dito pero wala pa sa VIP area dahil pambarkada lang namin yun.
But this time I'll take Eunha to our VIP area.
"Ikaw na lang mag-order for me kasi hindi ko alam anong specialty dito." Sabi ni Eunha na busy pa din sa pagtingin sa paligid nya. Siguro ngayon lang ito nakapasok sa ganitong klaseng lugar. Parang bahay-school-bahay lang ang alam nitong puntahan.
"Kuya, sa VIP kami ha." Bilin ko kay Kuya Louie na nagulat pa. Alam nya kasi na hindi talaga kami nagdadala ng babae sa area na yun.
Napatingin si kuya Louie kay Eunha at napangiti naman pagbaling sakin. Gets na nya, iba si Eunha.
"Welcome to BTS VIP lounge." Proud ko pang sabi pagbukas ko ng pinto.
Napanganga pa si Eunha sa nakita nya. Parang indoor garden na may modern touch ang area na toh. Mahilig kasi sa halaman yung Mommie ni Jimin. Naisip din nila na mas masarap magcompose ng songs kapag ganito ang ambience.
Kahit may mga halaman sa paligid, sa gitna naman may comfortable sofa set. Sa gawing kanan, may mga libro, sa kaliwa naman mga pangsoundtrip.
"Wow. May ganito pala. Ang galing naman ng design nito." Sabi nya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar.
"Parents ni Jimin nagdesign nito para sa barkada namin. Madalas dito kami tumatambay." Paliwanag ko.
"So, feel at home." Sabi ko at inalalayan sya papunta sa center.
Tahimik lang kami pagpasok ni Kuya Louie para ihatid yung order namin. Mukhang gutom talaga si Eunha kasi focused talaga sya sa pagkain nya. Ako naman pinagmamasdan ko sya. Patingin tingin pag di sya nakatingin. Ang totoo, may gusto akong sabihin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Your Lie In Summer
FanfictieEunha is an average girl. Jungkook is an international playboy. He made a mistake. She told a lie. They are tying to save a relationship about to die.