Attack on Bangtan

518 47 20
                                    

SinB's POV

"Hayyyyy ubod ng yabang!" Reklamo ni Eunha sabay upo sa cafeteria ng Technology Building kung saan makikipagkita kami ni Ate Sowon.

Hindi ako umabot sa class namin dahil maaga daw sila idinismiss ni Prof. Na. Nagmamadali akong pumunta sa school nang malaman ko na nasa Arts Class na si Eunha at magkaklase pa kami! Kinabahan ako na baka magkausap sila ni Jungkook tungkol sa pambabasted ko sa kanya at malaman ni Eunha na sya ang idinahilan ko kung bakit di kami pwede ni Jungkook.

"Twin, gaano mo kakilala si Jungkook?" Tanong ko. Gusto ko kasing malaman kung may tendency ba na mag-usap sila ng personal na bagay? Sa nakikita ko naman mukhang asar sya kay Jungkook kaya ayos yon pero I had to make sure.

"Kagabi ko lang sya nakilala." Sagot nya.

Napakunot-noo ako. "Ha? Kagabi? Akala ko nagpunta ka sa tita mo dahil may emergency?"

Kagabi kasi hindi na sya bumalik nung naiwan nya yung wallet nya at nareceive ko na lang yung message na emergency daw.

"Oo. Sakto naman nakasalubong ko si Jungkook... Siguro namukhaan nya ako, sabi nya para daw mabilis ako makarating sa pupuntahan ko, ihahatid na nya ko." Sagot nya. Di ko alam kung anong meron pero parang may iniiwasan si Eunha. Di kasi sya makatingin sa mata ko.

"Pumayag ka kahit di naman kayo talaga magkakilala?" Takang tanong ko. Hindi naman kasi ugali ni Eunha makisakay na lang sa sasakyan ng taong di naman nya lubusang kilala.

"Eh,... Oo kasi.. K-kasi nga d-di na, emergency nga kasi." Nauutal na sagot nya.

"Bakit di ka makapagsalita ng diretso?" Nangingiti kong tanong.

"Eh kasi.. Kulit mo. Parang may iba kang iniisip. Teka nga bakit pala pumasok ka, akala ko ba one week ka mag-aabsent?" And it's my turn to stutter.

"K-kasi, naisip ko baka ano.. Ahm.. Baka... Baka madami ako mamiss sa lesson mahirapan ako makahabol.." Katwiran ko. Hay ang lakas na naman ng tibok ng puso ko sa kaba!

"Buti naman kung ganon para may kausap ako sa room. At least kahit nakakabwisit yung mayabang na Jungkook na yun at yung iba nating classmates, kasama naman kita." Nakangiting sabi nito.

"Hinatid ka ni Jungkook kagabi... Tapos kanina niyayabangan ka? Naku ha, Eunha baka naman type ka ni Jungkook at style nya lang yun para mapansin mo?" Pagbibiro ko kahit nagconfess sakin si Jungkook ng feelings nya. Masarap kasing asarin si Eunha kapag ganitong topic. Kahit hindi nya type yung inaasar sa kanya, nagbablush sya sa inis.

"Tumigil ka nga Twin! Baka ipaalala mo na naman na crush ko yun dati! Take note, dati! At dahil sa asta nya kanina lalong nakakaturn off! Masaya na kong nang tahimik-" at napahinto si Eunha.

Napansin ko na lagpas na sakin yung tingin nya. Nakanganga pa sya pero di na nagsasalita habang may sinusundan sya ng tingin. Lumingon ako sa likod ko para tingan kung ano ang nakita ni Eunha bigla syang natulala.

Wala namang kakaiba. May mga nagdadaan lang na students sa likod ko... But wait...

"Sino ba yung tinitingnan mo?" Pagbalik ko ng tingin kay Eunha, nakapangalumbaba na sya at parang nangangarap na nakatingin pa din sa gawing likod ko.

Your Lie In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon