"SO Tito, mapapadali ba ang pagwawalang bisa ng kasal namin ng mokong na iyon?" Nandito ako sa bahay ng Tito Cyril ko, his a lawyer as well as our ninong doon sa kasal namin. Hindi ko man alam kung totoo ba ang kasal na iyon because the last time I heard him, he said na hindi daw na file ang marriage namin. Wala kaming marriage contract dahil hindi iyon naasikaso. Pagkatapos kasi ng kasal they already talked about the merging of our companies kaya nakalimutan nila ang contract pero hindi lang naman iyon ang kinagagalit ko... may malalim pang dahilan.
"Mahihirapan tayo kapag hindi siya nakipag cooperate sa atin. At tsaka kailangan talaga nating kumbinsihhin si Paul dahil wala naman tayong ebedensiya na magpapatunay na may ginagawang kabulastugan si Paul noon" napairap na lamang ako. Sa narinig kong iyon, alam kong mahihirapan ako lalo na't magpaka demonyo ang mokong na iyon, iinisin at iinisin niya ako hanggang sa gusto niya, langhiya siya!
"Just give me five copies of annulment paper Tito dahil papipermahan ko iyan sa mokong na 'yon sa ayaw at sa gusto niya" naiinis na sabi ko pero tinawanan lang ako ni Tito at iiling- iling na binigyan ako nang envelope.
"Nandyan na ang hiningi mo. Alam mo baby Cathy? You're dad will wring my neck once he will find out that I help you. And beside, bakit ba ayaw niyong magbalikan nalang? Halata naman kasing mahal niyo pa ang isa't- isa and besides, favorite siya ng daddy mo" inirapan ko na naman si Tito at pinasok sa bag ko ang envelope niya. Naiinis na naman kasi ako na isiping pabor kay daddy na maging kami na naman ulit nang mokong na iyon. Sa totoo lang, wala naman talaga silang alam tungkol sa bagay na iyon- iyong malalim na dahilan dahil wala naman silang alam.
"Sige na Tito I better go. Kailangan ko munang hanapin ang unggoy na iyon para naman matapos na itong kahibangan niya" sabi ko kay Tito at umalis na. Habang papalakad ako papunta sa kotse ko ay hindi ko maiwasang mapapailing lalo na sa sinabi ni Tito. Matagal ko nang alam ang mga gusto ni daddy. He want Winterthun Corp. even before we engaged to that marriage. Kung hindi ba naman ako isa't kalahating tanga ay hindi iyon mangyayari.
Anyways, stop with that drama. Nagdrive nalang ako papuntang bahay namin ng mga girls. Naisipan kong dalawin sila lalo na't hiniling sa akin ni Ella na bisitahin sila lalo na't gusto nila ng girls bonding. Ngunit nang tanaw ko na ang gate nang bahay ay may isang lalaki akong nakita na nakasandal sa kotse nito. His just looking inside the gate and stood there like he was waiting for someone.I parked my car beside Quin's mazda.
Naglakad na ako palapit sa lalaking iyon upang magtanong kung sino ang hinihintay niya ngunit nang makita ko kung sino ito ay agad na namang naningkit ang mga mata ko. Bwe- buwesitin na naman ba ako nang mokong na ito?
"Hoy mokong! Anong ginagawa mo dito?" hinampas ko ang balikat niya ngunit ang mokong ay ngumisi lang. Letse talaga siya.
"Hinihintay ang asawa ko. Ayon kasi sa source ko ay dito da siya pupunta ngayong araw kaya sinundan ko siya" napairap na lamang ako at pumasok na nang bahay kaya lang napansin ko siyang sumusunod sa akin kayabago paman kami tuloyang makapasok sa bahay ay agad ko na siyang hinarang at nagbabantang tinignan.
"Malaman ko lang na pinagsasabi mo ito sa mga kaibigan ko puputulan talaga kita ng kaligayahan" naiinis na banta ko ngunit imbes matakot ay ngumisi lang ito.
"Ano ang ni ngingisi mo dyan, baliw ka ba? Nababaliw na ata talaga ang mokong na ito" tanong ko na naman habang binulong ko ang huling sinabi ko.
"Alam ko naman kasi Mokang na hindi mo iyan magagawa lalo na at kapag ginawa mo iyon wala nang magpapaligaya sayo"
"Bastos! At anong mokang? Sapak gusto mo?"
"Endearment kaya natin iyon. Diba mokong ang tawag mo sa akin kaya mokang nalang ang itatawag kosayo. Sweet kaya" Napapalatak na lamang ako sa sinabi niya at walangsabi-sabing binayagan niya. Sapo ang kanyang pagkalalaki ay iniwan ko siya doon. Bahala siya, at anong sinasabi niyang sweet? Iyon sweet? Bayagan ko kaya ulit'yon nang malaman niya ang tunay na ibig sabihin ng sweet.
BINABASA MO ANG
Sparry Night Club (Run Away Series #4)
General Fiction"Love until it hurts. Forgive until it healed. and Forget until it will last" Isa sa mga pinaniniwalaan ni Catherine na ang pag- ibig ay hindi nawawala. Na kahit anong sakit ang dulot nito ay nagagawa mo pa ding magpatawad ngunit sa gitna ng kayan...