Chapter Ten

1.2K 23 0
                                    

Everything is a dream. Iyon ang nakikita ko ngayon. Parang kahapon lang masayang-masaya kami, gaya noon. Na sa sobrang kasiyahan na nararamdaman sa aming puso ay hindi namin nakikita ang possibleng mangyari sa hinaharapan.

"P-paul?" ramdam ko ang higpit ng hawak ni Paul sa aking kamay. Hindi ko alam kung bakit kami nasa ganitong sitwasyon ngayon.

"What are you doing here Oriana?" sa tinig palang ni Paul ay alam kong galit siya.

"Oh, I just want to check if kumusta na ang ginagawa mo. Are you almost there? Kasi my lolo want us to get married as soon as possible. So ano na, divorced naba kayo?" nanigas ako sa aking narinig. Hindi ko alam kung bakit pero iyong binubuo kong pagmamahal sa puso ko ay unti-unti na namang nawawala. 

"STOP!!" Kahit pa gaano kalakas ang tinig ni Paul ay tila iyong sinasabi lang ng babae ang naririnig ko. 

"Hey, hey. Baby, look at me" Tears starts to flow at kita ko ang takot sa mga mata ni Paul. Takot? Takot ba talaga siyang mawala ako o takot siyang malaman na naman nila mommy ang ginawa niya sa akin at kamuhian ulit siya.

"Hindi totoo ang sinabi niya, please maniwala ka sa akin" binitiwan ko ang kanyang kamay at dahan-dahang lumayo sa kanya. Napapailing na tinignan ko ang dalawa. Andoon na naman ang ngiti ng tagumpay na nasa mukha ng babaeng pilit akong sinisira.

"K-kung tingin nyo, naisahan ninyo ako. Nagkakamali kayo, dahil wasakin niyo man ng paulit-ulit ang puso ko pero hindi niyo mawawasak ang pagkatao ko." Sinubukan akong hawakan ni Paul ngunit umiling ulit ako.

"Tama na Paul pagod na naman ako sa kung anong takbo ng relasyon ang gusto mo" I ran away from the two of them na kahit alam kong hinahabol ako ni Paul ay hindi ko siya nilingon. I run hanggang sa manghina ako at napaupo. 

Bakit ganoon, I just want to feel loved. Iyong pagmamahal na nakikita  ko sa mga kaibigan ko. Lahat sila masaya na kahit hindi ganoon kaganda ang takbo ng relasyon nila. Bakit sa amin - sa akin ganito?

"C-cath" napapikit ako bago ko nilingon ang tumawag sa akin. Hindi paba siya tapos?

"Maniwala ka please, pakinggan mo ako. Kahit pakinggan mo lang ako okay na ako doon. Kung ayaw mo akong patawarin dahil ilang ulit na kitang sinaktan okay lang basta pakinggan mo lang muna ako" Nakatingin ako sa kawalan. Tama bang pakinggan ko siya ngayon?

'Cath, it's better to listen to someone para isang bagsakan ang sakit. Pagkatpos no'n pwede kanang mag move on at maghanap ng pag-ibig na para sa'yo talaga'

Napangiti ako ng maalala ko iyong usapan namin ni Allanah noon. Tama, isang bagsakan lamang ang sakit. Tinanguhan ko si Paul kaya noong inalalayan niya akong tumayo ay hinayaan ko na siya. 

Naupo kami sa malapit na bench at tahimik na nakamasid sa paligid. 

"Nakilala ko si Oriana bilang isang matalik na kaibigan ng pinsan ko. Same sa nangyari sa atin, ganoon din ang simula namin. Nahuli kami ng lolo niya sa kwarto at ayon nga, pilit nila kaming ipakasal dahil may nagbunga sa nangyari sa amin." parang sinaksak ng ilang ulit ang puso ko sa narinig.

"Hindi ako sumang-ayon dahil buntis ka. Masaya ako na buntis ka pero meron ding halong pangamba. Lalo na at gagawin lahat ng pamilya ni Oriana makuha lang nila ako at maipakasal kaming dalawa. Mas lalo pa silang nasiyahan nang malaman nila na walang bisa ang kasal natin." 

"Then ano iyong pinagpustahan niyo ng mga kaibigan mo Paul?" 

"Alam nilang nandoon ka. Kailangan namin gumagawa ng paraan para hindi ka galawin ng pamilya ni Oriana. Nasasaktan ako tuwing nasasaktan ka pero desperado na akong ilayo ka sa pamilya nila Oriana ngunit mali ata ako. Nasobrahan ako sa kakaprotekta sayo, hindi ko naisip na buntis ka nga pala at bawal sa iyo ang lahat ng iyon."

"Hiyang-hiya ako Cath, ni hindi kita maharap kaya noong umalis ka. Ginawa ko ang lahat para maiwala si Oriana sa piling natin pero noong bumalik ka, bumalik ulit siya and I made that promised para hindi ka na niya guluhin. Sabi ko siya ang pakakasalan ko."

"She has mental problem Cath kaya ayaw kong masaktan ka niya ulit at hindi ko inakala na guguluhin niya ulit tayo" tahimik lamang ako sa kanyang tabi. Hindi ko alam kung naiintindihan ko ba ang paliwanag niya pero alam ko naman na mahal niya ako. 

"Salamat sa pagsabi sa akin ng lahat ng ito Paul, pero ang sakit-sakit na kasi" sabi ko at tumayo na.

"Salamat sa maliligayang araw Paul" I walked away. Umalis na naman ako at alam kong nasaktan ko siya, pero gusto ko kasing maghilom na muli ang ano mang nandito sa puso ko. Iyong handa na talaga akong mahalin siya ng buo.

At iyong handa na ako sa kung anong pagsubok ang dadating sa aming dalawa. At sana lang ay kaya niya akong hintayin. 

Sparry Night Club (Run Away Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon