Epilogue

2K 35 3
                                    

One month passed.

"Cathy?" napakurap ako at nilingon ang tumawag sa akin. I smiled when I saw my friends.

"Hi girls" I stood up and welcomed them sa bahay. Kita ko sa kanilang mga mata ang pag-alala but I just smiled at them as if everything is fine. Which is I know it won't never be fine.

Isang buwan na ang lumipas mula noong iniwan ko siya. When I walked out, dumiritso na ako sa airport para umuwi sa Manila. Umalis na naman ako at iniwan ko na naman siya. Hindi ko alam kung umuwi din ba siya nang araw na iyon. 

"Kumusta ka na?" Tinignan ko si Allanah. She's really happy with her marriage life, same with the two girls.

"I'm fine, but my heart is not. Mali ba ako sa naging desisyon ko?" Nagkatinginan silang tatlo at nagbuntong hininga. I guess, mali nga ako.

"Cathy, alam mo kasi sa pagmamahal hindi masamang makinig at magpatawad" hinawakan ni Allanah ang kamay ko at ngitian ako.

"Sabi mo, masaya ka sa kanya ngunit ng magpakita ang babaeng iyon kinalimutan mo lahat ng masasayang araw na magkasama kayong dalawa dahil pinipilit mong ibalik ang nangyari sa nakaraan" nilingon ko si Quieenee. 

"At kahit nakinig ka na sa kanya pinilit mo parin sa puso mo na kalimutan at iwan siya imbes na samahan siya at sabay niyong ayusin ang lahat" 

"At ang sa akin naman. Alam mo kasi Cathy, ako at si Greg iba ang nangyari sa aming dalawa. Masakit pero nagawa ko siyang pakinggan at patawarin. Then look at us now, we are happily married" ani naman ni Mikaella. 

Siguro din tama sila, kailangan kong magpatawad ng taong nanakit sa akin para makamit ko din ang masayang relasyon gaya ng meron sila.

"Ma pride ka lang kasi" nakangiwing sabi ng tatlo at natawa nalang kami. After talking, they shared their everything experience, kung paano sila napapasaya ng partner nila at halata ding iniingit ako. 

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay may kumatok na naman.

"Catherine?" napabuntong hininga ako at pinagbuksan ang ama ko. Hindi nila alam ang nangyari sa Cebu, ang akala lang nila ay tinapos na talaga namin ng tuluyan ni Paul ang lahat.

"May nagpadala sayo ng sulat" tinignan ko ang hawak ni Daddy at kinakabahang kinuha ko ito. 

"Anak, hindi ko alam kung anong nangyari pero sa mga kinikilos mo, mas gusto kong puntahan ang taong naging dahilan ng pasakit mo at itigil ang lahat ng tulong na ginagawa niya sa kompanya" Umiling ako kay daddy. 

"It's okay dad, wala namang kinalaman ang trabaho sa relasyon naming dalawa." I gave my dad a reassuring smile.

"Then why did he insist on merging our company? Knowing that wala na?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy. Merging? Why would he even do that?

"Nakausap mo siya dad? Bakit daw?" 

"He told me that the merging is going to continue kahit divorced na kayo" Napatingin ako sa hawak ko na envelope. D-Divorced?

Pumasok na ako sa loob at binuksan ang hawak ko.

"What is that Cathy?" Nanlumo ako sa nakita. Divorce Paper at yes, may perma niya. 

I know that you've been waiting to receive this paper. I'm sorry for the delay and hopefully you will send it to your attorney for further process. The company is out of this matter. Be happy Catherine. 

                                                                - Love, Paul

"C-cathy anong gagawin mo?" tinignan ko si Allanah. Ano nga ba ang gagawin ko?\

Sparry Night Club (Run Away Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon