Chapter Five

2.4K 52 3
                                    

Present


"C-cathy" hindi ko nilingon si Paul kahit na ramdam ko ang pagkaseryoso ng boses niya na tila gusto akong kausapin ng masinsinan. May pagmamakaawa din sa boses nito. Sa totoo lang, dahil sa ginawa niya kanina ay hindi ko na alam kung kaya ko pa bang manatili sa gusto niya. I just felt the loss again, masakit iyon sa akin bilang ina lalo na't nawala ito dahil sa taong minahal ko ng sobra.


"Paul, if were going to argue again, at papaganahin mo na naman 'yang pagiging isip bata mo then please, just stay away from me. I dont need an immature people I need a decent one" tinalikudad ko siya at pumunta sa kusina. Nandito parin naman kasi kami sa bahay na ito, and I dont know kung may plano ba siyang iuwi ako sa bahay ko. 


"Okay fine, no more games Cath just listen to me please?" napabuntong hininga ako at tinitigan siya. Kung aayaw ako, alam kong gagawa siya ng paraan para makausap ako at ipagpipilitan niyang maging kami. Kung ngayon naman ay haharapin ko siya hindi na ako mahihirapang kumbinsihin siya na permahan ang dapat niyang permahan.


"Okay fine, we can talk and I want a serious talk" sabi ko at lumabas ng bahay. Sa likod kasi ng bahay kung saan sa kusina ka dadaan ay nandoon ang pool tapos sa gilid ay may mesa doon malapit sa garden. Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar. Once this house becomes my dream house. Yes, they choose this house but when I look at it the first time, I just fell. Ang ganda naman kasi, tapos tahimik, you can even feel peace once your here but that was before dahil ang nararamdaman ko na lamang ngayon ay ang puot at pighati ng nakaraan. 


If that past didn't happen. Kung hindi ako nagpakatanga marahil ay maririnig ko ang mga tawa ng anak ko dito, mga tawa dahil sa saya. Kasama ako at kayakap ko naman siya habang tinuruan ko siyang mag swimming, o di kaya ay maglalaro kami sa mini play ground na nasa sulok ng bakuran. But then, sad to say I couldn't have those chance dahil alam kong huli na ang lahat.


"Cath I'm sorry" nakatitig lamang ako sa kanya. Magkaharap kaming dalawa at tanging ang mesa lamang na ito ang nagbibigay sa amin ng pagitan. Tinitigan ko ang kanyang mga mata na puno ng sinseridad ngunit hindi ko makapa sa puso kong paniwalaan ito dahil sa mga ala-alang nais niyang balikan ko.


"Alam mong masasaktan ako kapag binalik ko ang nakaraan, bakit Paul? Bakit kailangan mong ipaalala sa akin ang masasakit na mga sandaling iyon?" napayuko ito na tila tinatansya kung tama pa ba ang kanyang sasabihin. Kaya kong makinig pero hindi ko kayang intindihin ang anumang paliwanag niya sa ngayon. I am a close minded person especially when I am in pain. Pero kapag okay na ako, alam kong maiintindihan ko na ang sasabihin niya,


"I know. Alam kong labis kitang nasaktan pero Cath, ginawa ko ito para makapag simula tayo. I want us back Cath, gusto kong makasama ka ulit, mayakap ka ulit, mahalikan at maiharap sa simbahan. That's my dream Cath, kaya ko ito ginagawa" napatawa ako. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ang lakas lang kasi ng loob niyang sabihin sa akin ang lahat ng iyon.


"You want me back in your arms without considering our past? Ha! nababaliw ka na ba? You're ten years late Paul. Ten years" napalunok ako, may kung anong bumikig sa damdamin ko ng makita ko ang luhang pumatak sa kanyang mga mata. Gusto kong maawa pero hindi, ayaw kong paniwalaan ang mga luhang iyon dahil alam ko na sa likod ng mga ito ay ang kasinungalingan lamang.


"I know that Cath, alam kong huli na pero may namumuong pag- asa parin sa puso ko. Hindi ko hinintay na bumalik ka Cath but when I saw you having nothing. Wala kapang asawa, ni anak wala naisip kong tayo ang nakatadhana. Mali lang ang sinimulan natin kaya alam kong ito na ang tamang panahon" Napailing ako sa sinabi niya. His dreams went too far. 

Sparry Night Club (Run Away Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon