Nakatitig lamang ako kay Paul habang naglalakad ito palayo. Ang sakit pala. Na makita siyang naglalakad palayo sayo ng hindi ka man lang hinintay.
I thought our past makes it hard for us to be together but I am wrong. Dahil ako mismo iyong gumagawa ng way para masaktan kaming dalawa.
"Paul, just please listen" buti na lamang ay tumigil siya sa paglalakad but sad to say, hindi niya parin ako nilingon. Ngumiti ako at nilapitan siya. Ayaw niya mang lumingon pero nakapag desisyon na ako.
I hugged him from the back and whisper this lines in the lyrics of 'the past'.
"I must forgive you, you must forgive me too, if we wanna try to put things back
The way they used to be, 'Cause there's no sense in going over and over, the same things as before-" hindi ko na ito nadugtungan dahil humarap siya sa akin na nakangiti at dinugtungan ang sinabi ko."So let's not bring the past back anymore" napangiti ako. I just hope na kaya ko na. Na kaya ko nang mag take ng risk.
"Let's make it real? Wala ng bawian?" Tumango ako at hinawakan ang kamay niya.
"Yes, wala ng bawian. Wala ng one month, wala na ang lahat ng nakaraan natin" I know na baka nabibigla lang ako pero naalala ko iyong sinabi ng babae sa akin doon sa Paris, she was too broken that noght that she can't stop herself from crying then I heard na nagsisi siya dahil naging duwag siya. It happen pala na may nanligaw sa kanya, napamahal na siya but she's scared to take the risk. Kaya inayawan niya until he stopped and he left her. I ask her why, I ask her kung bakit natatakot siya at sa pagkaalala ko ang sabi niya sa akin.
'We used plates- broken plates as a symbol of trust while me? I used this broken plate as a symbol of my heart. Sa unang beses na nawasak iyon mabubuo mo pa siya diba? Maipagtagpi- tagpi mo pa siya kahit na may mga scar na ito pero kapag tatlong beses na dinurog, tinapon ang platong iyon tingin mo mabubuo mo pa? Tingin mo makukumpleto mo pa? I am afraid to take a risk knowing that I'm not complete anymore, may kulang na kasi sa akin'
Alam kong ayaw ko iyong mangyari sa akin kaya susugal ako, susugal ako kahit na ang kapalit ay ang pagdurog muli ng puso ko.
WOW ANG GANDA, iyon agad ang reaksyon ko pagdating namin sa lugar na iyon. The resort is so clean and refreshing, its a good way to start a new beginning for the both of us. Imbes na gusto niya pang mag punta kami sa ibang resort sinabi kong diritso nalang kami dito. At imbes sa Hidden paradise ang punta namin, iniba nalang din niya para sa dagat ang punta namin.
"I like it here babe, thank you for bringing me here" sabi ko pa. He smiled and hug me from the back.
"Gusto ko mang manatili tayo sa ganitong posisyon, alam kong pagod ka din. Maybe tomorrow we can stroll around the resort. Total, matagal pa naman tayo dito so let's explore the place tomorrow and as of tonight. Let's explore each other" Inirapan ko ito at bahagyang kinurot. He's being naughty now.
"Tumigil ka nga Paul. Let's just sleep... Plainly sleep" sabi ko sa kanya at agad napumasok sa cabin na pinili niya. It's better if wala na munang mangyayari sa amin, kakaayos lang naming dalawa eh.
"Fine babe, alam ko ding pagod ka. Take a shower first, may kakausapin lang ako" aniya kaya tumango ako. Kinuha niya iyong laptop sa bag niya at puwesto sa terrace. Mukhang may aasikasuhin sa negosyo.
Kumuha ako ng mga damit at pumasok na sa cr. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Parang ang bilis kasi ng mga pangyayari but if its mean to make me happy again bahala na. Its not then end of the world pa naman kaya keri lang.
Habang naliligo, naalala ko lahat- hindi ang pain kundi ang mga masasayang ala-ala naming dalawa. The first time na nagkita kami sa club hanggang sa naging kami, until we end up marrying each other. Walang palyang ala-ala all of it pero hindi iyong masalimuot.
BINABASA MO ANG
Sparry Night Club (Run Away Series #4)
General Fiction"Love until it hurts. Forgive until it healed. and Forget until it will last" Isa sa mga pinaniniwalaan ni Catherine na ang pag- ibig ay hindi nawawala. Na kahit anong sakit ang dulot nito ay nagagawa mo pa ding magpatawad ngunit sa gitna ng kayan...