Chapter One: The Playboy

838 24 9
                                    


Limario's POV

Hay! Nakakatamad na araw nanaman! Kailangang bumangon mula sa pag kakahiga, maligo, mag papogi at pumasok sa Mcdonie University. Pag mamay ari lang naman ng pamilya ng ex kong si Nancy. Nakakainis mang isipin pero wala tayong magagawa kasi doon ako pinasok ng paborito kong lolo. Bakit? E kasi sanggang dikit sila nyang kumpare nyang si Mcdodo also known as Mr. Rudolf Mcdonie.

Hindi ako ang gumawa ng nickname nya ah, yung mga bashers nya lang naman ang nakaisip ng brilliant idea na yan. Yung mga estudyanteng pinakialaman nya ang mga buhay. Napaka perfectionist kasi ng matandang yon e, lahat nalang halos ng gawin ng estudyante pinupuna, dami tuloy nyang haters at isa na ako doon. Halos buwan buwan akong sinasampolan nyan ni Mcdodo, nalaman nya kasing ex ko ang apo nya at simula noon ako na ang walking dart board nya.



"You're late again Mr. Manoban. Pang ilang beses na ba kitang nahuhuling late lagi pumapasok sa klase mo? Hindi porket matalik kong kaibigan ang lolo mo ay pwede ka ng mag asal prinsipe sa eskwelahan ko." Masungit na sita sakin ng walang iba kundi tong matandang hukluban na to.


"At hindi porket ex ka ng pinaka mamahal kong apo ay pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo, nag aaral ka pa lang at wala ka pang napapatunayan kaya pag butihan mo kung hindi ay buong buhay kang mananatili dito." Patuloy lang sya sa pag sesermon habang ako nakatitig lang sa pader. Nasa hallway kami, partida kaming dalawa na lang ang nandito, lahat nasa klase na.



"Ano nga ulit ang kinukuha mong kurso? Architecture? Hindi ba't pang matatalino lang ang ganung kurso? Akalain mo napasama ka sa mga matatalinong estudyante. Tsaka kasali ka din sa Writers Club, anong papel mo don, taga tapon ng mga scratch papers ng mga journalist don?"


Hindi lang sya perfectionist, isa rin syang mapanglait na hinayupak. Paano ba naging kaibigan to ni lolo? Ang bait bait ng lolo ko tapos tong kaibigan nya naman may mga mahahabang sungay.

Ganyan lagi ang eksena sa tuwing nahuhuli nyan akong late o kaya may kalokohang ginagawa, kung makapag sermon akala mo sya ang lolo ko e. Alam kong masasakit ang salitang binitawan nya pero wala akong pakialam. Nasanay na akong makarinig ng ganyan sakanya. Hindi na bago sakin yan.


"Sampong minuto ka ng late! Bilisan mo at pumasok kana sa klase mo kundi ipapatawag ko ulit ang lolo mo!" Inis na sabi nya ng makita kung anong oras na. Dali dali naman akong tumakbo palayo sakanya, sa wakas at makakahinga na din ng maluwag. Kahit kailan talaga yung Mcdodo na yun panira ng magandang mood.

Hindi naman ako malelate kung hindi nya ako hinarang sa hallway e! May dalawang minuto pa ko kanina para makapasok ng saktong 8 am sa room namin, kaya lang ang napakagaling na tanders na yon, pahamak!


"You're late again Mr. Manoban." Sita sakin ni Mr. Kim Hanbin, ang prof namin sa Literature dito sa MU. Hindi sya strict, actually sobrang cool nya nga e. Sana lahat ng prof dito kagaya nya pero kamalasan ko nga naman ay sya lang ang nag iisang mabait dito.


"Kasalanan ni Mcdodo." Inis na sabi ko at naupo sa upuan ko. Narinig ko naman ang mahina nyang pag tawa. Alam ng mga prof kung gaano kadaming bashers ni Director Mcdodo pero never sila nag sabi sakanya kasi isa din sila sa bwiset na bwiset sa pag sesermon sakanila ng hukluban na yon. Walang pinapalampas kahit nga yung Dean sinermonan nung nakaraang araw dahil lang nag suot sya ng checkered longsleeves imbis na white polo. Ang gusto kasi ng matanda na yon ay laging plain white polo ang suot ng mga admin staffs at buong faculty tuwing monday dahil may flag ceremony, napakaarte di ba?


The Prince has a Tutor (Jenlisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon