Jennie's POV"Jendeuk! Tara, sabay na tayo pumasok." Masiglang bati sakin ni Jisoo unnie. Nag lalakad kasi ako mula sa bahay ni Uncle hanggang MU, hindi naman gaanong kalayuan kayang kaya kong lumakad ng dalawampung minuto. Pero ngayon mukhang hindi nanaman ako mag lalakad dahil sa babaeng to.
"Uy! Pasok na dali. Alam kong ayaw mong malate." Nakangiting sabi ni Jisoo unnie na nakadungaw sa kanyang yellow Ford Mustang o kung tawagin nya ay bumblebee. Hindi na ako nag inarte pa at sumakay na sa kotse nya. Madalas nya naman akong sinasabay pag papasok, sabi nya malapit lang daw dito ang tinitirahan nya pero never nya sinabi sakin kung saan. Sikretong malupet daw baka sabihin ko sa mga stalker nya.
"Nakagawa ka ng reviewer?" Tanong nya habang nag dadrive.
"Oo naman. Kailangan nating mag review mamaya, ayokong bumagsak sa first prelim natin." Ngumiti lang sya at hindi na sumagot. Tahimik lang si Jisoo pero napaka ganda nya, sikat sya sa department namin na kahit hindi sya madaldal ay kilalang kilala sya sa ibang department sa tawag na 'heart shaped lip woman' at yun ang pinaka ayaw nya. Minsan weirdo tong babaeng to kaya minsan hindi ko sya maintindihan.
Pag dating namin sa MU, nakasalubong namin si Kai.
"Hi Jen, Jisoo."
"Hi Kai."
"Pwede bang mahiram ko muna ang Vice President ko? May importante lang kaming pag uusapan." Nakangiting sabi ni Kai saka na sila nag paalam sakin at nauna na akong nag lakad papunta sa room ko. Papasok na sana ako ng may nakita akong pinapagalitan nanaman ni Mcdodo sa hallway.
"Ano nga ulit ang kinukuha mong kurso? Architecture? Hindi ba't pang matatalino lang ang ganung kurso? Akalain mo napasama ka sa mga matatalinong estudyante. Tsaka kasali ka din sa Writers Club, anong papel mo don, taga tapon ng mga scratch papers ng mga journalist don?"
Ang sakit naman ng sinasabi neto. Kahit kailan talaga napaka harsh ng taong to. Lahat ng mga estudyanteng hindi kasama sa scholars nya o sa mga SC ng mga department lagi nyang ginaganyan. Naawa na ako sa mga nalalait nya, kahit nga yung isang kaibigan namin ni Jisoo unnie umiyak at nag drop out sa school na to dahil hindi na kinaya ang mga pinag sasabi nya.
Napansin ko naman ang lalaking pinapagalitan nya. Wow! Bilib naman ako sakanya, wala syang pakialam sa pinag sasabi ni Mcdodo. Nakatitig lang sya sa kawalan at parang sanay na sanay na sya sa taong kaharap nya.
Ang gwapo naman ng estudyanteng to. Yung mga mata nyang bilugan, yung pointed nose nya at yung kissable lips nya. Hmm pero mukhang bata pa sya. Sayang naman!
Aish! Ano bang pinag sasabi mo Jennie Kim? Hindi ko maisip na mag kakacrush ka sa mas bata sayo. Bahala na nga, papasok na ako sa klase ko kasi late na din ako.
Ano kayang pangalan ng lalaking yon? Freshman pa lang kaya sya? May girlfriend na kaya sya?
Waaah! Jennie enough na nga.
Pumasok ako sa klase, at inuna ang pag aaral kesa sa pag iisip ng kung ano ano.
"Jennie!" Tawag sakin ni Irene unnie na nakaupo sa upuan nya. Agad ko syang nilapitan at naupo sa tabi nya.
"Nasan si Jisoo?" Tanong nya. Mag kakasama kasi kami sa first subject pero sa second to the last si Irene unnie na lang ang kasama ko.
BINABASA MO ANG
The Prince has a Tutor (Jenlisa)
FanfictionAng simpleng buhay ni Limario Manoban bilang isang pasaway na estudyante ay biglang mag babago nang makilala nya ang kanyang tutor, gaganahan na nga ba syang mag aral o mas gugustuhin pa ding mabuhay na pasaway? Matututo kaya syang maging masipag at...