Limario's POVNakangiti akong pumasok sa room namin. Kung kahapon ay sobrang panget ng mood ko, ngayon ay kabaliktaran. High na high pa din ako sa nangyare kagabe, kilala ko na ang kuting at halos hindi ako nakatulog habang iniisip sya.
"Parang kahapon lang pinag sakluban ng langit at lupa to ah?" Bungad sakin ni Mark pag upo ko sa upuan ko.
"Anong magandang nangyare at ganyan ka?" Taas babang kilay na tanong ni Bobby na nasa kanan ko.
"Naka score ka siguro ulit kay Dahyun no?" Pang aasar ni Mark. Tong dalawang to sarap batukan e.
"Tigilan nyo ko baka mag dilim ulit paningin ko at sainyo ko ibunton." Maganda ang umaga ko ngayon tapos tong dalawang to bubungad sakin. Tss!
"Gusto lang naman namin malaman bakit abot tenga ngiti mo ngayon e."
"Wag nyo na munang alamin." Nakangising sagot ko. Ayoko muna ipag sabi yung nangyare kagabe, kahit gustong gusto kong ikwento sakanila ang nangyare ay pinigilan ko ang sarili ko. Tama ng ako lang muna ang nakakakilala kay kuting. Sobrang ganda nya e baka mamaya agawan pa ko ng dalawang to.
"Baka nga naka score to kagabe at ayaw mag sabe." Muntik ko ng batukan si Bobby sa pag iisip ng ganon kaya lang nag salita si Mark.
"So, kamusta maging COTD si Dahyun?" Tanong nya.
"Hindi ko COTD si Dahyun, okay." Hindi sa ayaw ko, maganda sya at type ko yung mga kagaya nya pero masyadong mabait si Dahyun at kaibigan namin sya. Ayokong masira yung pagkakaibigan namin, dahil pag once na maging COTD ko hindi na babalik yun sa pagiging mag kaibigan namin.
"Bakit hindi? Ang lakas ng tama sayo ng babaeng yon ah?"
"Kasi may kuting sya." Natatawang sagot ni Bobby sa tanong ni Mark. Speaking of kuting, paano ko ba sasabihin sakanila na may gagawin ako mamaya?
"Papasok ka kay Ms. Beautiful?"
"Hindi."
"Akala ko ba bagsak kana don, bakit hindi ka bumawi ngayon?" Tanong ni Mark saka nag labas ng phone nya.
"May gagawin ako mamaya. Mas importante to kesa dyan. Saka may pipick up-in akong package sa faculty, may nag padala daw sabi ni Sir Hanbin." Paliwanag ko. Hindi ako nag sinungaling, totoong nag message si Sir sakin kanina bago ako pumasok. May nag padala daw ng package para sakin, pero walang nakalagay kung kanino galing. Kukunin ko nalang mamaya baka importanteng bagay ang nilalaman non.
Tumango lang sila saktong pag dating ni Sir Hanbin at nag simula na ang klase namin. Nakinig lang ako hanggang sa sumunod pang klase namin kay Ms. Nayeon kaya lang nung kay Dara na ay lumabas na ako. Hindi ko pa rin kayang pumasok sakanya, siguro mga dalawang beses sa isang linggo pwede na sa ngayon. Bukas na lang ako papasok, hindi naman siguro importante ang pag aaralan nila ngayon.
"Jennie." Bati ko kay kuting na nagulat sa biglang pag sulpot ko.
'Cute.'
Natagpuan ko sya sa isa sa mga benches sa labas ng building namin. Nakaupo habang nag babasa ng libro. Napaka sipag naman ng babaeng to.
"Anong ginagawa mo dito?" Taas kilay na tanong nya.
"Dito ako nag aaral." Sagot ko at naupo sa tabi nya pero nag iwan naman ako ng distansya sa pagitan namin.
"Ang ibig kong sabihin bakit mo ko kinakausap?"
"Wala lang." Sagot ko. Aish! Paano ko ba sisimulang sabihin?
BINABASA MO ANG
The Prince has a Tutor (Jenlisa)
FanfictionAng simpleng buhay ni Limario Manoban bilang isang pasaway na estudyante ay biglang mag babago nang makilala nya ang kanyang tutor, gaganahan na nga ba syang mag aral o mas gugustuhin pa ding mabuhay na pasaway? Matututo kaya syang maging masipag at...