"Ilabas mo dito ang anak natin." Wika ni Empress Luisa sa kanyang kabiyak habang inaabot sakanya ang limang taong gulang na batang lalaki na mahimbing na natutulog sa kanyang bisig."Hindi kita iiwan dito asawa ko." Pag tutol ni Emperor Mario.
"Ilabas mo ang anak natin ng ligtas, susunod ako kapag nasigurado ko ng nakalabas ang Inang reyna." Paninigurado nya at wala ng nagawa ang Emperor kundi sundin ang kanyang Empress. Kinarga nya ang kanilang anak at tumakbo na palabas ng palasyo na nag liliwanag dahil sa pag lamon ng malalaking apoy.
"Mahan na reyna! Mahal na reyna!" Malakas na loob na sinulong ni Empress Luisa ang kalooblooban ng palasyo na hindi iniinda ang init at usok sa loob. Ang tanging nasa isip nya ay ang kaligtasan ng kanyang buong pamilya, ang pamilya ng kanyang asawa.
"Luisa?! Anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwala ang hari sa kanyang nakikita.
"Mahal na hari, si ina? Nasaan si ina?" Tanong ng asawa ng kanyang anak habang nakatakip ang ilong gamit ang mga telang basa na nilublob nya kanina sa baso sa loob ng kanilang kwarto.
"Nasa loob ang iyong ina. Ililigtas ko ang aking asawa." Sagot ni Haring Lui na hirap na din sa pag hinga.
"Mahal na Hari, ako na ho ang mag liligtas sa ina. Lumabas na po kayo sa lalong madaling panahon. Masyado na pong mausok, hindi nyo na po kakayanin. Ako na pong bahala." Mula sa puso na pag boboluntaryo ng Empress. Labag man sa loob ng hari ay wala syang magawa, matanda na sya at matanda na rin ang kanyang asawa, kung sakali man ay wala din syang maitutulong para isalba ang asawa sa loob ng kanyang silid pahingahan.
"Mag iingat ka anak. Ipangako mo saakin na lalabas kayong dalawa ng mahal na reyna ng ligtas." Tumango si Empress Luisa at ngumiti upang makampante ang hari kahit na walang kasiguraduhan syang makalalabas ng buhay sa loob ng palasyong unti unting tinutupok ng apoy.
Agad na tumakbo sa mag kabilang direksyon ang dalawa. Madali mang nakalabas ang hari dahil sa hindi pa lubos na nauubos ng apoy ang daan palabas ng kaharian ngunit ang Empress ay hindi na nagawang makalabas dahil sa pag bagsak ng ilang mga nag liliyab na mga kahoy sa harapan at likuran nya, napaluhod nalang sya habang umuubo dahil sa dami ng usok na nalanghap nya.
"Mahal na hari!" Bungad ni Emperor Mario sa ama.
"Mabuti naman at buhay ka, akala ko ay sasaluhin ko lahat ng problema na ito ng mag isa." Iritang panimula ng mahal na reyna.
"Na-nandito ka? A-akala ko ay nasa loob ka ng silid pahingahan?" Hindi makapaniwalang tanong ng hari sa kanyang asawa. Iniisip nya kung paano nakalabas ang reyna dahil ang huli nyang kita dito ay tumatakbo papasok sa loob ng kanyang silid bago nya makasalubong ang Empress.
"Lumabas ako agad at tumakbo sa malapit na tagong labasan. Hindi kita napansin kaya hindi na kita tinawag."
"Kung ganoon, nasaan ang Empress ko?" Malungkot na tanong ng kanilang anak na buhat ang kanilang apo na natutulog sa mga bisig ng kanyang ama.
"Wala na po ang Empress. Paumanhin." Isang matipuno at matikas na lalaking naka black suit ang lumapit sakanila.
"Hindi! Hindi totoo ang sinasabi mo, Chief Guard!" Hindi na nakapag pigil ang Emperor at tinulak ang lalaki.
"Sabihin mong nailigtas mo ang asawa ko! Sabihin mo!" Malakas na sigaw ang pinakawalan nya dahilan ng pag galaw ng batang nahihimbing ngunit ngayon ay nakadilat na at sa kanyang pag tataka kung bakit galit na galit ang ama nya sa kanilang punong bantay, ang inang reyna at amang hari ay malungkot na nakatitig lang sa kawalan at ang pag lamon ng malalaking apoy sa kanilang malaking palasyo. Umiyak ang bata na nakapag patigil sa ama nyang ibuhos ang lahat ng galit sa kawawang gwardya.
"Mario, dalhin mo na muna sa ating mansyon ang anak mo upang masigurado nating ligtas ang nag iisang prinsipe." Utos ng Mahal na hari sa kanyang anak. Hindi naman nag dalawang isip ang Emperor at muling kinarga ang kanyang anak at nag tungo na sa kanilang paroroonan.
"Mabuti pa ay sumunod kana sa anak natin. Ako na muna ang bahalang mag paliwanag sa mga pulis ng pangyayare." Utos ng mahal na reyna sa kanyang kabiyak.
"Pero paano ikaw? Hindi pa ligtas na manatili sa lugar na ito ngayon. Paano kung may nag tangka talagang sumunog sa ating kaharian, sigurado ay may balak syang masama sa buong Manoban." Pag aalala ni King Lui.
"Wag kang mag alala, nandito naman si Luigi at ang iba pang bantay. Makakasigurado kang hindi ako pababayaan ng Chief Guard ng ating palasyo." Paninigurado ng mahal na reyna. Yumuko at nag bigay galang ang punong bantay na si Luigi sa kataas taasang hari at reyna.
"Pumunta kana sa sasakyan at baka mahirapan pa kayong bumyahe papuntang pilipinas kung mag tatagal kapa."
"Kung sakali man na may mangyareng hindi maganda o kahina hinala ay tawagan mo kaagad ako." Labag man sa loob ng hari ang kanyang gagawin ay kailangan nya ding masiguradong ligtas ang kanyang apo. Hindi ito ang unang beses na pag tangkaan ang buhay ng pamilya nila at ang pinaka mahalagang buhay sa mga Manoban ay ang mag mamana ng lahat sa hinaharap. Ang kanyang apo, si Prince Limario Manoban.
BINABASA MO ANG
The Prince has a Tutor (Jenlisa)
FanfictionAng simpleng buhay ni Limario Manoban bilang isang pasaway na estudyante ay biglang mag babago nang makilala nya ang kanyang tutor, gaganahan na nga ba syang mag aral o mas gugustuhin pa ding mabuhay na pasaway? Matututo kaya syang maging masipag at...