Chapter Eleven: First Session

604 29 16
                                    


Jennie's POV

Pag tapos namin kumain ay inaya muna nila ako sa likod ng mansyon nila. May malawak na garden doon at may swimming pool naman sa kabilang gilid.

Napakalaki ng lugar na ito! Nalulula ako sa lawak ng lugar. May mga tao talagang pinag pala ng sobra. Sana ay pwede iyong ibahagi sa lahat ng hindi pinalad sa buhay.

Nakipag kwentuhan sakin si King--Lolo Lui. Totoong mabait sya at kwela din ang gwapong matanda. Nakakatuwa syang kausap.

Si Limario? Nag paalam na mag papalit daw ng damit. Hindi daw sya kumportable sa suot nya. Pag balik nya ay naka pink hoodie sya, gusto kong matawa pero nangibabaw ang ka cute-an nya sa suot nya. Para syang batang lalaki na iniwan ng magulang sa palasyo.

Paminsan nya din akong kinakausap, pero inutusan sya ng lolo nya na kumuha ng maiinom. Nag reklamo pa syang yung mga maid na ang pakuhain pero sa huli ay sya nalang din ang kumuha.

"Iha, sa tingin ko ay gusto ka ng apo ko." Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko sa narinig ko.

"Ho?"

"Iba yung mga tingin nya sayo, Jennie. At ngayon ko lang iyon nakita sa apo ko. Kaya nag papasalamat ako kay kumpare at ikaw ang pinili nyang maging tutor ni Lim."

"Ah e--" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil nakangiti sya sakin na parang ako ang sagot sa matagal nya ng problema.

"Kung okay lang sayo, may hihingin akong pabor?"

"Ano ho iyon?" Tanong ko at umayos ng pag kakaupo. Hinigpitan ko din ang kapit ko sa mag kabilang gilid ng upuan.


"Hindi ba't bukas na ang pag sisimula ng session nyo? Pwede bang wag kang mag papadala sa pang uuto ng bata na iyan kapag tinatamad na syang mag aral? Madalas kasing pinapairal nya ang katamaran pero matalino yang apo ko. Kapag once na mag simula sya ng topic na hindi naman related sa pag aaral nya, pagalitan mo. Wag ka mag alala, hindi nyan ginagamit ang pagiging prinsipe nyan para itaas ang sarili nya."


At yun nga ang ginawa ko. Sa tuwing mag tatanong sakin ng mga bagay na wala namang kinalaman sa pinag aaralan namin ay nag susungit ako sakanya. Pero itong huli ang hindi ko kinaya.

"Jennie, pumayag kana kasing maging COTD ko." Pag pipilit nya habang hawak yung ballpen at yung papel na may nakasulat na quiz.

"Anong COTD ba yan?" Sa curious ko ay nag tanong ako.

"Chic of the day." Nagulat ako sa sagot nya. Mga lalaki talaga, ganyan lang ang tingin sa mga kababaihan. Hanggang pang isang araw lang.

"Hindi ako ganong klase ng babae, Limario. Sagutan mo na yan ng matapos na." Madiin kong sagot at lumipat sa sofa. Nasa sala kami ng mansyon nila ngayon at si Lolo Lui naman ay bumisita sa kanyang kumpare na si Director Mcdonie.

"Kahit COTM, isang buwan, Jennie. Gusto ko lang makilala kita o maging friends tayo."

"Friends lang pala e, ba't kailangan ihilera mo ko sa mga babae mo? Hay na ko. Tigilan mo ko Limario. Sagutan mo na yan at nang matapos na." Kinuha ko yung notebook nya at nabigla akong napakalinis neto.

"Hindi ako nag susulat ng notes. Dito mo tignan yung mga lesson namin." Inabot nya sakin yung phone nya na ikinataka ko.


"May group chat kami, dyan nila sinesend yung mga picture ng lesson namin araw araw." Mag sasalita pa sana ako ng kunin nya ang kamay ko at pinatong yung phone nya bago sya nag simulang mag sagot.

Nakaupo sya sa sahig habang nakapatong sa coffee table nila yung sinasagutan nya.

Inabot ko ulit yung phone nya na ikinatingin nya sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Prince has a Tutor (Jenlisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon