Limario's POVNag antay ako buong mag hapon at gabi pero walang dumating na tutor ko, nag ayos pa naman din ako. Sinuot ko yung paborito kong hoodie, ang gwapo ko kasi masyado sa pink hoodie na yon.
"Apo, mag palit kana. Magagalit nanaman ang mahal na reyna kapag naabutan ka nyang naka pajama pa." Bungad sakin ni lolo ng makita nya akong nakaupo sa dining area at nakatulala. Wala akong maayos na tulog kagabe kasi excited akong mameet ang tutor ko, siguro ay dalawang oras lang ako nakatulog ng ginising ako ni lolo para sabihin na darating sina lola at papa. Gusto nilang suotin ko yung suit jacket ko na pang prinsipe. Gwapo naman sana akong tignan don kaso hindi ko yun sinusuot kasi wala naman kami sa palasyo. Pinatahi yun ni lola last year para daw magamit ko sa mga oras na kailangan, tulad ngayon. Pero hindi ko alam kung anong ganap ngayon at bakit kailangan kong suotin yun.
Pag tapos kong mag bihis at suotin yung suit jacket ay bumaba na ako. Dumiretso ako sa dining area kagaya ng iniutos sakin. Naabutan ko si lolo na nakaupo sa gitna at naupo ako sa gilid nya.
"Lo, ano bang meron?" Tanong ko habang unti unting napupuno yung lamesa ng mga pagkain. Isa isa kasing lumalapit yung mga maids para mag lagay ng mga bagong lutong pagkain.
"Malalaman mo din apo." Nakangiting sagot ng lolo ko. Sa tingin ko ay isa sya sa may pakana neto. Maya maya ay dumating na si papa at naupo kaharap ko.
"Nasan na ang reyna?" Tanong ni lolo.
"Pababa na pa." Tumayo naman si lolo at lumapit saakin. Nagets ko naman ang gusto nya at tumayo na ako para lumipat sa katabing upuan. Naupo na sya sa pwesto ko kanina.
"Baka maabutan pa kong nakaupo sa trono nya." Natatawang sabi ni lolo na ikinatawa ko din. Kapag nandyan si lola ay sakanya ang gitnang upuan, minsan lang si lolo kapag wala ang mahal na reyna. Maya maya ay nakita na namin si lola na pababa ng hagdan, inaalalayan sya ni Chief Guard.
Pag dating nila sa dining area ay naupo na si lola sa gitna habang nakatayo naman si chief guard sa likurang gilid nya.
"Magandang umaga King Lui at Prince Limario." Bati samin ni Mr. Luigi saka sya nag bow.
"Kamusta Luigi? Akala ko hindi ka isasama ng mahal na reyna?" Tanong ni lolo.
"Kailangan kong ipakita na hindi basta basta ang pamilya natin. Gusto ko ring masigurado na maging pamilyar si Luigi sa kanya para kung sakali na may gawin syang hindi maganda ay madali nalang para kay Luigi na hanapin sya." Sagot ng mahal na reyna.
Ano bang pinag uusapan nila? May darating ba? May bisita ba kami? Ngayon nalang kami ulit nag sama sama sa isang hapagkainan na ganito kagarbo. Pakiramdam ko ay biglang naging palasyo tong mansyon.
"Tawagin na ang bisita." Utos ni papa sa maid na nasa gilid at nakita ko ang iba pang nakahelera doon.
"Lo, pwede bang wag nyo ng patayuin dyan yung mga maid? Nakakailang kasi." Bulong ko kay lolo. Alam nyang hindi ako kumportable na kumain ng may mga maid na nakatayo sa mga gilid namin at hindi rin ako kumportable na sinusuot ko tong suit jacket, mas gusto ko pa maging simpleng binata.
"Bumalik na kayo sa mga gawain nyo. Tatawagin nalang namin kayo kapag may kailangan kami." Utos ni lolo at agad namang sumunod yung mga maids. Tututol pa sana si lola kaya lang ay dumating na ang bisita namin na ikinagulat ko.
"Ikaw?" Napatayo ako kaya napatingin sya sakin. Nanlaki din ang mata nya at alam kong gulat na gulat sya sa nakikita nya ngayon.
"Limario, maupo ka." Utos ni papa.
BINABASA MO ANG
The Prince has a Tutor (Jenlisa)
Fiksi PenggemarAng simpleng buhay ni Limario Manoban bilang isang pasaway na estudyante ay biglang mag babago nang makilala nya ang kanyang tutor, gaganahan na nga ba syang mag aral o mas gugustuhin pa ding mabuhay na pasaway? Matututo kaya syang maging masipag at...