Lui's POV"Mario?" Tawag ko sa anak ko pag pasok ko sa loob ng office room nya dito sa mansyon.
"Ano yun Pa?" Tanong nya habang tuloy sa pag babasa ng dyaryo. Nakaupo sya sa swivel chair nya kaya naupo ako sa kaharap na upuan.
"Nag punta ako sa University kanina dahil pinatawag ako ni Pareng Rudolf." Panimula ko.
"Oh?"
"Si Limario." Ng marinig nya ang pangalan ng apo ko ay nilingon nya ako.
"Ano nanamang ginawang kapalpakan ng batang yon?!" Nakukunsumeng sabi nya. Alam kong problemadong problemado itong anak ko sa apo kong si Limario dahil sa likas na kapasawayan. Ang sabi ng mahal kong asawa, nag mana daw saakin ang apo ko. Parehong pareho daw kaming pasaway, makulit at sakit sa ulo.
Naalala ko nung high school pa lang ang apo ko, tumakas sya sa mansyon para lang umakyat ng bundok at mag inuman doon kasama yung mga kaibigan nya. Kaya lang tinawagan nila ako na nasa hospital daw ang apo ko, at nalaman kong napilayan sya sa paa dahil nung pauwi sila ay nag kamali syang tumapak sa mabatong daan pababa. Mabuti nalang at minor injury lang ang natamo nya at ako ang tinawagan nila hindi ang kanyang ama o si Rosana kundi nasabon nanaman nila ang apo ko. Kaya lang ay wala din pala kaming takas ng makita nila kaming umuwi sa mansyon at ang nakacast nyang paa. Dalawa kaming nakatanggap ng apoy na binuga ng dragon.
"Pa, ano nanaman bang nagawa ng apo nyo?" Tanong ulit ni Mario ng hindi ako nakasagot agad.
"Ah e, hindi kasi maganda ang performance ni Limario sa isang subject nya--"
"Sinabi ko naman sainyo na ilayo nyo na yung mga kaibigan nyang masamang inpluwensya sa batang yan." Nagulat naman kaming mag ama ng makita ang kinakatakutan naming nakasandal sa pintuan.
"Ma, kanina ka pa ba dyan?" Tanong ni Mario at sinamaan naman kami ng tingin ni Rosana.
"Bakit? Kung hindi ko narinig ay siguradong hindi nyo nanaman ipapaalam saakin. Gayunpaman ay kahit itago nyo pa ang nangyayare, laging nakakarating sakin ang kalokohang pinag gagagawa ng anak mo Mario." Sinasabi ko na nga ba't tama ang hinala kong may nakamata saamin dito.
"Kayong dalawa, solusyunan nyo na agad ang bagay na iyan. Ayokong maging kahihiyan sa Imperial family ang nag iisang prinsipe ng pamilyang ito." Madiin na pag kasabi ng asawa ko at nilisan na ang kwarto. Narinig ko naman ang pag hingang malalim ng anak ko at minasahe ang kanyang sentido.
"Pa, pwede bang siguraduhin nyo munang pumapasok si Lim sa mga klase nya kahit dalawang araw lang? May importante lang akong kakausapin." Tanong ng anak ko.
"Walang problema. Siguradong mabubusog ang mga mata ko. Madaming magaganda sa MU. Kaya naman pala wiling wili ang apo kong hindi pumasok sa mismong klase nya. Sadyang mapanukso ang mga nasa paligid nya." Nakangiti kong pag kekwento. Nakita ko naman na napapikit ang kaharap ko na para bang lalong nadagdagan ang kanyang problema.
"Mag hire nalang kaya ako ng bodyguard nya?" Bigla naman akong nakaisip ng magandang magandang ideya sa sinabi ng anak ko. Agad akong tumayo.
"Mario!" Nagulat naman sya sa biglaan kong pag tayo.
"Kung mag hire ka nalang kaya ng Tutor? Sa ganon ay matututukan nya ang pag aaral ni Limario. Ibig kong sabihin, mag tuturo sakanya para maipasa lahat ng quizzes at exams nya at mag babantay kung papasok sya sa klase nya. Hindi ba't magandang ideya iyon?"
BINABASA MO ANG
The Prince has a Tutor (Jenlisa)
FanfictionAng simpleng buhay ni Limario Manoban bilang isang pasaway na estudyante ay biglang mag babago nang makilala nya ang kanyang tutor, gaganahan na nga ba syang mag aral o mas gugustuhin pa ding mabuhay na pasaway? Matututo kaya syang maging masipag at...