Chapter Five: Nancy's Spell

338 11 2
                                    


LIMARIO's POV

"Dude, nandyan lolo mo ah? Bakit ano nanaman sinumbong ni Mcdodo sakanya?" Tanong ni Bobby na nakasilip sa labas ng pintuan. Kakatapos lang kasi ng lunch break at kaunti pa lang kami dito sa room, nakita nyang dumaan si Lolo sa hallway kanina pag pasok namin.




"Hindi. May importante lang yang pinag uusapan." Sagot ko at naupo sa lamesa malapit sa pintuan.


"Aba? Mukhang involved ka ah? Dati kasi ang lagi mong sagot puro ewan eh. Ano nanaman nagawa mo ha?" Tanong ng lalaking mahirap taguan ng sikreto.





"Alam mo, Lee Minhyung. Ang lakas talaga ng radar mo e nu?" Nakangiwi kong sagot sakanya.


"So dude, involved ka nga?" Tanong naman nung isang nakasilip pa din sa pintuan. Sino kayang inaabangan ng lalaking to?


"Ano pa nga ba."


"Ano namang ginawa mo pwera sa bumagsak ka sa first prelim?" Tanong ni Mark na busy sa pag babasa ng libro.

"Mark, ang old skool mo naman. Di na uso yang libro libro. Uso na ngayon yung webtoon, tignan mo yung mga kaklase natin yun ang binabasa." Puna ni Bobby ng tignan ang ginagawa ng kaibigan namin.


"Ano? Web-ano? Tingin ko mas maganda pa din yung libro."

"Akin na cellphone mo boy! Malalaman mo pinag kaiba ng nilulumot na sa magaspang pa."

"Ano bang pinag sasabi mo? Minsan talaga hindi ko alam kung may sayad ka ba o sadyang kulang ka lang sa buwan e." Sagot ni Mark pero inabot pa rin naman kay Bobby yung cellphone nya.


"Sinasabi ko sayo Mark Lee, pag ikaw na adik sa webtoon pag sisilbihan mo talaga ako buong buhay mo." Pang aasar ni Bobby habang nag tatype sa phone ni Mark.


"Yung webtoon ba yung mobile app na parang manga ba yon?" Tanong ko. Wala naman kasi akong alam sa mga ganyang bagay, narinig ko lang yun kay Dahyun nung isang beses na pinag uusapan nila yon ng kaibigan nya.

"Para kang nag babasa ng anime don. Kung maganda pa pag kakagawa at malupet ang imaginations mo, pakiramdam mo nanunuod ka." Paliwanag ni Bobby. Hula ko nakichismis lang din tong lalaking to. Hindi naman sya mahilig mag basa e.

"Oh. Ayan na yung app, nilagay ko din dyan yung most viewed story na inaabangan ng lahat ngayon." Inabot nya kay Mark yung phone.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa ganito. The Killer of the Prince? Seriously Kim Jiwon?" Hindi makapaniwalang sabi ni Mark habang binabasa yung title ng story na dinownload ni Bobby.

"Malupet yan! Wag mong binabasta basta. Okay, balik tayo sa kasalanan ng pasaway nating kaibigan. Anong ginawa mo bakit nag uusap yung dalawang matanda?"

Nag commercial lang pala muna pero babalik din naman sakin ang topic. Tss!


"Sikreto lang to, mga tsong ha! Kung malaman to ng iba, at nakarating kay Lola. Kayong dalawa talaga ang ituturo ko!" Pananakot ko sakanila. At siguradong effective yun dahil takot talaga sila kay lola.


"Wag mo nalang sabihin dude. Hindi naman mahalaga sakin yung ginawa mong kalokohan e." Pag pigil ni Bobby at pumunta na sa upuan nya.


"Duwag talaga ang isang yon! Pero, alam mo Lim kung ano man yung nagawa mo sigurado naman akong malulusutan mo yun e. Lolo mo pa ba? Malakas yun kay Mcdodo. Wag kana mag salita ah, babasahin ko muna tong nilagay ni Bobby sa phone ko."

The Prince has a Tutor (Jenlisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon