Chapter Seven: Almost

325 10 3
                                    


Limario's POV

Nagising ako ng maramdaman kong may nakadagan sakin. Pinilit kong idilat ang mga mata ko ng hindi ko maigalaw ang mga kamay ko dahil sa bigat na kung anong nakadagan.

Kulay puting kisame ang bumungad saakin. Nasaan ako? Hindi ito ang kwarto ko. Sinubukan kong iangat ang ulo ko at nakita ko si Bobby sa kanan ko na nakayakap saakin, si Mark naman sa kaliwa ko at ginawang unan ang braso ko.

"Mag si gising na nga kayo!" Inis na sigaw ko habang pinipilit makaalis sa gitna nila. Pero ni hindi man lang sila gumalaw kahit kaunti kaya mabuti nalang at may lakas pa ako para makatayo. Naupo ako sa gilid ng kama at pinag masdaan ang malaking kwarto. Sigurado akong hindi ito bahay ng isa sa kanila kasi masyado tong malaki. Para tong bahay ng isang mataas na may katungkulan.

Kung ganoon e nasaan kami? Kahit ramdam ko ang hangover ko ay lumabas ako ng kwarto para alamin kung kanino ang malaking bahay na ito. Pag baba ko ng hagdan ay nakarinig ako ng pag uusap na nanggagaling sa kung saan.

"Tzuyu, pwede bang sa susunod na lang kita tuturuan?" Rinig kong sabi ng isang babae.

"Bakit unnie?" Malungkot na boses ng babae naman ang sumunod kong narinig.


"May pasok pa kasi ako e. Kung mag tatagal pa ako malelate na ako. Dumaan lang ako para ibigay sayo yung files para sa next project ng SC." Paliwanag ng unang babaeng nag salita kanina.

"Ganun ba, sige na nga. Mag ingat ka Jennie unnie!"

Pag dating ko sa dulo ng hagdan ay kasabay naman ang pag pasok ng babae sa doorframe na nag hihiwalay sa living room at dining area.


"Oh, gising kana pala. Yung dalawa ba gising na?" Nakangiting tanong nya. Sino ang magandang babaeng to?

"Sino ka miss? Kilala ba kita?" Nag tatakang tanong ko. Sumama ba kami sa babaeng hindi namin kilala kagabe? Bakit wala akong matandaan?

Narinig ko naman ang mahina nyang pag tawa bago sya sumagot.

"Hindi tayo mag kakilala pero si Minhyung kilala ko." Nakangiting sagot nya saka sya lumapit saakin. Si Mark? Wow! Hindi ko inakalang may magandang babae palang kilala ang loko lokong yon.

"I'm Tzuyu. And you are?" Pag papakilala nya habang nakahaya sa harapan ko ang kamay nya. Tinignan ko iyon saka ko tinignan ang naka cast kong kamay.

"Ay sorry." Agad nyang binawe ang kamay nya at inilagay sa likod.

"Okay lang. I'm Leo." Nakangiting pakilala ko. Leo is for my girls, yeah. So swerte nya, tinuturing ko na syang babae ko kaagad. Sigurado akong hindi to girlfriend ni Mark, pero kung sakali man na magustuhan nya ay di ako mag dadalawang isip na mag back out.


"Nice! So Leo, as you can see wala pang breakfast na nakahain kasi mag luluto pa lang sana ako kaya lang yung mag tuturo sakin mag luto, pumasok na. Unfortunately, hindi ako magaling mag luto." Nakangising paliwanag nya.

"Walang problema, wala pa naman akong gana kumain ngayon. Pwede bang makahingi ng paracetamol at malamig na malamig na tubig? Para kasing minamartilyo yung ulo ko." Sabi ko habang minamasahe ng kaliwa kong kamay yung ulo ko.

"Sure, tara sa kusina." Sumunod ako sakanya hanggang sa nasa kusina na kami. Nag bukas sya ng isang cabimet at nag kalkal sa medicine kit.

"Tzuyu, paano kami nakarating dito?" Tanong ko. Hindi ko pa rin kasi talaga maalala kung anong nangyare kagabe.


The Prince has a Tutor (Jenlisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon