Chapter 9

2.4K 100 0
                                    

Chapter 9: Blackmailer

Avianna:

Naglinis na ako nang kwarto ni Chase, mag-iilang oras na rin akong nandito. "Chase, puwede munang bukas ko nalang ituloy 'to? Hindi ko pa napapasa 'yung mga homeworks ko eh." I pleaded.

"Napasa ko na 'yung mga homeworks mo at alam na nilang excuse ka." he said without looking at me.

"H-How?" nauutal 'kong tanong sa kanya.

"Please lang ha? Huwag ka munang magsalita. Nakakaistorbo ka sa nilalaro ko." nakataas kilay na sabi niya sa akin.

"Psh, yabang." bulong ko.

Pinag-patuloy ko lang ang pag-wawalis ko hanggang sa mapagod ako, nagpahinga na muna ako.

"Tawagin mo yung butler." wika ni Chase.

"Butler?" taka 'kong tanong sa kanya.

"Tsk. Ako na nga! Wala ka talagang kwenta." di ko na lang pinansin 'yung sinabi niya kahit masasakit 'yung sinabi niya sa akin.

"Butler, paki-handa nang pagkain ko." simpleng sabi lang ni Chase, agad namang sumunod yung ano.. Yung butler ba? Ayun, butler.

Dumating na rin 'yung pagkain ni Chase. Ni hindi manlang niya ako pinansin. Kawawa naman ako. Wala na ngang makain, hindi pa nagsha-share..

"Ahh, mauna na ako, Chase. Baka hanapin ako nila mama at papa." wika ko.

"Butler!! Kuha ka pa ngang pagkain sa baba!" agad namang sumunod 'yung butler.

"Ito na po sir." sabi nung butler.

"Ibalot mo tapos ibigay mo sa kanya." tumango naman 'yung butler at binalot nya sa isang paper bag.

"Heto na po, miss." tinanggap ko naman 'yung paper bag.

Tiningnan ko 'yung orasan, "Hala, mag-eeight na pala nang gabi, naku po! Magagalit sila mama 'neto. Mauna na ako, Chase." tumayo na ako sa kama niya at pinagpag 'yung kama niya. Baka magkasakit pa 'yun."

Palabas na sana ako nang kwarto niya nang magsalita siya, "Hatid na kita sa inyo."

"Ay, huwag na. Kaya ko namang mag-isa." pagtatanggi ko.

"Can't you see? Gabi na. Baka ako pa ang may kasalanan 'kung mahablot ka sa daan. At isa pa, wala 'kang masasakyan dito." dirediretso niyang sabi sa akin.

Wala akong ibang magawa kundi ang sumunod sa kanya, tutal, slave naman niya ako kaya kailangan ko siyang sundin kundi ipapa-expell niya agad ako. What a blackmailer.

Nang makasakay kami sa kotse, walang nag-imikan sa amin, ako naman, nakapikit lang ang mga mata ko. Inaantok na rin kasi ako eh.

Nakakapagod kayang mag-walis, sa laki nang kwarto ni Chase para akong nabagsakan nang maraming mainit na tubig. Itulog ko na muna 'to.

Chase:

Papunta na kami sa bahay nila Avianna. Nang makapunta na kami sa tapat nang bahay nila tumingin ako sa direksyon niya.

"Hayst, sana di nalang kita pinagod.." bulong ko.

Paano ko siya gigisingin? I poked her in the cheeks pero wala eh, tulog mantika siya ngayon. Niyugyog ko lang siya nang niyugyog.

"Hmm.." she moaned. Putspa 'yan! Gumising ka na nga!

"GISING!!!" napaupo siya sa di oras.

"Ano ba naman 'yan, Chase eh!" kinurap kurap pa niya ang mga mata niya.

"Bumaba ka na, baka mavirus 'yung upuan na 'yan eh." pagtaboy ko sa kanya.

"Heh! Ang yabang mo!" sigaw niya sa akin.

"Wala 'kang 5k." nagkibit balikat ako.

"Joke lang 'yun! Ito naman, di mabiro!" at sinuntok niya ako sa braso nang mahina.

"Bahala ka dyan. Bumaba ka na!" pagtaboy ko.

"Peste ka talaga! Argh!" bumaba siya tapos padabog na pumasok sa bahay nila.

Ang totoo kasi nyan, may 10k na siya sa bag niya. Nilagay ko 'yun nung naglilinis siya sa banyo. Dinagdagan ko pa nga nang limang libo eh. Sakto na 'yun para sa kanya.

Avianna:

Padabog akong pumasok sa bahay, kainis 'yung mokong na 'yun!! Sabo niya babayaran niya ako pero hindi naman! GAHHHH! Manloloko talaga!

Pumasok na ako at nakita sila mama't papa na nag-uusap. "Hello ma't pa." nagmano ako sa kanila.

"Oh anak, bakit ka natagalan?" tanong ni mama.

"Uhm, may project po kasi kami kaya ngayon lang po natapos." kahit ang totoo niyan, hindi ako pumasok. Kasalanan 'to ni Chase eh.

"Ah, buti naman. Kamusta ang mga grado mo sa mga ibang subjects mo anak?" tanong ni papa.

"Okay lang naman po. Sige ma't pa, matutulog na po ako." tumango namna silang dalawa.

Agad akong pumunta sa kwarto ko at inilapag ang bag ko. Gagawa na ako nang mga homeworks ko.

Pagkabukas ko nang bag, may sobreng nakalagay 'dun. Agad 'kong kinapa 'kung ano iyun.

Pagkatingin ko sa isang sulat sa sobre. Isang smiley face lang. What the heck?

Binuksan ko yung bag ko at laking gulat na may 10k sa loob.

Salamat, Chase..

***
[[Edited Version]]

Ms. Nerd Meets Mr. Yabang (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon