Chapter 37: Announcement
Avianna:
Bumalik naman kami agad ni Chase sa room, pero siyempre. Hindi naman kami magka-klase ni Chase kaya umalis naman din siya agad. Hinatid lang niya kasi ako.
Kanina kasi, kumain lang kami sa labas sa mga fast food chains. Nagkwentuhan lang kami tapos agad naman rin kaming bumalik.
"Alam niyo ba girls, si Avianna raw ang napiling Ms. Campus?" tanong nung isang babae sa mga kaibigan niya.
"Oo nga, nasa canteen kanina nung sinabi ni Papa Chase na siya raw ang Ms. Campus." wika naman nung isa.
"Oh please, saan ka kaya nakakita nang isang nerd na magiging Ms. Campus like really? Kadiri kaya." maarteng wika nung babae.
"Yeah, ano kayang ginamit niya pang-gayuma kay Papa Chase?" tanong nung isa. Halatang nagpa-parinig sila habang nilalampasan ko sila.
"Slut kasi!" natigilan ako sa sinabi nung babae. Ako? Slut? For God sake.
Tumalikod ako at hinarap yung babae, "Excuse me? Who are you talking to?" tanong ko sa babae.
"Oh, here comes the witch.." naka-taas kilay na tanong nung babae.
"Oh bitch please, nai-inggit ka lang siguro kasi hindi ka pinapansin ni Chase at mas pinili niya na ako ang pansinin. So ngayon, sino sa atin ang mukhang witch? Yung pinansin nang guwapo o yung hindi?" I sashayed at i-kinainis niya yun.
"How dare you!" akmang sasampalin niya ako pero nahuli ako ang kamay niya.
"Oh, I forgot to mention. Only sluts deserve that." tapos sinampal ko siya. Nag-ooh naman yung mga estudyante dito. Kaya naman nginitian ko sila.
Umalis na rin ako sa harapan niya at pumunta sa upuan ko, nakita ko naman si Rose na pumapalakpak.
"Hay! Salamat at gumana rin ang powers ko!" sabi ni Rose nang i-kinatawa ko.
"You really did great there." she says, "Thank you." pagpa-pasalamat ko.
That's only just the beginning. Wala pa ako sa climax kaya kailangan ko pang pag-aralan ang maging maldita. Haha, pero hindi naman as in na maldita. Syempre magpa-pakabait pa rin ako no.
Bigla namang pumasok yung teacher namin kaya umayos na rin sila nang upo tska bumalik sa kanilang upuan.
"Announcement to everyone, sa friday na ang field trip. Kaya sana makasama kayo kasi last field trip niyo na to sa highschool." wika ni ma'am.
Nag-aww naman ang karamihan kasi nakaka-lungkot rin na aalis na rin kami pagka-tapos, iilang months na lang at magta-tapos na rin kami sa paga-aral.
"Okay, sino ang sasama sa inyo?" tanong ni Ma'am. Sasama kaya ako?
"Sama ka?" tanong ni Rose, "Oo siguro." sagot ko.
"Sumama ka please? Magiging masaya to! Well, wednesday pa lang naman ngayon kaya makakapag-grocery." napa-isip naman ako, "Sige na nga! Sasama ako." tapos nag-tawanan na lang kaming dalawa sa room.
"And may I call, Ms. Dela Cruz." nabigla naman ako kasi tinawag ako ni Ma'am, dahan-dahan naman akong tumayo, "Y-yes ma'am?" tanong ko.
"Congratulations at napili ka bilang Ms. Campus." nakangiting wika sa akin ni Ma'am.
"Thank you ma'am." pagpa-pasalamat ko, "Welcome, you may now sit." tumango naman ako at umupo.
"Waaa.. Inggit ako sayo girl!" tili ni Rose. Tumawa lang ako.
Agad naman si Ma'am nag-lesson si Ma'am kaya tumahimik naman kaming dalawa ni Rose. Buti na lang at hindi kami napansin na nagu-usap.
Natapos rin agad ang lesson ni ma'am at agad naman ring nag-dismiss.
"Ay Avi, una na ako ah. Bukas na lang ulit." tumango naman ako, "Sige, bye na!" sigaw ko sa kaniya tapos agad naman din siyang umalis.
Pumunta na lang muna ako sa library at nag-aral. Wala naman kasi akong libro, hindi ako bumili nung enrollment.
Kinopya ko lang yung mga keywords tapos agad rin naman akong natapos, tatayo na sana ako nang biglang pinatay yung ilaw.
Kaya kumaripas ako nang takbo at pagdating ko sa pintuan ay may naka-bungguan ako.
"Aray.." ang sakit naman nung pagka-hulog ko sa sahig.
"Avianna?" bigla naman akong napa-tingin sa nagsalita. Nagulat na lang ako kasi si Chase ang nandun.
"C-Chase." tinulungan naman niya akong tumayo, "Anong oras na ah? Bakit andito ka pa?" tanong niya.
"Uhm, nag-aral lang ako." sabi ko, tumango naman siya.
"Tara, hatid na kita sa inyo." tumango naman ako. No choice naman din ako eh.
"Uhm, thank you nga pala ah." wika ko. Nakapamulsa lang siyang nagla-lakad.
"Why?" tanong niya.
"Kasi, naging Ms. Campus ako." sagot ko, tumawa naman siya.
"Bakit nga pala, hindi si Gail ang pinili mo?" tanong ko sa kaniya, "Basta.." tapos inunahan na lang niya ako sa pagla-lakad.
Bumuntong hininga na lang ako tapos agad naman din kaming umuwi. Buti na lang at andito si Chase para patuparin ang pangarap ko. Hay.
***
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Meets Mr. Yabang (Revising)
Romance"Oy oh! Ang guwapo niya!" hiyaw ko habang patalon-talon pa. At tinuro ang lalaking nilalapitan ng mga babae at naghihiyawan. Lalapit sana ako ng bigla niya akong hinila. "Tsk, mas guwapo pa ako jan." irap niya sa akin, sumimangot naman ako. "Ang yab...