Chapter 11: Shopping
Avianna:
"Chase, bakit ka andito?" tanong ko sa kaniya.
"Kanina pa kita tinatawagan, takte! Inubos mo yung charge nang phone ko tuloy.. Tsk! Ano ba kasing ginagawa mo dito?" naiinis na tanong niya.
Aba ha? Ako pa talaga ang pinapagalitan? Hindi ba niya nakita ang ginagawa ko kanina? Tsk!
"Sorry ah?! Tao lang naman! Nadala lang po sa kanta!" note to the sarcasm.
"Tsk. May iuutos ako sa iyo, pumunta ka sa mall at hanapin mo 'yung damit na favorite color ko." utos niya sa akin.
"Ano po 'bang kulay ang gusto ninyo ho?!" diniinan ko pa 'yung HO.
"Blue, Green, Black. Ayan na.." aalis na sana siya kaso pinigilan ko siya agad.
"Paano 'kung hindi mo nagustuhan? Atsaka wala akong pera pambili nang damit mo. Puwedeng sa ukay ukay na--" he cut me off.
"Are you kidding me? Sa ukay-ukay?! Ang isang mayaman na bibili sa isang ukay-ukay?!" he rolled his eyes.
"Pssh. Yabang." tanging sabi ko sa kaniya at nag-walk out.
Tsk! Kainis! Ako tuloy ang bibili mag-isa. Alam nang nag-momoment ako kanina, sinira pa nang ugok na 'yun.
Lumakad ako papunta sa labas nang DU, uwian na rin eh. Baka ibigay ko nalang 'dun sa mansyon niya mamaya. Tamad pa naman 'yun. Tsk!
Sumakay na ako nang dyip at namasahe papuntang mall. Tutal may 3k naman ako eh. Sana naman, huwag na siyang mag-inarte, parang nag-aalaga pa ako nang baby. Daig pa niya yung mga baby, kung makapag-inarte talaga si Chase. Tsk!
Nang pumara na ako, dumiretso ako sa pinupuntahan niya palagi. OY! Hindi niya ako stalker 'no! Nakita ko lang naman sa isa niyang polo, lahat nakatatak na 'ganun eh. Kaya hinanap ko 'yun.
Nang makita ko na 'yung store, agad 'kong pinasok ito at binili ang mga favorite colors niya daw. Tsk! Kainis naman oh?!
Bakit ang daming gusto 'kong kunin?! Gahd! Siguro naman bagay 'tong tatlong blue na polo tapos dalawang black na t-shirt at dalawang green na t-shirts with matching qoutes na #gwapoproblems tapos #mayabang.
Oh ano? Ang cute 'no? Hehehe. Mas bet ko 'yung isang #mayabang. Tutal, ganun naman siya eh! Hehehe.
Pumunta na ako sa counter at binayaran, mura lang naman eh kaya sana naman, bayaran niya ito.
"Wow naman ma'am, ang dami naman ata niyong binili para sa boyfriend niyo, ang sweet sweet niyo naman po sa kaniya." chika nung saleslady.
"Ahh.. O-Oo nga po.." I lied. Wala naman akong ibang masabi na isa lang akong slave. Baka pagtawanan pa ako nito.
"Panget naman siya eh, baka inutos lang sa kaniya." sabi nung katabi nung isang saleslady.
Puwedeng manakal? As in now na? Ang sarap untugin sa pader 'tong bwisit na 'to.
"Huy! Ano ka ba! Costumer 'yan 'no! Kapag 'yan napikon, tatawagin niya 'yung manager tapos ipapatanggal ka, sige ka!" panakot 'nung isang saleslady.
Di ko nalang pinansin iyun at kinuha 'yung mga paper bags. Jusmeyo 'yan! Ang dami ko pang bibilhin.
Pumunta ako sa isang shop na pinuntahan namin kahapon, may gusto ata siyang bilhin 'dun kaya binili ko 'yung perfume na inaamoy niya.
Pumipili kasi kami nang shoes niya, habang hinihintay namin 'yung sapatos, nag-tingin tingin lang kami nang mga gamit dito, nadatnan ko siyang may inaamoy na perfume.
"Ano 'yan?" tanong ko habang palapit sa kanya.
Ibinalik niya agad at lumayo sa akin, "Huwag mo nga akong lapitan, dun ka lang."
"Pssh. Yabang!" sigaw ko sa kaniya pero hindi lang niya ito pinansin.
"Thanks, come back next time." wika nang kahera. Nginitian ko lamang siya at tuluyan nang umalis.
Di bale, tatlong bags ang dala ko, 'yung dalawa kasi, punong puno nang mga damit tapos ang bibigat pa. Jusko! Ilang damit nga lang ang binili ko, ganto na kabigat? Gahh!
May isa akong bibilhin sa kaniya, as in ONE LAST TIME na lang talaga 'to.
Wala lang, trip ko lang siyang bigyan nang mga gantong gamit, baka mag-pautos pa eh.
Pumunta ako sa isang shop kung nasaan 'yung mga damit na gusto niya rin kunin. Ewan ko lang ha? Pero pang couple t-shirt kasi 'yung nakita ko, yung isa.. Mayabang tapos 'yung isa naman ay nerd. Tapos may heart na broken, kapag nag-dikit, mabubuo ulit. Ang cute kaya!
Kinuha ko lang 'yung mayabang na t-shirt at nilagay sa counter.
"Ma'am, bakit 'di niyo po kinuha 'yung isang partner niya?" tanong nung kahera.
"Uh.. Wala na po kasi akong budget eh." pag-sisinungaling ko.
Tumango lamang 'yung babae at nilagay sa isang paper bag.
"Salamat." at umalis na agad ako paalis sa mall. Pumunta ako sa mansyon 'nung mayabang na 'yun tapos nag-doorbell agad.
***
[[Edited Version]]
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Meets Mr. Yabang (Revising)
Romance"Oy oh! Ang guwapo niya!" hiyaw ko habang patalon-talon pa. At tinuro ang lalaking nilalapitan ng mga babae at naghihiyawan. Lalapit sana ako ng bigla niya akong hinila. "Tsk, mas guwapo pa ako jan." irap niya sa akin, sumimangot naman ako. "Ang yab...