Chapter 1

5.4K 144 16
                                    

Chapter 1: Aroma

Avianna's Point Of View

Ano nga ba ang meaning ng destiny?


Sa mata ng tao, alam nilang si tadhana na ang bahala sa kanilang fortune para sa love life nila. 'Yung lahat si tadhana na ang susulusyon ng lahat, 'kung kailan niya ta-timingan. Pero hindi naman kasi iyon ang hinihiling ko eh.


Ang hinihiling ko lang ay sana maging masaya ako kasama ang pamilya ko.
Pero bakit ang tagal ni tadhana na sulusyonan itong problema ko? Akala ko kaya niya akong sulusyunan pero anong nangyayari? Hindi ko alam 'kung paano kami nag-end up na maging mahirap pero kahit kaunting detalye ay wala akong alam 'kung bakit kami nakatira dito sa may eskinita. Maliit lang ang bahay namin at ang mahirap pa, ang layo ng pinapasukan 'kong paaralan.


Pero sino pa ba ang masisisi ko? Hindi ko naman kayang sisihin sila mama at papa sa nangyayari. Kaya eto ako, pinagsikapan ko ang pagaaral ko at kasabay ng pagt-trabaho ko. Kahit mahirap at nakakapagod, kahit maraming patak ng pawis ang ilabas ko, pinagpursigi ko pa rin.


Hindi ako maarte sa kahit ano mang bagay, wala sa akin ang bahay, basta ang importante masaya ako sa pamilya ko. At kumpleto kami. Sabi nila bata pa lang ako ay dito na kami nakatira pero I don't remember anything kahit elementary days ko. Wala akong ni-isang baby picture pero ang sabi ni mama ay nasalanta na raw ng bagyo.

Pero is it really all that?


Para kasing may kulang kulang sa mga sinasabi ni mama. Or maybe I suffered from amnesia kaya nawala lahat ang alaala ko. Pero how? Sabi ni mama nagkasakit ako. Pero 'nung time na iyon ay hindi ko siya kilala, kahit pangalan ko ay hindi ko alam.


"Ms. Dela Cruz, Are you listening?" natauhan ako bigla ng tawagin ako ng Science teacher namin. Ang terror teacher ko.

Napatayo ako at tumayo ng tuwid, "Yes, ma'am!"


"Tsk tsk, please pay attention, Ms. Dela Cruz or you'll have detention." mahinahon na sagot ng guro. Napayuko ako at umupo, narinig 'kong pinagbubulungan ako ng mga kaklase ko.

"Tsk, akala mo 'kung sinong matalino."


"Nerd nga pero hindi nakikinig, huh whatever!" pabulong na sigaw ng isa na parang pinaparinggan talaga ako. Pero hindi ko pinansin ang mga sinabi nila.


Natapos ang last subject namin kaya agad akong umalis ng school para pumunta sa pinagta-trabahuhan 'kong cafe. Oo, nagpa-part time job rin ako tuwing Thursdays kasi wala kaming savings tuwing Thursdays. Ayoko sanang sabihin 'kung bakit ako lang 'yung naghihirap sa amin. Tuwing huwebes kasi, hindi nagt-trabaho si papa at mama.


Si Papa kasi naghahakot lang ng mga kahon at mga bote at si Mama naman ay nagbebenta ng basahan sa kalye. At ako naman ay nagta-trabaho dito sa cafe.


Okay naman ang sweldo dito at nakakaluwag rin kami. Kailangan rin kasi ni Papa na magpahinga dahil nakakapagod gawin ang trabaho niya. Isa akong taga-linis, taga-gawa ng kape at kahera. Paminsan kasi wala ang may-ari kaya ako ang naiiwan dito. Magfo-four months na ako dito at unti-unting nasasanay na rin ako sa pagta-trabaho ko dito.


Malapit lang naman 'yun sa pinapasukan 'kong school. Kaya napapabilis ang pagtungo ko doon. Padaan na sana ako 'nang may nabangga ako.

"Pasensya na po!" paumanhin ko.


"What the hell, look where you're going!" nagulat naman ako sa sinabi ng lalaki. Inexamine pa niya ang buong mukha ko.

"And your face is...- Get out of my sight!" huling saad niya at tumakbo na paalis.

Ms. Nerd Meets Mr. Yabang (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon